"HINDI AKO SI JOSEPH PETER DELOS REYES," wika ni Richard. Kasalukuyang ipinaghahanda siya ni Danny ng pagkain. "Wala nga akong kilalang tao na gano'n ang pangalan. Ako si Richard Anderson. Hindi mo ba ako kilala?" Bahagyang natawa si Danny. Pakiramdam nito ay nababaliw na Ang kaibigan. "Richard Anderson? Sino ba iyon? Artista ba iyon na idol mo?" Nanatiling seryoso naman si Richard. "Isa akong negosyante. Kilala ako sa buong Pilipinas hanggang sa ibang bansa." Lalong natawa si Danny. "Ikain mo na iyan, Jopet. Baka gutom lang iyan." Inilapag nito ang pagkain sa maliit na lamesang nasa harap ni Richard. "What do I need to do for you to believe me that I am not your friend, Jopet?" Nalaglag ang panga ni Danny sa narinig. "Wow, pare, English iyon! Saan mo napulot iyon? Siguro nakabaol at

