"Nasaan ang ina mo ngayon iha?" Tumitig siya sa kaharap. Sinabi niya dito ang lahat, kung ano sila ng kanyang ina sa buhay nito. Kung paano ito umalis sakanila. Lahat ng bagay na natatandaan niya sa ama ay sinabi niya. Wala rin namang silbi kung itatago pa nila ang lahat dito, baka sakali sila pa ng kanyang ina ang makatulong dito. "Nasa bahay po ngayon." Nakangiting sabi niya. "....mabait po ang kumupkop samin. Kami ang naging bantay sa mansion habang wala pa po ang mag-ama." Nakita niya ang pagbagsak ng balikat nito. "Napakasama kong ama..." Bulong nito. Hinawakan niya ang kamay nito. "Wag mong isipin 'yon pa... ang mahalaga samin ngayon nandito kana. Kung ano man ho ang nangyari kalimutan na lang ho natin 'yon. Ang mahalaga gumaling kayo." Tumitig ito sakanya. "Naalala ko sa muk

