TAPOS NA NIYA patulugin si Sugar. Mahimbing na ito natutulog. Napangiti siya. Napasulyap siya sa wall clock, alas-nuwebe na ng gabi. Umalis kanina si Noriko matapos sila kumaen kanina, meron kasi biglaang bisita ito. Tatlong magkaka-mukha lalaki, medyo kakaiba nga lang sila. Marshall ang pangalan ng isa, istrikto at masungit ang first expression niya sa lalaki. Ang pangalawa naman ay Reese ang pangalan, kulay blonde ang buhok nito. At ang huli na may kulay blue ang buhok ay Twix ang pangalan. Mga kaibigan ito ni Noriko, hindi niya mapigilan mapangiti ng maalala niya kung paano siya pinakilala ng binata sa mga ito. "Meet, Coffee Shane---guys. My woman. Soon to be wife" Napailing siya. Hindi na siya kumontra. Hindi dahil sa bumibigay na siya kundi ayaw lang niya mapahiya ang binata sa

