Nagtataka namang sumunod sila Faith kay Grey. Saglit niyang sinilip ang katabi saka siya tumingin kay Grey na ngayon ay papasok na sa loob ng isang kwarto. "Ano bang sasabihin mo Grey?" Tanong ni Clifford nang makapasok na sila sa loob. Huminga muna ng malalim si Grey saka humarap sakanila. "Actually I want to talk Faith." Anito. Kumunot naman ang noo ni Clifford. "Bakit? Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Clifford. Umiling lang ito saka ngumiti sakanila. "I've just wanna ask something." Sabi nito saka tumingin sakanya. ".... anong pangalan ng ama mo Faith?" Nagtaka naman siya. Saglit siyang tumingin kay Clifford pagkuwa'y bumaling kay Grey. "Guiller Salvez.." Nagtatakang sabi niya. "Naalala ko nabanggit ni Criselda na wala ang ama mo hindi ba? Alam mo ba kung nasaan siya ngay

