KAHIT NA LAKI sa yaman si Richard, alam niya ang kalakaran sa siyudad. Isang lugar lang ang makakatulong sa kaniya upang magkaroon siya ng bagong katauhan. Nagtungo siya sa Recto upang magpagawa ng pekeng birth certificate, diploma, at mga ID. Mula sa isang kilalang negosyanteng si Richard Anderson ay naging si Joseph Peter Delos Reyes siya. At ngayon, siya na si Arthur Benedicto. Ang lahat ng impormasyon na nasa mga pekeng dokumento na kaniyang ipinagawa ay magiging kapanipaniwala dahil sa angkin niyang talino. Sino ang magdududa sa kaniya? Sa natitirang pera ay bumili siya ng desenteng damit sa mga ukay-ukay. Alam niyang mabilis siyang matatanggap kahit saan man siya mag-apply ng trabaho. Ngunit kailangan niya munang puntahan ang kaniyang anak. Napanuod niya sa TV na ililibing na an

