"Sir Grey pinatatawag po kayo ni Mr. Samson." Kumunot ang noo ni Grey. Kapag ganitong gusto siyang kausapin ng tiyuhin ay may importanteng sasabihin ito. Sa tingin niya ay tungkol na naman ito sa negosyo. Nilapag niya ang dyaryo sa maliit na mesa sa tabi niya saka sumunod sa mayordoma. Pagtapat nila sa harap ng pinto ay iniwan na siya ng mayordoma. Tatlong katok ang ginawa niya bago niya narinig ang boses ng tiyuhin sa loob. "Pasok." Pinihit niya ang doorknob saka siya sumilip sa loob. Nakita niyang nakatayo doon ang tiyuhin habang nakatingin sa malayo. Pumasok naman siya saka timikhim para kunin ang atensyon nito. Dahan-dahan naman itong lumingon sa direksyon niya, bumungad sakanya ang malaking peklat na nasa sentido nito. "Pinatatawag niyo daw po ako tiyo?" Humugot ito ng malalim n

