Kabanata 31 ILANG oras pa lamang mula nang dumating si Sean sa opisina n'ya ngunit hindi talaga magawang kumalma ng kanyang sestema. Simula nang umalis s'ya kanina patungo sa trabaho ay hindi na mawala ang kaba sa dibdib n'ya. Lalong nadagdagan ang pag-aalala n'ya kay Arella dahil sa mga kakatwang inaakto nito nitong mga nakaraang araw. Batid n'yang may problema talaga ang kanyang mahal na asawa ngayon. Wala sa isip na pinindot ni Sean ang intercom na nakakonekta sa kanyang sekretarya. "Yes, Sir?" Bungad sa kanya nito. "I want you to cancel all my appointment for today, Shanna. Contact Redden now and tell him to meet up Mr. Razon this morning instead of me." Utos n'ya sa kanyang sekretarya at agad na s'yang tumalilis palabas ng company building nila upang umuwi sa bahay nila. Nasa ga

