"ANO ANG PLANO MO?" tanong ni Danny Kay Richard. "Kung hinahanap ako ng mga pulis, ng gang, at ng taong bayan, hindi ako ligtas sa katauhan ni Jopet," tugon ni Richard. "Kailangan ko pa ring magbalatkayo." "Paano?" "Hindi ko pa alam. Tulungan mo muna akong makaalis dito," wika ni Richard. "Matutulungan kita, riyan. Kailan ang balak mo?" "Mamayang madaling araw." Tumango si Danny. "Kakailanganin ko ang mga importanteng papeles ni Jopet. Hindi ko alam kung kailan ko iyon kakailanganin, pero kailangan na mapasaakin iyon. Pwede mo bang kunin para sa akin?" Napakamot sa batok si Danny. Mukhang kailangan niyang looban ang bahay nina Jopet. Ngunit tumango siya. Para naman iyon kay Jopet. Kasalanan niya kung bakit ito pumasok sa gang kaya kailangan niyang bumawi kahit sa alinmang posibleng

