NAKATAYO sa labas ng bahay ni Angel si Sancho. Ngayong araw sila aalis papuntang Palawan para tingnan ang lugar kung saan itatayo ang bagong hotel na ipapatayo ng kompanya. Tatlong araw sila doon at ang mga kasama nilang engineer na titingin din ng lugar. Ito ang unang beses na makakasama niya ng matagal si Angel sa labas ng opisina at hindi mapigilan ng puso niya ang matuwa. Nais niya sanang pumasok sa bahay nito ngunit nagdalawang isip siya. Masama kasi ang tingin sa kanya ng dalawang kapatid nito na hindi niya alam kung bakit. At nahalata din niyang nagalit ang dalaga ng minsan siyang pumunta doon. Nagtataka man siya kung bakit ganoon ang reaksyon ni Angel sa ginawa niya ay binaliwala na lang niya, may mali din naman kasi siya sa ginawa niya.
Natigil sa paglalakbay ang isip niya ng maramdamang gumalaw ang phone niya sa bulsa. Kinuha niya iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello, Sancho speaking. How may I help you?"
"Abnormal kang gago ka!" sigaw ng babae sa kabilang linya.
Inalis niya ang telephono ng marinig ang malakas na boses ng babaeng parang may megaphone ang bibig. Tiningnan niya kung sino ang babaeng umaga palang ay sinisira na ang araw niya. Napabuntong hininga siya ng mabasa ang pangalan ng isa sa best friend niya. Bakit ba kasi naka-silent phone niya? Iyan tuloy nasagot niya ang tawag ni Cathy. May sarili kasi itong ringtone sa phone niya kaya kapag tumatawag ito ay hindi niya sinasagot. Muli niyang ibinalik ang phone sa tainga. Buti naman at tapos na itong sumigaw.
"Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya.
"Bakit mo ako pinadalhan ng bulaklak na unggoy ka?"
"Bulaklak?" salubong ang kilay na tanong niya. Anong pinagsasabi ng babaeng ito?
"Oo. Red roses. Ipaalala ko lang sa iyong unggoy ka na----"
"Wait a minute, Ms. Dela Costa. Tumahimik ka muna." Putol niya sa iba pangsasabihin ng kaibigan. "Anong bulaklak na pinagsasabi mo? Wala akong pinapadalang bulaklak sa iyo dahil alam kung may-ari ka ng isang flower shop. At saka bakit naman kita bibigyan ng bulaklak?"
Tumahimik naman sa kabilang linya si Cathy. Mukhang napa-isip ito sa sinabi niya. Ilang minuto pang nakalagay sa tainga niya ang phone ng marinig niyang pinutol ni Cathy ang tawag. Salubong ang kilay na napatingin siya sa screen ng phone niya. Ang lakas talaga ng trip ng babaeng iyon? Porket magkaibigan sila ay ganoon na lang siya nito babaan ng phone. Hindi man lang ito humingi ng pasensya dahil sa pinagkamalan siya. Napailing nalang siya at ibubulsa sana ulit ang phone ng muling may tumawag. Napangisi siya ng makita ang pangalan ng kaibigan.
"Oh! Hihingi ka na ba ng pasensya sa akin kaya ka tumawag?" natatawang tanong niya sa kaibigan.
"Unggoy ka talaga!!!" sigaw ni Cathy sa kabilang linya na ikinatawa niya ng malakas.
"I'm waiting, Cathylyn."
Tumahimik sa kabilang linya si Cathy. Narinig niya na huminga ito ng malalim pagkalipas ng ilang sandal. "Okay. I'm sorry. Akala ko ikaw ang nagpadala dahil alam kong ikaw lang naman ang gagawa nitong unggoy ka. Kaya naman pasensya na sa abala at sana malunod ka ng hayop ka." Sabi nito.
Tumawa lang siya sa turan nito. Kahit kailan talaga ay inis sa kanya si Cathy pero kahit ganoon ay kaibigan pa rin ang turing nila sa isa't-isa. Hindi naman kasi sila madalas na nagkakaasaran dalawa. They are closed. Masasandalan din sa lahat ng oras ang mga ito.
"Sino ba iyang admirer mong hindi nag-iisip?"
Natahimik muli sa kabilang linya. "Wala ka na doon, unggoy." Sigaw ni Cathy pagkalipas ng ilang sandal.
"Cathy, magkwento ka na. Aba, ako nga open na open sa inyo ni Maze tapos ikaw ayaw mong magshare ng kwentong pag-ibig mo sa akin. Wag kang madaya."
"Iwan ko sa iyo, Sancho. Mag focus ka nalang sa babaeng sinisinta mo. Saka muna problemahin love life ko kapag may love life ka na rin. Naunahan ka pa ni Maze. Buti pa siya may ka forever na."
"Wow! Bakit ikaw meron na ba?"
Hindi pa niya nasabi rito na aalis siya ng Palawan kasama si Angel. Baka magfreak out ang babaeng ito at kung anu-ano na naman ang ibibigay sa kanyang advice eh wala naman alam sa pag-ibig dahil bukya din ang love life.
"Iwan ko sa iyo. Babye, unggoy. Sana kapag tumawag ulit ako may love life ka na."
Tumawa lang siya sa sinabi nito. "Bye babe. I miss you. I love you."
"JAMES SANCHO LIM!!!" sigaw ni Cathy sa kabilang linya.
Pinatay niya ang tawag habang natatawa pa rin. Siguradong umuusok na naman ang ilong nito dahil sa sinabi niya. Cathy hates moche stuff. Ito kasi ang tipo ng babae na seryuso sa buhay at ayaw ng sweet coated na salita.
"Are we going now?"
Isang seryusong boses ang narinig niya na agad na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang seryusong mukha ni Angel. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. The girl standing in front of him is a very simple girl. Nakapantalong maong lang ito na may punit sa magkabilaang tuhod, blue v-neck t-shirt na pinatungan ng leather black jacket at cap na may mahabang palawit sa dulo. Walang kahit anong kulurite ito sa mukha na nagbigay ng fresh look dito. Lalong naging maganda sa paningin niya ang babae. Ito ang Angel na nais niyang makita.
Narinig kaya nito ang sinabi niya kay Cathy? Ano kaya ang reaksyon nito? Ngunit nakaramdam siya ng disappointment ng makitang walang emosyon ang mga mata nito. Bigla ay nalungkot ang puso niya sa kaalaman na wala talagang paki-alam sa kanya ang dalaga. Bakit ba umaasa siya na magugustuhan siya nito gayong napaka-imposible noon? Hindi nga siya nito pinapansin noon, ngayon pa kaya.
"Ya." Kinuha niya ang hawak nitong luggage at inilagay iyon sa trunk ng kotse.
Nakita naman niyang sumakay ng front seat si Angel. Napabuntong hininga na lang siya. Siguradong magiging boring ang pagpunta niya ng Palawan dahil trabaho ang uunahin ng babaeng kasama niya. Ano bang pwede niyang gawin para magbago ang pagiging loner ni Angel?
NAGLALAKAD sa dalampasigan si Angel at Sancho. Niyaya niya ang dalaga na maglakad-lakad pagkatapos nilang kumain ng tanghalian. Hindi sila nag-uusap dalawa habang naglalakad at hindi sanay ng ganoon si Sancho. He is talkative and used of talking to his companion. Tiningnan niya si Angel nakasuot ng dilaw ng damit. Lalo iyon nagdagdag ng kaputian sa dalaga. Walang bahid ng make-up ang mukha nito. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok na lalong naging ka akit-akit sa dalaga. Kanina pa nga niya napapansin na napapasulyap ang mga kalalakihan na nadadaanan nila. Kahit sa kinainan nila ay may mga lalaking napapasulyap dito. Kung hindi pa niya sasamaan ng tingin ay hindi pa-iiwas ng mga mata.
Nais niyang pagsabihan ang dalaga kung bakit iyon ang suot nito ngunit ayaw naman niyang mapansin nito ang nararamdaman niya. Ayaw naman niyang ikulong ito sa hotel room nila dahil mas lalo lang itong magtaka. Kaya nga sa buong durasyon ng pag-ikot nila sa Palawan ay hindi niya iniiwan ang dalaga. Hindi niya alam ngunit natatakot siyang may makilala itong lalaki at magkagusto ito. Babakuran niya ang sa kanya kahit pa nga na wala silang relasyon. This is t*****e.
Natigil siya sa paglalakad ng tumigil din si Angel. Nakita niyang nakatingin ito sa malayo. Sinundan niya ito ng tingin. May nakita siyang bata na umiiyak hindi kalayuan sa kanilang dalawa. Bago pa niya na hakbang mga paa nang mauna ng naglakad si Angel. Nilapitan nito ang bata. Sinundan niya ang dalaga.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Angel sa bata.
Hindi sumagot ang bata. Tinitigan lang nito si Angel at muling umiyak. Nakita niyang lumambot ang mukha ni Angel at ipinantay ang sarili sa bata.
"Hey! Don't cry. Nawawala ka ba?" tanong nitong muli.
"I w-ant m-my m-mommy." Sabi ng bata sa pagitan ng pag-iyak nito.
"You want your mommy?"
Tumungo ang bata at inalis ang braso nito sa mga mata. Tinitigan nito si Angel. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang masayang ngiti sa labi ng dalaga. Bigla ay bumilis ang t***k ng puso niya. Angel have the most beautiful smile he ever saw. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang t***k ng puso niya dahil lang sa ngiting iyon. And he will do everything to put that smile again and again in her lips. Nais niyang makita araw-araw ang ngiting iyon.
"Sir Sancho, pwede ba nating hanapin ang mommy niya?" tanong ni Angel na nagpabalik sa naglalakbay niyang isip.
Napakurap siya. Wala na ang ngiti sa labi nito. Ganoon din sa mga mata at mukha nito. Napalitan iyon ng walang emosyong tingin. Bakit ba kailangan maging ganito sa kanya ang dalaga? Lalo tuloy niyang nais na baguhin ang ugaling meron ito. Hindi ba nito alam kung gaano ito kaganda kapag nakangiti.
"Ya." Tumingin siya sa batang ngayon ay hawak nito ang isang kamay.
Hindi na umiiyak ang bata at nakatingin na ito sa kanya. Ngumiti siya sa bata at hinawakan ito sa ulo. "Let's find your mom."
Tumingin siya kay Angel ngunit nagulat siya ng may makitang lungkot sa mga mata nito. Nakatingin ito sa kanya. Mukhang nakita nito ang ginawa niya sa bata. Pero bakit may lungkot sa mga mata nito? Tatanungin na sana niya ang dalaga ng agad itong umiwas ng tingin at naglakad na palayo sa kanya. Sinundan niya ito. Lalo pa niyang nais na makilala ang dalaga. At sisiguraduhin niya na sa pagbalik nila sa Manila ay malalaman niya ang lahat ng tungkol kay Angel. Kailangan na niyang gumalaw kung nais niyang mapunta sa kanya ang dalaga.
Hindi pwedeng magpakatorpe siya. Angel is beautiful woman. Maraming nagkakagusto dito sa loob ng opisina at napapansin niya iyon sa mga tingin ng mga kalalakihan. Hindi lang makaporma ang mga nagkakagusto dito dahil masyadong mailap ang dalaga. Ngunit hindi siya magpapapigil. Bubuwagin niya ang bagay na iniharang ng dalaga sa sarili nito at sisiguraduhin niya iyon.
'You are my destiny, Angel. At sisiguraduhin ko na sa akin ka babagsak.' Sabi niya sa sarili habang nakatingin sa likuran nito.