"Aray naman Inuyasha! Paa ko natapakan mo!" "Nakita ko? Nakita ko? Nakita mong ang bigat ng dala ko diba?" Sarkastikong sabi ni Tunaco kay Maxeau. Napapailing na lang na pinanuod ni Faith ang pagtatalo ng mga kaibigan ni Clifford. Speaking of Clifford? Nasaan na ang lalaking 'yon? Nilibot niya ng tingin ang paligid saka hinanap ang binata. Pumunta siya sa harap ng truck. Anak ng! "Clifford anong ginagawa mo diyan? Tulungan mo 'yung mga kaibigan mo don!" Sita niya dito nang makitang natutulog lang ito sa driver seat. "Hayaan mo sila mein engel. Sumama sila eh." Nakangising sabi nito saka nito binuksan ang pinto sa tabi nito. "Hindi dahilan 'yan Clifford tumigil ka! Nag-aaway lang sila doon oh." Bahagyang nagsalubong ang kilay niya nang hawakan nito ang baba niya. Nakita niyang yumuk

