CHAPTER 24

1248 Words

Itulak mo ako kung hindi mo kaya. Titigil ako." Marahang tumango si Blessa habang hindi pinuputol ang mga titig kay Lucas. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Lucas sa mukha niya. Abot-abot ang tahip ng puso niya dahil sa kaba. Parang hindi niya yata kaya. Hindi niya tuluyang maipasok sa isipan na ngayon na magaganap ang bagay na iyon. Napamaang na lamang sa hangin si Blessa ng yakapin siya ni Lucas ng mahigpit. "Hindi pa ito ang tamang oras, honey. Gusto ko, kapag ginawa natin ang bagay na 'yon. Handa ka na talaga. Ayaw kong pinipilit mo ang sarili mo para mapasaya lang ako o gantihan ang mga ginagawa ko para sa 'yo. Sobrang mahal kita, Blessa. Ayaw kong makita kang nahihirapan," pahayag ni Lucas habang yakap siya at haplos ang kanyang buhok. Parang nabunutan ng tinik si Blessa dahil s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD