"Blod! Wo ist red mantel!" Nakayukong kinuha ni Matilda ang makapal na mantel na tinapon ng amo sa sahig saka yumuko. "I'm sorry maam.." "Geh raus!" Sigaw nito, mabilis siyang umalis sa kwarto nito. Tinahak niya ang mahabang pasilyo na may pulang carpet. Napapaligiran siya ng kulay gintong mga dingding, antique na mga kagamitan at naglalakihang kurtina. Ngunit ang ka-elegantihan ng lugar ay hindi niya alintana dahil sa galit. Naalala niya ang mga magulang na naiwan sa pilipinas pati na ang lalaking mahal. "Kung hindi lang ako pinipilit nila mama ikasal sa iba Guiller mahal ko, hindi sana ito ang buhay ko. Magkasama sana tayo.." Bulong niya, pinili niyang talikuran ang lahat ng karangyaan sa pilipinas para matakasan ang lalaking napipisil na ikasal sakanya. Ngunit hindi niya inaasahan n

