Sa halos dalawang buwan na pagbalik-balik sa Casa Aliwan si Lucas ay napalapit na ang loob niya kay Blessa. Laging nagkukwento ang dalaga tungkol sa buhay nito noon hanggang sa mapunta siya rito sa loob ng casa. "Matagal ka na ba dito?" kuryosong tanong ni Lucas kay Blessa. "Ilang taon na rin. At pakiramdam ko, habang buhay na akong nandito sa apat na sulok ng casa na 'to," ani Blessa na nagpalinga linga pa sa paligid. "Wala kang balak umalis dito?" muli niyang tanong. "Meron," mahina ang boses na tugon ni Blessa sa kanya. "Hindi ito ang buhay na pinangarap ko, Lucas. Ni sa panaginip hindi ko gustong mapunta sa ganitong lugar, sa ganitong sitwasyon. pero may mga tao talagang darating para manlamang ng kapwa para lang sa pera." Hindi alam ng dalaga na alam ni Lucas ang lahat tungkol sa

