DARK NIGHT SEVEN

2175 Words
CHAPTER SEVEN "MS. CRUZ, I want to s—"Natigil sa pagsasalita si Sancho ng makitang wala si Angel sa table nito. Nasaan naman kaya ang sekretarya niya. Napabuntong-hininga siya ng maalala kung nasaan ito ngayon. Niyaya nga pala ito ni Joshua na lumabas para magmeryenda. Napatingin siya sa pambisig na orasan, fifteen minutes ng wala ang sekretarya niya. Saan ba kasi ito dinala ni Joshua? Bigla ay nabuhay ang irritasyon niya sa kapatid. Noong isang gabi ay tinanong niya ito patungkol kay Angel at sinagot lang siya nito na kaibigan nito ang dalaga. Naging malapit ito kay Angel dahil sa tuwing uuwi ito para magbakasyon ay ang dalaga ang madalas nitong nakakausap. Tinanong niya kung bakit hindi man lang nito sinabi iyon sa kanya, ngumiti lang ng nakakaluko ang kapatid. Nais niyang suntukin ang kapatid ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi naman kasi siya bayolenting tao. Pero kapag talagang may ginawa ito kay Angel na hindi niya magustuhan ay humanda talaga ito sa kanya. Tatawagan na sana niya ang kapatid para sabihing ibalik na ang sekretarya niya ng makitang lumabas ang nakangiting si Angel. Nagtagpo ang tingin nila. Bigla ay nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng seryusong mukha. Nakaramdam siya ng munting kirot sa kanyang puso dahil sa naging reaksyon ng dalaga. Kailangan ba talagang laging ganoon ang dalaga sa kanya. Hindi ba nito kaya siyang bigyan kahit na isang ngiti. Minsan tinatanong niya ang sarili, hindi kaya alam nito na siya ang lalaking minsan na nitong nakasama. Ngunit kung alam nito, hindi sana ganoon ang reaksyon at trato nito sa kanya. Dapat ay galit ito at sinusumbatan siya. Hindi niya ito pinanugutan, gayong siya ang unang lalaki sa buhay nito. "May kailangan po kayo?" tanong ni Angel. "Could you smile?" wala sa sariling tanong niya dito. Nakita niyang rumihistro ang pagkagulat sa mga mata nito. Agad naman siyang na tauhan sa mga sinabi. Tumikhim siya at nagseryuso. "I need the financial report of our project in Cavite and also the financial status of the hotel in Boracay." Nawala ang pagkagulat sa mata ni Angel at napalitan iyon ng malamig na tingin. "Give me five minutes, Sir Lim. I will bring it to your office." Tumungo na lang siya at tumalikod. Papasok na sana siya sa kanyang opisina ng muli niyang nilingon si Angel. Nasa table niya na ito at may inaayos na mga papeles. May napansin siya sa braso nito at bigla ay nakaramdam siya ng galit. "Ms. Cruz." Hindi maitago ang galit sa boses niya ng tinawag ito. Umangat ng tingin si Angel. "Yes, Sir Lim." "Stop flirting with my brother. May nobya na ito." Sabi niya at tuluyan ng pumasok sa kanyang opisina. Hindi pa rin naalis ang galit sa puso niya. Bakit ba kailangan makita niya pa ang bracelet na suot nito? Isa iyon sa mahalagang yaman ng pamilya. Ang sabi sa kanya ng ama ay ibinigay nito iyon kay Joshua para ibigay sa babaeng especial dito. Anong ibig sabihin ng ginawa ng kapatid niya? Mukhang kailangan na niyang kausapin ang kapatid at  ng magkaliwanan silang dalawa. PALABAS ng opisina si Angel ng may humintong kotse sa harap niya. Napangiti siya ng makitang si Joshua iyon. Bumaba ang binata sa kotse nito at lumapit sa kanya na may ngiti sa labi. "Uuwi ka na ba?" tanong nito. "Yes." Sagot niya. "Hatid na kita?" kukunin sana nito ang bag niya ng may kamay na pumigil dito. Sabay silang napatingin sa taong ngayon ay nakatayo katabi nila. Nakita nila ang galit sa mga mata ni Sancho. Hindi maipinta ang mukha nito na ipinagtataka niya. May problema ba ang lalaking ito? Bakit galit na naman ito? "Ako na ang maghahatid kay Angel." May pinalidad sa boses ni Sancho ng sabihin niya iyon. Bigla ay nagbago ang t***k ng puso niya ng marinig ang pangalan niya mula sa labi nito. Ito ang unang pagkakataon na binanggit nito ang kanyang pangalan. Lagi kasing Ms. Cruz ang tawag nito. At hindi lang iyon, masarap pala marinig mula dito ang pangalan niya. Nais tuloy kumawala ng kanyang puso sa loob ng katawan niya. Sa loob ng ilang buwan na pagtatrabaho niya sa kompanya sa pamamahala ni Sancho ay may mga damdamin nitong binubuhay sa pagkatao niya na alam niyang hindi dapat niya maramdaman sa binata. Dapat ay matakot siya sa mga natutuklasang damdamin ngunit hindi iyon ang sinisigaw ng puso niya. She loves what she feel right now. Para ba kasing nakikita niya ang ibang bahagi ng mundo kapag kasama ang binata. Na hindi lang puro pait at sakit ang buhay ng tao kung hindi may saya at liwanag din. Sancho shows her that she is not different from the other people around her. Na marunong din siyang maging ma-inggit, mainis at magselos. Kagaya nangyari noong isang araw na sinundo siya nito. Aminado siyang nainis siya sa nakita. Sobrang nasaktan ang puso niya ng makita kung paano mag-alala ang binata kay Cathy. Ayaw man niyang magalit kay Cathy ngunit iyon ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon. Parang nawasak ang puso niya ng malaman na girlfriend ito ni Sancho. Nais niyang umiyak ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya magawa dahil nasa harap siya ng dalawa. And the last thing she wants, is Sancho to know the feeling starting to grow on her. Nais pa nga niyang putulin kung ano man ang nararamdaman niya sa binata. Alam niyang walang patutunguhan iyon. Masasaktan lang siya at ganoon din ang mga taong umaasa sa kanya. "Kuya, wala ka bang lakad ngayon?" tanong ni Joshua. "Ikaw? Hindi mo ba susunduin si Patricia?" Madilim ang mukhang tanong ni Sancho. Hindi maipinta ang mukha nito na ipinagtataka niya. Tumungo si Joshua at napatingin sa kanya. Ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila na lalo niyang ipinagtaka. "Mamaya pang seven o'clock ang flight niya. Mahahatid ko pa si Angel bago ko sunduin si Pat." Nakita niyang lalong nandilim ang mukha ni Sancho. Nag-aapoy na ang mga mata nito. Bumaba ang tingin nito sa kamay nilang magkahawak ni Joshua. Hahatakin na sana niya ang kamay na hawak ni Joshua ng humigpit ang pagkakahawak ng binata. Napatingin siya dito. May kislap ang mga mata nito. "Suit yourself then." Tumalikod si Sancho at iniwan silang dalawa ni Joshua. Sinundan niya ang binata. Alam niyang galit ang binata ngunit hindi niya alam kung para saan iyon. Ngayon niya lang din nakita ang boss niya na galit. Na kulang na lang ay suntukin si Joshua. Natigil siya sa iniisip ng marinig ang malakas na tawa ni Joshua. Napatingin siya sa kaibigan na salubong ang kilay. Hindi maitago ang aliw sa mga mata nito. "I can't believe him." Umiling pa ito at tumingin sa kanya. "Why are you laughing?" tanong niya. Ngumiti si Joshua sa kanya. "Nothing! Natutuwa lang ako." Pinisil nito ang pisngi niya na agad niyang tinabig. Joshua and his weird a*s mind. Tumalikod na si Joshua at sumakay ng kotse nito. Sumunod siya dito kahit pa nagtataka siya sa inaasal ng magkapatid. Bakit ba ngayon niya lang nalaman na weird ang magkapatid na ito? Noong unang kita niya kay Joshua, akala niya ay sobrang seryuso nito sa buhay dahil sa attorney ito. Ngunit ng maging malapit ito sa kanya at ng unti-unti itong nakapasok sa buhay niya ay doon niya nalaman na may pagkabaliw pala ito. Kung anong maisip na kalukuhan ay gagawin nito. Minsan nga ay pinakilala siya nito sa ama na nobya na itinawa na lang ni Sir John. Akala niya nga ay matatanggal siya dahil sa ginawa ng binata ngunit lumapit lang sa kanya si Sir John at humingi ng pasensya. Maluko lang daw talaga si Joshua at wag niyang seryusuhin. Simula noon ay naging malapit na siya kay Joshua. Naging malapit ang loob niya sa binata ngunit kahit ganoon ay hindi niya masabi dito na minsan ng may namagitan sa kanila ng kuya nito. Siguro nga ay ibabaon na niya sa hukay ang madilim na kahapon niyang iyon. Lalo na at pinagsisihan niya ang mga maling desisyong ginawa ng gabing iyon. "HEY! ARE you okay?"tanong ni Joshua sa kanya. Naiilang na ngumiti siya dito. Ito ang partner niya ng gabing iyon. Its Lim Real Estate anniversary and all employees are there to celebrate. Ngayong gabi ipakilala sa buong business world at pormal na ibibigay kay Sancho ang pamamahala ng buong kompanya. Nasa isang sulok lang siya ng venue at kanina pa umiinum ng alak. Ayaw niyang pumunta sa table kung saan siya nakaassign dahil sa hindi naman niya kilala ang mga taong naruruon. Wala siyang kaibigan sa loob ng opisina dahil sa ayaw niyang malaman ng mga ito ang tungkol sa nakaraan niya. Kung maari ay walang makaalam ng bagay na iyon lalo na ang mga Lim. The last thing she want them to know is she once associate with the heir of Lim Empire. "I'm fine." Sagot niya at ininum ang isang glass ng wine. Hindi naman iyon nakakalasing kaya malakas ang loob niyang uminum ng marami. Napatingin sa kanya si Joshua. "You are not fine. May problema ba?" Hindi talaga siya titigilan ni Joshua. Alam talaga nito kung kailan siya may dinadalang problema. Well, hindi naman ganoon kalaki ang problema niya. Ang totoo ay matagal na niyang balak iyon dahil iyong ang tamang gawin niya. Hindi niya sinagot ang tanong ni Joshua. Muli siyang tumingin kay Sancho na kausap ang isang business man at isang magandang babae. Kilala niya iyong babae dahil minsan na itong pinakilala sa kanya ng binata. Ang nobya nitong si Cathy. "Nandito pala si Cathy?" Narinig niyang tanong ni Joshua. Napatingin siya sa kaibigan. Nakatingin din pala ito kay Cathy at Sancho. Mukhang kilala din ng binata ang nobya ng kuya nito. Kung ganoon ay pinakilala na pala ng binata ang nobya sa pamilya nito. Bigla ay may kumurot sa puso niya. Bago pa may lumaglag na tubig mula sa kanyang mga mata ay tumalikod siya. Aalis na sana siya ng pinigilan siya ni Joshua sa braso. "Saan ka pupunta?" "M-magpapahangin lang. Mamaya pa naman mag-uumpisa ang program, di ba?" "Yes! Hinihintay pa si Daddy." Inagaw niya ang braso kay Joshua at humakbang palabas ng venue. Kailangan niyang sumagap ng hangin. Pakiramdam niya ay kakapusan siya ng hininga dahil sa paninikip ng kanyang dibdib. Nais din niyang maiyak. Bakit ba kasi napakagandang pagmasdan ni Sancho at Cathy. Parang princesa si Cathy sa suot nitong blue dress gown habang si Sancho naman ay three pieces black suit. Seeing the two looks so lovely. Lahat halos ng mga empleyado ng kompanya ay humahanga sa dalawa. Nakikita nila na bagay si Cathy para kay Sancho. Parehong mayaman ang dalawa at may ipagmamalaki sa lipunan. Dinala siya ng kanyang paa sa swimming pool ng hotel. Walang tao doon at madilim. Tanging liwanag lang na mayroon doon ay nagmumula sa swimming pool na nasa ilalim. Umupo siya sa isang beach bed habang hawak pa rin ang isang kopita. She feels like drinking. Siguro naman ay walang maghahanap sa kanya kung sakaling mawala siya sa venue. Siguro meron, at si Joshua iyon. Natigil si Angel sa pagtitig sa pool ng may taong umupo sa tabi niya, Napaangat siya ng tingin at nagulat ng makita si Sancho na nakaupo sa isang beach bed paharap sa kanya. "Sir Lim, what are you doing here?" "Ikaw, anong ginagawa mo dito, Angel?" hindi nito sinagot ang tanong niya. Muli na naman nagwala ang puso niya dahil sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya gayong pangalan lang naman niya iyon? "Tell me, Angel, you really don't like a crowded place." Hindi niya napigilan ang sarili na tumungo. Pakiramdam niya ay nasa isang mahika siya at hindi niya alam kung paano iyon puputulin. Ngumiti si Sancho na lalong nagpalimot sa kanya kung sino ito at kung nasaan sila. "You never change." Tumayo ito at lumipat ng upuan. Sumunod ang tingin niya dito. Umupo ito sa tabi niya at tumingala sa langit. "I hate party also but there's nothing I can do. Parte ng pagiging Lim ko ang umattend ng mga ganitong event." Muling bumalik ang tingin ni Sancho sa kanya. Bigla ay napalunok siya ng kanyang laway. Something flash on her mind. Memories on the past coated her mind. Ngayong sobrang lapit ni Sancho sa kanya ay hindi niya mapigilan ang kamay na manginig. Naamoy niya ang mabango nitong hininga at ang natural nitong amoy na nagbigay ng kakaibang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay uminit ang paligid at may lumalakbay sa kanyang tiyan papunta sa kanyang puson. "S-Sancho!" banggit niya sa pangalan ng binata. Ngumiti ito na nagbigay ng kiliti sa kaibuturan niya. "Masarap palang marinig mula sa iyo ang pangalan ko. You are a really lovely lady tonight, Angel. And I will die if I didn't do this." Bago pa niya marealize kung ano ang sinabi nito ng bigla na lang sinakop ng binata ang kanyang mga labi. Wala siyang nagawa kung hindi ang manlaki ang mga mata. Sancho is kissing her. His kissing her. At alam niyang wala sa impluwensya ng alak ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD