CHAPTER 5

1083 Words
"WHAT IS THIS?" salubong ang kilay na usisa ni Theodore kay Richard. Ipinatawag siya ng anak sa office nito sa mansyon. "Visa," mabilis na tugon ni Richard. "Alam kong Visa ito. Nakapangalan din kay Mandy. Para saan? Bakit?" naguguluhang wika ni Theodore. Nagbuntong hininga si Richard. "Naisip ko kasi, Papá, mas maganda kung sa ibang bansa mag-aaral si Mandy. Sa susunod na linggo, ipapaasikaso ko ang iba pa niyang requirements. Madali lang iyon." "At bakit?" bulalas ni Theodore. "Para tuluyan mo siyang mailayo sa iyo? Richard, enough of this!" "Concerned lang ako sa kinabukasan niya, Papá." "At kailan ka pa naging concerned sa anak mo?" "I will not send her alone, Papá. You will go with her. Pagkakataon na rin ninyo na tumira sa France. You've always wanted that." "Hindi," mariing wika ni Theodore. "Dito lang ang apo ko. Dito lang kami. Kung ayaw mo talagang magpakaama kay Mandy, so be it! Ako na ang bahala roon. Naaawa lang ako sa bata dahil hindi siya kailanman masasanay na ganyan mo siya dalhin. Hindi mo na nga siya mapakitaan ng kahit na kaunting pagmamahal, hindi mo siya mabigyan ng kaunting panahon at atensyon, gusto mo pa siyang itapon sa malayo." "Pinagmumukha na naman ninyo akong masama, Papá. May gawin ako o wala, hindi nagbabago ang tingin ninyo sa akin." "Hindi mo ako masisisi. All your life, magmula nang isilang si Mandy, all you did is try to get rid of her from your life. Ano ang iisipin ko?" Napailing si Theodore. "Sa pinakamagandang paaralan dito sa Pilipinas nag-aaral ang apo ko. Hindi na niya kailangang lumipat sa ibang paaralan. Isa pa, mahihirapan siya sa bagong kapaligiran. Marami siyang kaibigan dito. Kahit tanungin mo pa ang anak mo, siguradong hindi niya magugustuhan ang ideya mo." "Kahit ano naman ang sabihin ninyo, Papá, ako pa rin ang ama ni Mandy. Ako pa rin ang may karapatan na magdesisyon kung ano ang mangyayari sa kanya. At gusto ko, sa France siya mag-aral. Doon siya mag-aaral, sumama man kayo o hindi," matigas na wika ni Richard. "Ngayon, kung wala na kayong sasabihin pa, tapusin na natin ang pag-uusap dahil marami pa akong gagawin." Mabibigat ang mga paghinga ni Theodore. Umiling siya at padabog na inilapag ang visa sa lamesa. At saka siya umalis sa office ng anak. Huminga nang malalim si Richard. It's his last resort, ang ipadala sa ibang bansa si Mandy. Araw-araw ay nagiging agresibo ang kanyang ama na paglapitin ang loob nilang mag-ama. Napapaso na siya, napapagod, at nagsasawa. Kung hindi niya nga maipapadala si Mandy sa France ay baka lisanin na lamang niya ang mansyon at tumira sa isa sa mga hotels na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Ayaw niya sanang lisanin ang mansyon dahil doon ay marami siyang alaala sa kanyang yumaong ina at asawa. Pero kung wala na siyang pagpipilian, wala na siyang magagawa kundi siya na mismo ang kusang umalis. HAPON. Dumating na ang school bus ni Mandy at ibinaba ang bata sa tapat ng gate. Sinalubong ito ng yaya nitong si Minda. Nang mga oras na iyon ay maagang umuwi si Richard. Nasa garden siya at nagbabasa ng iba't ibang articles tungkol sa mundo ng negosyo. "Hi, Daddy!" bati sa kanya ni Mandy. Lumapit ito sa kanya at yumakap. Hindi na siya nakaiwas kagaya ng madalas na nangyayari. And it annoys her. Ngunit tila manhid na si Mandy. Hindi na nito napapansin kung naiinis man siya. O sadyang inosente lang ito. Naisip niyang kausapin ito sa unang pagkakataon upang mas maging madali sa kanya ang kumbinsehin itong mag-aral sa ibang bansa. "Hi, Mandy!" nakangiting wika niya. At iyon na nga ang opisyal na pinaka-awkward na araw ng kanyang buhay- ang batiin pabalik ang kanyang nag-iisang anak. Gusto niyang pagsisihan iyon, ngunit hindi siya maaaring umatras. Kitang kita niya ang pagningning ng mga mata ni Mandy. She smiled from ear to ear showing her cute little dimples sa magkabilang pisngi nito. "How was school today, Mandy?" tanong niya sa bata. "I had fun, Daddy. I always have fun kapag nasa school po ako kasi masayang kasama mga classmates and friends ko." She giggled. "That's nice. I'm happy that you're happy and you're enjoying school," wika ni Richard. Syempre, hindi iyon sinsero. "Did Lolo told you already, Daddy? It's family day tomorrow. Will you come?" Punong-puno ng excitement ang mga mata nito. Pinagsaklob pa nito ang mga kamay habang nakangiti at naghihintay ng sagot ng ama. "Yes, your already told me," tugon ni Richard. "Come, Daddy, please!" Hindi maipagkaila ni Richard na napaka-cute ni Mandy. Mayroon itong irresistible charm. Kaya naman hindi siya nagtataka kung bakit giliw na giliw rito ang mga guro at lahat na yata ng tao na makakita at makasama ni Mandy. Sa kanya lang marahil iyon hindi gumagana. "Sabi ng classmates ko, pupunta raw ang mga mommy at daddy nila. Palagi namang pumupunta ang mga iyon," nakalabing wika ni Mandy. "Baka si Lolo na naman at Yaya Minda ang magpunta para sa akin." Yumuko ito. Ramdam ni Richard ang lungkot ng anak. "Pupunta ako," wika niya. Napatingin sa kanya si Mandy. Nanlalaki ang mga mata nito at nakanganga pa. Kitang-kita niya ang walang pagsidlang saya nito. "Talaga po, Daddy?" hindi makapaniwalang wika nito. Nakangiting tumango si Richard. Bahagya siyang nagulat nang bigla na lamang siyang yakapin nang mahigpit ng anak. Pinupog siya nito ng halik sa pisngi. "Thank you, Daddy! Thank you! I love you! I love you!" Lalo pang humigpit ang yakap nito. Sa unang pagkakataon ay pinilit niya ang sariling ibalik ang yakap nito. Tinapik tapik niya pa ang likod ng anak. Kailangan niyang pagbigyan ito para sa kanyang plano. Kailangan niyang kunin ang loob nito upang maniwala itong sinsero siya sa ipapakitang pekeng concern niya rito sa darating na mga araw. He really wants to get rid of her. Anak pa rin naman niya ito kaya ang pinakamainam niyang gawin ay ipadala ito sa malayo. Kung naging pusa lang ito ay baka iniligaw na niya ito sa kung saan. Mula naman sa malayo ay nakangiting nakatingin si Theodore. Ito na ba ang araw na hinihintay niya? Napagbigyan na ba ng Diyos ang dalangin niya araw-araw? Nagising na ba si Richard? Magpapakaama na ba ito sa kanyang apo? Ang higit na mahalaga ng mga oras na iyon para kay Theodore ay nakikita niyang masaya si Mandy. Nakapinta sa mga labi nito ang ngiti na ngayon niya lamang nakita. Parang sasabog ang puso niya sa saya. Deserve ng kanyang apo ang pagmamahal lalo na galing sa ama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD