Kabanata 32 Arella's POV "DAD, please, maniwala ka sa amin! Nariyan na ang lahat ng ebidens'ya na niloloko ka lang ni Patrice simula't-sapol pa lang. Dad, she has an affair with Julius Mercado for we don't know kung kailan pa." Pagpapaintindi ko kay Daddy pero kahit ilang beses pa kaming magmakaawa ni Audrey na paniwalaan n'ya kami ay nanatili pa ring sarado ang isip n'ya. Masyado yatang nagapos ng babaeng iyon ang utak ng aking ama dahil s'ya pa rin ang pinapanigan nito. Nasasaktan ako para kay Daddy. Nasasaktan ako dahil sa ginagawa ng babaeng iyon sa ama ko. "No, Arella! No! These.. these are all.. hindi totoo 'to. She can't do those things to me. She can't!" Nakita ko ang paghihirap sa mga mata ni Daddy. Hirap na hirap s'yang tanggapin ang katotohanan na demonyo ang napangasawa n

