AKALA NI RICHARD ay tapos na ang lahat para sa kaniya, ngunit bigla siyang nagising. Nasa ilalim siya ng tubig! Ngunit paano siya napunta roon? Pinigilan niya ang kaniyang paghinga. Naramdaman niyang wala pa siyang lakas at namamanhid ang kaniyang buong katawan. Mayamaya ay naramdaman niyang may kung anong lumalabas sa kaniyang katawan. Mga bala iyon! Isa, dalawa, tatlo. Hindi lang tatlo kundi siyam na bala ang nakita niyang naalis mula sa kaniyang katawan. Paano nangyari iyon? Dalawang beses lamang siya nabaril. Saan nanggaling ang ibang bala na lumabas sa kaniyang katawan? At bakit lumabas ang mga iyon sa kaniyang katawan? Litung-lito siya. Naramdaman niyang unti-unti nang bumabalik ang lakas sa kaniyang katawan. Sinubukan niyang lumangoy. Hindi maalat ang tubig. Marahil ay nasa ilog

