Kung may okasyon mang ayaw balikan ni Lucas, iyon ay ang araw ng birthday niya. Nang araw kasing iyon ay dinukot ang kanyang bunsong kapatid habang nasa isang gift shop. Naghihintay noon sa labas ng tindahan si Lucy sa kanilang sasakyan nang huminto sa harap niya ang isang van at sapilitan siyang tangayin. Halos isang buwan rin ang paghahanap nila sa kapatid ng gumulantang sa kanila ang isang masamang balita. "Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa tambak ng basura sa Payatas Area. Walang kahit anong saplot ang babae na hinihinalang ginasa. Puno ng sugat at pasa ang buong katawan nito. Dinala na sa morgue ang naturang katawan at inaalam pa ang pagkaka kilanlan." Pinatay na ni Lucas ang t.v at aalis na sana ng tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng glass table na muntik pa niyang maiw

