"Wow! Ang ganda ng room ko daddy!" masiglang wika ni Sugar ng makita nito ang kwarto nito. Naroon na sila sa bahay ni Noriko, doon muna sila pansamantala habang nire-renovate pa ang mga sira sa bahay nila. Nasa ikalawang palapag sila dahil ipinakita ni Noriko kay Sugar ang magiging kwarto nito. Kulay pink ang buong pader, pink din ang kama, may maliit na vanity mirror na kulay pink din at punong puno ng iba't ibang klaseng stuff toys. Napatitig siya kay Noriko. "Hindi ba masyadong sobra na ito?" Kunot-noo ito tumingin sa kanya. "Sa six years na wala ako naibigay sa anak ko, kulang pa 'to --kulang pa 'to, Babe" Babe? Tila nakiliti ang tenga niya dahil sa narinig niya. Huminga siya ng malalim. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makitang nagtata-talon sa kama si Sugar. Sobra talaga iton

