CHAPTER 29

1283 Words

NANG GABING IYON ay kaagad dinalaw ng antok si Richard dahil sa labis na hapo ng isip at katawan. Ngunit dahil sa matinding alinsangan na kaniyang nararamdaman ay nagising siya. Nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na anino sa dingding sa kaniyang harapan. Iyon ang anino ni Kamatayan o ng grim reaper. Bakit ito nagpapakita sa kaniya? Sino ang mamamatay, si Danny? Napapikit siya nang bigla na lamang magliwanag ang buong paligid. At sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata, ang itim na anino ay unti-unting naging hugis tao hanggang sa tuluyan na nga itong nagkatawang tao na nakasuot ng black suit. Matangkad ito, matipuno, at may maputlang balat. "Sino ka?" tanong ni Richard. "Pagbati, Richard," wika ng lalaki. "Ilang beses na rin tayong nagkadaupang palad. Tawagin mo akong Azrael.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD