DARK NIGHT THREE

1970 Words
NAG-AAYOS sa kwarto niya si Angel ng may kumatok sa pinto. Agad niyang tinapos ang paglalagay ng make up at lumabas. Nakita niya ang galit sa mukha ng kapatid na si Andrew. "May kailangan ka ba, Andrew?" tanong niya sa kapatid. Pangalawa ito sa magkakapatid at nag-aaral ng Civil Engineer. Magtatapos na din ito ngayong taon. Nagpapasalamat siya na hindi ito huminto sa pag-aaral pagkatapos ng nangyari sa buhay niya. Maswerte kasing nakakuha ito ng scholarship. Wala silang halos gastos sa pag-aaral nito. Nagbibigay siya ng allowance dito pero maliit lang iyon. Malaking tulong ang scholarship nito dahil may kasamang allowance. Iyong school project nito ay ginagawan nito ng paraan. Magtatrabaho ito bilang service crew sa isang kilalang fast food chain. Ganoon din ang bunso nilang kapatid na magtatapos na din nagpag-aaral sa culinary. Tatlong taon ang pagitan ng dalawa. "May naghahanap sa iyo sa labas." May bahid ng galit na sabi nito. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Itatanong niya sana kung sino ng mabilis na tumalikod ang kapatid para bumaba ng pangalawang palapag. Lalo siyang nagtaka sa asal ng kapatid. Sino naman ang maghahanap sa kanya ng ganoong oras? Bumalik siya sa loob ng kwarto niya para kunin ang sling bag. Agad siyang bumaba ng hagdan ngunit nasa gitna palang siya ng agad siyang natigilan ng makita ang lalaking nakaupo sa sofa habang busy sa phone nito. Anong ginagawa nito sa bahay niya? Paano nito nalaman kung saan siya nakatira? Idiot, Angel. Of course, alam niya. Ito ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahunan niya ngayon. Pero bakit nandito siya ng ganitong oras? Napatingin siya sa pambisig na relo. It's just 6:35am for Pete's sake. Lumapit siya sa boss niyang komportableng naka-upo sa sofa at hindi alintana ang galit na titig ng dalawa niyang kapatid. "Sir Lim, what are you doing here?" pinatili niya ang walang emosyong mukha sa harap nito. Tumigil sa ginagawa nito si Sir Sancho at napaangat ng tingin. Nakita niya ang paghanga sa mga mata nito at hinagod siya ng tingin. Bigla siya nakadama ng pagkailang. Hindi ba ito natatakot sa mga titig ng kanyang dalawang kapatid. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Agad na bumalik sa mukha niya ang tingin ni Sancho. Mukhang napansin nito na hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong paghagod sa kanya ng tingin. "Ahm... We have an early meeting with King. I'm here to pitch you up." Tumayo ito sa harap niya. Napaangat siya ng tingin. Ngayon niya lang napansin na sobrang tangkad pala talaga ni Sancho. She is not wearing high heels today. Naisipan niyang magsuot ng flat sandals dahil sumasakit ang mga paa niya. Alam naman niyang matangkad ito, hindi lang niya inaasahan. Napatras siya ng bahagya para lang makita niya ito ng maayos na hindi nahihirapan ang leeg niya. "Hindi ko po yata alam na may meeting tayo kay Mr. King." Sabi niya. Hindi niya itinago ang inis na nararamdaman. "I'm sorry about that. Pinakialaman ko ang planner mo... Ulit. Biglaan din kasi ang meeting na ito kay King. Nais ko na kasing simulan ang pagpapatayo ng hotel sa Palawan." Napayukom siya sa sinabi nito. Hindi ba talaga marunong ang lalaking ito na sabihin sa kanya na may balak itong makipag-appointment kay King. Bakit kailangan pa nitong paki-alaman ang planner niya? Nais niyang singhalan ang lalaki ngunit pinigil niya ang sarili. 'He is your boss, Angel. Claim yourself down.' Palala niya sa sarili. "It's okay, Sir, but can you tell me next time? Gusto ko po na ako ang naglalagay sa planner ko." Sabi niya na seryuso ang boses. "Of course, Ms. Cruz. I'm sorry about that." Ngumiti ang lalaki na biglang nagpabago ng t***k ng kanyang puso. Bigla ay nakakita siya ng liwanag sa paligid nito. Tumigil din sa pag-inug ang mundo niya. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti si Sir Sancho sa kanya at pakiramdam niya ang nakalutang siya. Para na rin sasabog ang puso niya sa sobrang bilis noon. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay hinihiling niya na wag ng gumalaw ang oras sa pagitan nila. Hinihiling niya na sana ay manatili silang dalawa sa ganoong sitwasyon. Nakangiti si Sancho sa kanya habang siya naman ay nakatitig sa magandang labi nito. Ano kayang pakiramdam na muli siyang mahalikan nito? Anong pakiramdam na makulong sa bisig ng binata? Natigil ang pagdaloy ng ala-ala ng may tumikhim mula sa kabilang bahagi ni Angel. Naputol ang majikang bumabalot sa pagitan nila ng binata. Sabay silang napatingin sa kabilang bahagi niya. Nagulat siya ng makita ang dalawang kapatid na parehong hindi maipinta ang mukha. "Ate, aalis na kami ni Angelo. Late po akong makakauwi mamaya dahil may pasok ako sa trabaho." Sabi ng kapatid niyang si Andrew. "Sige. Ingat kayong dalawa." Hindi na umimik pa si Andrew. Bago lumabas ito ay tinitigan muna nito si Sancho ng masama. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple nitong pagbangga kay Sancho. Bigla siyang natakot sa ginawa ni Andrew. Ano na lang ang sasabihin ni Sancho?Wala itong alam sa galit ng kapatid niya. Sinundan ng tingin ni Sancho si Andrew at Angelo. Tumikhim naman siya para kunin ang atensyon nito. Napatingin sa kanya si Sancho na salubong ang mga kilay. "Let's go Sir." Sabi niya at humakbang na palabas ng bahay. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang dahil silang dalawa na ang naruruon sa bahay niya. Her mind is traveling to the past that she should forget. Matagal na iyon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. And being near with Sancho makes her feel suffocated. Hindi siya makahinga sa kaalaman na tanging sila lang dalawa ni Sancho sa lugar na iyon. Sumunod sa kanya si Sancho na lumabas ng bahay. Hindi na ito nagsalita pa. Mukhang binaliwala na lang ng binata ang nangyari kanina dahil agad itong pumasok ng kotse nito pagkalabas ng bahay. Sumunod agad siya ng masiguradong naisara ng maayos ang bahay niya. At habang papunta sa meeting place kung saan nila katatagpuin si Mr. King ay napuno ng katahimikan ang buong kotse. Hindi iyon nakatulong sa kanya para pakalmahin ang sarili. Mukhang wala na talaga siyang takas sa nakaraan niya. PAGBABA palang ng kotse ay agad niyang nakita ang pinsan na nakaupo sa isang sulot ng café. Mukhang kanina pa ito naruruon. May kasama itong isang babae na hinuha niyang sekretarya din nito. Naalis ang tingin niya kay King ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse niya. Napatingin siya kay Angel na kalalabas lang ng kotse niya. Hindi niya napigilan ang sarili na muli itong pagmasdan mula ulo hanggang paa. This woman really have a very nice body. Ngayon niya lang napansin kung gaano ito kasexy. Maputi si Angel na agaw pansin kung sinuman ang makakasalubong nito. Maganda ang hugis ng mukha nito at ganoon din ang mga labi. Mapula ang labi nito na walang bahid ng kahit anong lipstick. And he wonder what it taste like. Simula ng pumasok siya sa kompanya ng ama ay lagi na pumapasok sa isip niya ang mga labi nito. Minsan na rin niyang napaginipan na hinahalikan niya ang labi nito ngunit sa panaginip na iyon ay sobrang bata pa ni Angel. At alam niya sa sarili niya na totoong nangyari ang panaginig niya. He once taste Angel's lips and it was heaven. "May dumi po ba ako sa mukha, Sir Lim?" tanong ni Angel na nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan. Napakurap siya. Salubong ang kilay ng babae ngunit wala naman emosyon ang mga mata nito. He wonder when this lady going to smile to him. Kailan niya kaya makitang nakangiti ang mga mata nito? Tumikhim muna siya. "Wala naman." Sagot niya at nilampasan ito. Iniwasan niya ito dahil kapag nagtanong ito kung bakit siya nakatitig sa mukha nito ay sigurado siyang wala siyang maisasagot dito. Sumunod sa kanya ang dalaga at hindi na umimik pa. Lumapit silang dalawa kay King na kausap ang babaeng kasama nito. "Good morning, Mr. Sanchez." Bati niya sa pinsan at sinulyapan ang babaeng katabi nito. Nagulat pa siya ng makilala ang babae. "Hello there, gorgeous." Tinaasan siya ng kilay ng babae na ikinatawa niya. "Umayos ka nga, Sancho. Gusto mo bang matulog ng maaga?" tanong ni King. Napatingin siya sa pinsan. Madilim ang mukha nito na muli niyang ikinatawa. What's up with King? "May problema ba sa tanong ko, Mr. Sanchez?" "Meron!" galit nitong sigaw. Tumayo ito at nagpantay ang mga tingin nila. "Stop flirting with my step sister." Nais niyang tumawa ng malakas. King is King. Kahit kailan talaga ay over-protective ito kay Cherry. Hindi magkapatid ang dalawa. Anak ng pangalawang ina ni King si Cherry. Bata palang ang dalawa ng unang nagkita. Naging malapit agad sa kanilang magpinsan ang dalaga dahil sa magiliw naman ito. And Cherry is our only female cousin. Spoiled ito sa kanilang magpinsan lalo na kay King. "Would you stop? Nakakahiya kayong dalawa." Narinig nilang sabi ni Cherry. Nakatayo na din ito kagaya nila. Natigil ang pagtitigan nilang dalawa ni King at sabay na napatingin sa pinsan. May inis sa mga mata si Cherry. "Alis na ako, Kuya King. See you later." Humalik ito sa pisngi ng pinsan bago siya naman ang hinarap. "See you whenever, Kuya Sancho." Umalis si Cherry na hindi humahalik sa pisngi niya. At alam niya kung bakit hindi iyon ginawa ng dalaga. King will probable mad if she did. Nang makaalis si Cherry ay agad siyang hinarap ni King. "Let's get it over. Marami pa akong gagawin sa office." Sabi ng pinsan at umupo na. Susunod sana siya ng maalala ang kasama niyang babae. Napatingin siya sa likuran niya at nakita niya ang galit na titig ni Angel sa kanya ngunit agad din iyong naglaho ng makita siyang tumingin dito. Bumalik ulit sa walang emosyon ang mukha at mga mata nito. Ngunit segurado siya na galit itong nakatingin sa kanya kanina. Lumapit sa kanya si Angel. "Who's with you?" tanong ni King na nagpatingin sa kanya rito. Nakatingin na ito kay Angel at hindi maitago sa mga mata nito ang paghanga sa dalaga. Bigla ay nakaramdam siya ng inis sa pinsan. Nais niyang dukutin ang mga mata nitong nakatitig kay Angel. Lalo siyang nainis dito ng hagurin nito ng tingin ang dalaga. Anong karapatan nito na titigan ng ganoon ang kanyang sekretary? Bago pa niya na awat ang pinsan ay mataray itong nilapitan ni Angel. "Stop looking at me like that King." Nanlaki ang mga mata ni King na ipinagtaka niya. "Angel Fatima Cruz?!" hindi makapaniwalang tanong ni King. "Yes! At talagang patitikimin kita ng mag-asawang sampal kapag hindi mo inalis iyang tingin mong iyan sa akin." Napalunok si King dahil sa sinabi ng dalaga. Agad itong nag-iwas ng tingin. Umupo naman si Angel sa isang upuan at agad na inilabas ang notebook nito. Habang siya naman ay naiwang nakatulala sa dalawa. Did he miss something? Magkakilala ba ang dalawa? "Cousin, let's start the meeting." Napakurap siya at napatingin kay King. May pagtataka sa mukha ng pinsan. Napatingin siya kay Angel. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Para naman siyang natauhan at agad na naupo sa upuang katabi ni Angel. "Magkakilala kayong dalawa?" tanong niya pagkatapos ayusin ang table napkin sa kanyang hita. Tumingin si King kay Angel bago siya sinagot. "We are classmate. Siya ang Magma com laude sa batch namin." Sagot ni King na ikinalaki ang kanyang mga mata. Angel is a magma com laude. Kung ganoon ay matalino ito. Iyon ba ang rason kung bakit agad itong nakapasok sa kompanya ng kanyang ama kahit pa nga na wala itong job experiences at kaya agad itong naging sekretarya ng kanyang ama kahit pa nga dalawang taon pa lang itong nagtatrabaho sa kompanya. Unti-unting ibinaling niya ang tingin kay Angel. Nasa notebook nito ang atensyon. Angel really got his attention. Ang babaeng ito na may sariling mundo sa kanilang opisina ay may angkin palang talino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD