Kapag sinabing Baguio City ay over flowing ang mga tourist destinations spots. Umaga pa lang ay nalibot na nina Lucas at Blessa ang ilan sa mga iyon. Botanical Garden, Burnham Park, Mines View Park at Baguio Cathedral. "Ano'ng ipinagdasal mo?" tanong ni Lucas kay Blessa habang magkahawak kamay silang naglalakad palabas ng simbahan. "Marami," nakangiting tugon ni Blessa. "Ang maging maayos ang buhay ng mga mahal ko, matupad nila ang mga pangarap nila sa buhay. Sapat na 'yon sa akin. Ikaw?" "Gano'n rin. Makita ko lang na masaya ang pamilya mo at ikaw, ayos na rin sa akin," may ngiti sa labing sagot ni Lucas. "Makita lang kita na masaya habang inaabot ang mga pangarap mo. Malaking bagay na iyon para sa akin." Napatingin na lang si Blessa kay Lucas at matamis na ngumiti. "Alam mo ba, isa s

