DARK NIGHT SIX

2145 Words
CHAPTER SIX NASA labas ng kotse nito si Sancho at may hinihintay ng makita niya ang lalaking lumabas ng bahay. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito ngunit agad din napalitan ng galit. Hindi niya talaga alam kung bakit galit ang lalaking ito sa kanya. Lumapit ito sa kanya. "Anong kailangan niyo?" tanong nito na hindi talaga itinago ang galit sa kanya. "I'm waiting for Ms. Cruz. You are her brother, right?" Inilahad niya ang isang kamay dito. "I'm---" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng nilampasan siya ng kapatid ni Angel. What the F? Anong problema ng lalaking iyon? Hindi ba nito alam ang right conduct. Ang bastos naman nito at basta na lang siya tinalikuran. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Naglakad ito papunta sa sakayan ng mga tricycle. Hindi siya makapaniwala na basta nalang siya tinalukuran ng kapatid ng babaeng sinisinta. Nararamdaman niyang malaki ang galit ng kapatid ni Angel sa kanya. Ngunit saan nagmumula ang galit nito sa kanya? Hindi kaya? Kung sakaliman na iyon nga ang rason paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Sinabi kaya ni Angel dito pero hindi ba at hindi naman iyon binabanggit ng dalaga sa kanya? "Sir Lim?" Naalis ang tingin niya sa kapatid ni Angel ng marinig ang boses ng babaeng sinisinta. Napatingin siya sa harapan niya at nakita niya ang nagtatakang mga mata ng dalaga. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagpunta niya. Nais niyang ngumiti ng makita ang simpleng ayos nito ngayon. Nakasuot ito ng strip polo shirt at nakaskirt ito. Flat shoes naman ang suot nito. Wala itong suot ngayon na make up at nakalugay lang ang mahaba nitong buhok. Tumikhim siya para pakalmahin ang nagwawala niyang puso. "Good morning, Ms. Cruz." Bati niya sa dalaga. "Anong ginagawa niyo dito?" lumapit ito sa kanya. "May meeting ba tayo sa labas?" Ngumiti siya sa dalaga at pinagbuksan ito ng pinto. "No." "Wala? Kung ganoon, bakit ka nandito?" lalong napuno ng pagtataka ang mukha nito. Natigilan siya sa tanong nito. Bakit nga ba? 'Because you are f*****g jealous of your brother and you are making an effort for her to fall to you.' Sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Right! Iyon ang dahilan kung bakit siya nandoon sa lugar na iyon. Joshua makes Angel smiles without doing anything but talking. Nakaramdam siya ng galit ng makita ang magandang ngiti na iginawad ng dalaga sa kapatid niya. Hindi lang iyon, nakayakap pa ito ng kapatid na lalo nagpa-init ng kanyang ulo. Kaya nga bago pa niya masuntok ang kapatid ng araw na iyon ay pumasok na siya ng kanyang opisina. Inabala niya ang sarili sa mga nakatambak ng trabaho ngunit hindi din niya nagawa dahil ang kanyang atensyon ay nasa dalawang tao na nasa labas ng kanyang opisina. Nang hindi pumasok ng kanyang kapatid sa kanyang opisina ay lumabas siya ngunit hindi niya makita ang dalawa sa labas. Tinawagan niya ang kapatid at sinabi nitong nagtaxi na ito pauwi dahil ayaw na siyang abalahin sa kanyang trabaho. Sinabi din nito na paakyat na si Angel. Lalo siyang napa-isip dahil sa nalaman. Kung ganoon ay close ang dalawa at hindi man lang niya alam. Kaya nga gumagawa siya ngayon ng paraan. Hindi siya makakapayag na mapunta ang dalaga sa ibang lalaki. Angel is for him only. Ito ang babaeng bumaliw sa kanya noon at hanggang ngayon. "Stop asking a question, Ms. Cruz and get in my car. Ayaw mo naman sigurong malate tayo, di ba?" tinaasan niya ng kilay ang dalaga. Hindi na sumagot pa ang dalaga at pumasok na lang ito ng kanyang kotse. Napangiti siya. Akala niya ay makikipagtalo pa ito. Sumakay siya ng kotse. Nakasuot na ito ng seatbelt at nakatingin sa labas. Wala ng emosyon sa mga mata nito. Nais niyang mapabuntong hininga. Paano niya kaya matitibag ang pader sa pagitan nilang dalawa ng dalaga? Madali sa kanya ang makipagkaibigan sa mga babae ngunit bakit pagdating kay Angel ay hindi niya magawa. Kailangan na ba niya ang advice ni Cathy? Na ah! Iyon ang huling bagay na gagawin niya. Pagtatawanan siya ng kaibigan pagnagkataon. Mas mabuti pa kay Mazelyn, marami iyong alam lalo na at may love life ang babaeng iyon kaso ang problema ay ang nobyo nito. Ayaw nitong lumalapit siya kay Maze. What a jealous man Shilo is? Natigilan siya sa pag-iisip ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon sa pantalon. Buti na lang at stop light. Tiningnan niya ang caller I.D. Nagtaka siya ng makita ang pangalan ng kaibigan na si Mazelyn. Sinagot niya iyon. "Hey! What's up?" tanong niya. "Hi Sancho. Nasa opisina ka na ba?" malambing na tanong ni Mazelyn. Nagsalubong ang kilay niya. Anong nakain ng babaeng ito at naging ganoon ang tono ng boses sa kanya? "Nope. I'm driving. Bakit ka tumawag?" "Ow! That's good to hear. Pwede mong daanan si Cathy sa bahay nila?" "What? Bakit ko naman dadaanan ang babaeng iyon?" "Well, she can't drive right now. Something happens." Nagsalubong ang kilay niya. Something happen? Ano na naman ang ginawa ng babaeng iyon? Hindi niya maiwasang mag-alala sa kaibigan. Kahit naman nag-aasaran sila ng babaeng iyon ay ayaw naman niyang napapahamak ito. "What happen to her?" iniba niya ang direksyon ng kotse. Nakita niyang napatingin sa kanya si Angel. "Ask her." Iyon lang ang sinabi ni Maze at binabaan na siya ng phone. Napabuntong hininga siya. Kahit kailan talaga si Cathy. May nakaaway ba ito dahil sa tahasan nitong magsalita. Hindi niya alam kung nakakabuti ba sa kaibigan ang ugali nitong ganoon. "We are heading in the wrong direction." Malamig na sabi ni Angel. Napatingin siya sa dalaga. May nakita siyang galit sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng takot dahil sa nakikitang emosyon dito. Mas nakakatakot pa ang aura nito kaysa sa kanyang ama. Nakaramdam siya ng panlalamig sa kamay. Umiwas siya ng tingin. Nasaan na ang mala-anghel na babaeng nagpatibok ng puso niya. Nagbago na ba talaga ito? Well, sa tingin niya Oo. Malaki ang pinagbago ng dalaga. Dati ay hindi ito nagdadamit ng ganoon. Iyong nakikita ang ilang bahagi ng balat nito. People really do change. At hindi noon pinalampas si Angel. "May susunduin lang tayo. Wag kang mag-alala, malapit lang sa opisina natin ang pagbabaan niya." Sagot niya. Bakit ba kailangan niyang magpaliwanag sa dalaga? For Pete's sake, siya ang boss. He can decide whatever he wants and she can't do anything about it. Hindi sumagot si Angel. Tumingin na lang ito sa labas ng kotse. Napabuntong hininga na lang siya. Itinuon na lang niya ang atensyon sa pagmamaneho. Nang marating nila ang subdivision kung nasaan ang bahay ni Cathy ay agad siyang pinapasok ng guard. Kilala na siya dahil madalas siyang pumunta roon kapag nais niyang kulitin ang kaibigan. Nasa labas ng bahay nito si Cathy ng dumating siya. Nakasimangot ang dalaga na ikinatawa niya. Kapag irritable talaga ito ay hindi nito iyong tinatago. Kung ano ang nais nitong gawin ay ginagawa nito. Naalala niya pa na minsan na siya nitong binato ng sandals. Matapang si Cathy kapag alam nitong nasakatwiran ito. She is an sss woman if she wanted too. "Wait me here." sabi niya kay Angel. Hindi siya sinagot ng dalaga, bugkos ay inirapan pa. Boss ba talaga siya nito? Napailing nalang siya bago bumaba ng kotse. Nilapitan niya ang kaibigan. Lalo itong sumimangot ng makita siya. "Bakit ka nandito?" tanong nito. "Tumawag sa akin si Maze. Sinabi niyang sunduin daw kita." Huminto siya sa harap nito. Natigilan siya ng may nakitang pasa sa kaliwang pisngi nito. Agad niya itong hinawakan sa baba at sinuri ang lagay ng pisngi nito. Tumiim ang bagang niya ng makitang nangingitim iyon. "f**k! What happens to your face? Who did this to you?" galit niyang singhal. Inalis ni Cathy ang kamay niyang nakahawak sa baba nito. "It's nothing." Sagot nito at nilampasan siya. Agad siyang sumunod at hinawakan sa braso ang dalaga ngunit bigla itong umigik na pinagtaka niya. Hinarangan niya ang kaibigan at hinawakan sa braso. Nakita niyang bumalatay ang sakit sa mukha at mata nito. Dumikit ang mga labi niya. Unti-unting may nabuhay na galit sa loob niya. Tinanggal niya ang suot nitong balabal at doon niya nakita ang mga pasa sa braso nito. Bigla ay nandilim ang paningin niya. Kumulo ang dugo niya sa katawan. Whoever did this to his friend will surely going to die. Anong karapatan nitong saktan ang kaibigan niya? "Who did this?" may diing tanong niya sa kaibigan. Hindi sumagot si Cathy. Nakatitig lang ito sa kanyang mga mata na para bang may sakit siya. Nakataas din ang kilay nito. Nang mapansin na walang balak ang kaibigan na sagutin ang tanong niya ay inis niyang kinuha ang phone sa bulsa. "What are you doing?" "I call Jacob. Paiimbestigahan ko iyang nangyari sa iyo. I want to know who did this to you. At kung sino man ang gumawa niyan sa iyo, magtago na siya dahil sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan." Bumuntong hininga si Cathy. Inagaw nito ang phone niya. "Nasa kulungan na siya. Marko already in prison. Hindi na niya muling sasaktan pa ako o ang anak ko kaya tumigil ka na. hindi ko naman hahayaan ang sinuman na saktan ako at basta na lang makalaya." Sabi nito na ikinaluwang ng kanyang loob. Pumasok na nag kotse niya si Cathy pagkatapos ibalik sa kanya ang phone niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig. Mabuti naman at nasa kulungan na ang taong nanakit dito. Marko? So, ang nanakit pala dito ay ang lalaking muntik ng gumahasa kay Mary Ann, ang anak ni Cathy. Hindi pa rin pala ito tumitigil sa panggugulo nito sa buhay ng kaibigan niya. Mukhang kailangan niyang tawagan mamaya si Leo John para ito na ang humawak ng kaso ni Cathy. Hindi siya makakapayag na makalaya pa ang lalaking iyon. Pumasok siya ng kotse at nakita niyang nakatitig sa unahan ang kaibigan niya. Sinundan niya ng tingin iyon at doon lang niya naisip na makikita ni Cathy si Angel. Maaring magulo ang plano niyang panliligaw sa dalaga. Wala na talaga siyang pag-asa nito. "Who is she?" tanong ni Cathy na nakasalubong ang kilay. Tumikhim siya dahil pakiramdam niya ay may nakaharang sa kanyang lalamunan. Sana ay tumahimik lang si Cathy sa buong durasyon ng byahe nila. But knowing Cathy, sasabihin nito kung ano ang laman ng isip nito. Wala itong paki-alam sa sasabihin at mararamdaman niya. "Cathy, sekretary ko." Tumingin siya kay Angel na ngayon ay umayos ng upo at lumingon kay Cathy. "Angel Fatima Cruz, ma'am." Pakilala ng dalaga. Nakita niya ang pagguhit ng pagkagulat sa mukha ng kaibigan ngunit agad ding nawala. Napatingin ito sa kanya at pinaglakihan siya ng mga mata. Patay talaga siya nito mamaya. Siguradong batok na naman ang aabutin niya kay Cathy. Bumalik ang tingin ni Cathy kay Angel at ngumiti na alam niyang peke. Ang babaeng talaga na ito, hindi ito marunong magtago ng totoong emosyon. "Cathylyn dela Costa, Sancho's...." tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng nakakalukong ngiti. ".... Girl friend." Muntik na siyang malalaglag sa kinauupuan ng dahil sa sinabi ni Cathy. What the F*** Anong sinabi nito kay Angel? Girl friend? Sinabi nitong girlfriend niya ito. Nababaliw na ba ang kaibigan niya? Balak ba nitong isalbutahe ang buhay pag-ibig niya. Galit niyang tinitigan si Cathy. Ngunit binigyan lang siya ng dalaga ng mapang-akit na ngiti. "What are you—" Hindi niya masabi ang iba pangsasabihin ng hawakan ni Cathy ang kanyang pisngi. "Drive now, babe. Ayaw kong malate sa pagbukas ng flower shop ko." Inilapit ni Cathy ang mukha sa kanya at bumulong. "Wag kang magsasalita ng hindi ko gusto, Sancho. May nais lang akong malaman sa babaeng kasama mo. Kung ayaw mong maputol ang lahi niyo sumunod ka sa plano ko." Pagbabanta ni Cathy. Pabulong ang sabi nito kaya nagbigay iyon ng kilabot sa kanya. Alam niya kung paano magalit si Cathy. Siguradong hindi magpapatuloy ang lahi niya kapag may ginawa siyang hindi nito gusto. Inilayo ni Cathy ang mukha sa kanya at tinapik ang balikat niya. Agad naman niyang minaobra ang kotse palabas ng subdivision. Napasulyap siya kay Cathy ng nasa daan na sila. Bigla nitong nginuso si Angel kaya napatingin siya sa dalaga. Nakita niyang madilim ang mukha nito. Hindi lang iyon. Nakita niyang mahigpit itong nakahawak sa damit nito. Muli siyang napatingin kay cathy. Ngumiti ang kaibigan sa kanya at may sinabi na ikinasaya ng puso niya. 'She is jealous. Your Angel is jealous.' Basa niya sa buka ng labi nito. Bigla ay para siyang nakalutang dahil sa sinabi nito. Napuno ng saya ang puso niya at muling napasulyap kay Angel at tama nga si Cathy dahil ng magtagpo ang tingin nila ni Angel. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang selos. Mukhang may katagunan na ang pagsinta niya sa dalaga. Malapit na ba niyang matibag ang pader sa pagitan nila at tuluyan na siyang makapasok sa puso nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD