"SALAMAT," nakangiti na wika ni Theodore kay Richard.
"Para saan, Papá?" tanong ni Richard.
"Para sa pagpayag mong samahan si Mandy bukas sa family day."
Nagbaba ng tingin si Richard. "Wala iyon, Papá."
"Nakita mo ba kung gaano kasaya ang apo ko? Hindi mapapantayan ng bagong laruan o kahit ng paborito niyang tsokolate ang saya niya dahil sa pagpayag mo. Sana ay magtuloy-tuloy na ito." Nang nga sandaling iyon ay nakakalimutan ni Theodore ang tungkol sa balak ng anak na ipadala si Mandy sa France. Natabunan na iyon ng kaligayahan niya para sa apo. "Sasama rin ako. Kukunan ko kayo ng video ni Mandy para pagkatapos bukas ay mayroon siyang babalik-balikang panuorin."
"Kayo ho ang bahala, Papá," tugon ni Richard. "Sige ho. I have to make a phone call. Tatawagan ko ang sekretarya ko na ikansela muna ang mga meeting ko sa umaga. Sasabihin kong after lunch na ako makakapasok sa office."
Ngumiti si Theodore. "I really appreciate this, son," anito.
Ngumiti lamang si Richard at umakyat na sa kanyang kwarto.
At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ni Mandy, ang anual family day sa kanilang paaralan. Alam niyang hindi papasok ang kanyang daddy sa trabaho para sa araw na ito. That day, she felt special. Bumangon siya at binati ang sarili ng magandang umaga. Kaagad siyang naligo, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Tumakbo siya papunta sa kwarto ng kanyang ama. Kinatok niya iyon hanggang sa magbukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang amang kagigising pa lamang.
"Daddy!" masayang bulalas ni Mandy. Kaagad niyang niyakap ang ama. "Bakit hindi ka pa po bihis? Mali-late tayo sa school."
Tiningnan ni Richard ang wall clock sa kanyang kwarto. "It's just six am, Mandy. Maaga pa. Hindi ako late. Ikaw Ang maaga. Bakit ang aga mong magising? And looking at you, you're ready to go."
"I'm excited, Daddy. This is the first time that my classmates and friends are going to meet you. I tell them a lot of stories about you."
Kumunot ang noo ni Richard. "What stories?"
"That you are the best dad in the world," mabilis na tugon ni Mandy.
Parang kinurot ang puso ni Richard nang marinig iyon. Paano nasabi ni Mandy iyon?
"Why?" usisa niya sa bata.
"Because you work hard for me," tugon ni Mandy. "That's why you don't have time for me because you are working hard."
Napatango si Richard. Ganoon ang tingin sa kanya ng anak sa kabila ng mga pagkukulang niya. Hi cleared his throat nang maramdaman na may kung anong bumara doon. "What else did you tell your friends about me?"
"Na ikaw ang pinakagwapong daddy sa buong mundo."
Napangiti si Richard. "Talaga?" aniya. "Baka kapag nakita nila ako, sabihin nilang niloloko mo lang pala sila."
"That's not going to happen, Daddy. "You are famous. Everyone sees you in the TV, newspapers and magazines. I am so proud of you, Daddy." Muling yumakap si Mandy sa ama.
Richard hates himself in that moment because his smile is becoming genuine. And that can't be. He is not supposed to feel happy. Marahan niyang itinulak si Mandy. "I'll get myself ready. Eat your breakfast."
"Yes, Daddy," tugon ni Mandy. She smiled and went downstairs.
"Apo!" nakangiting bulalas ni Theodore. Nakabihis na rin siya at handa na sa pag-alis.
"Lolo!" ani Mandy. Niyakap niya rin ang abuelo. "Daddy is getting ready."
"Good. Halika na, kumain na tayo ng agahan para may lakas ka. Siguradong may mga palaro na naman sa eskwelahan mo. Salamat sa Diyos at makakaliban ako ngayong taon. Nagpapasalamat ang mga tuhod ko."
Tumawa siya ang matanda. Saktong pagkatapos nilang kumain ni Mandy ay nakababa na si Richard.
"Shall we go?" ani Richard.
"Are you not going to eat breakfast, Daddy?" nag-aalalang tanong ni Mandy.
"Hindi ako gutom, Mandy."
Lumabi si Mandy. Lumapit siya sa ama at kinuha ang kamay nito. Hinatak niya ito paupo sa hapagkainan. "Ang tanda mo na, Daddy. Hindi mo pa rin po ba alam na ang breakfast ang pinakamahalagang meal sa isang araw? Don't skip breakfast. Eat!"
Nilagyan ni Mandy ng pagkain ang plato ni Richard. Wala nang nagawa pa si Richard kundi sundin ang anak. Besides, kailangan niyang magpalakas dito para pagdating ng araw, hindi nito mahihindian ang hilingin niya.
Ngumiti siya at nagsimula nang kumain.
"Daddy, can I bring Cooper with us?" tanong ni Mandy habang patuloy na kumakain ang ama.
"Are dogs allowed in your school?"
Biglang lumungkot ang rehistro sa mukha ng bata.
"I miss Cooper. Minsan na lang kami makapaglaro kasi lagi na akong busy sa school. Pakiramdam ko po, nagtatampo siya sa akin."
"Cooper will understand you, Mandy. Nag-aaral ka. Hindi mo naman siya pinapabayaan. If you have spare time, naglalaro naman kayo."
Tumango si Mandy.
"Pero pwede natin siyang isama sa camping," maluwag ang ngiting singit ni Theodore.
Mabilis na napatingin sa matanda si Richard. Naunawaan ni Theodore ang tingin ng anak. Hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Oo nga pala," bulalas ni Mandy. "Maganda kapag may kasamang dog sa camping para may tatahol sa bad guys." Nagbaling ito sa ama. "Sasama ka sa amin, 'di ba, Daddy?"
Muling nagsalubong ang mga mata ng mag-amang Theodore at Richard. Tumagal iyon ng ilang segundo.
"Of course," tugon ni Richard nang hindi inaalis ang tingin sa ama. Na-corner na siya at para bang nawalan na siya ng choice kundi ang um-oo.
"Yey!" wika ni Theodore. "I'm just about to have my best birthday ever!"
Hindi na napigilan pa ni Mandy at tumalon-talon na ito sa tuwa. "I love Dad even more," wika nito. "Daddy, can you pinch me? Baka po kasi nananaginip lang ako. If this is a dream, I don't want to wake up anymore. I like you now, Daddy."
"Now?" ani Richard. "Why now? Now only? Don't you like me before?" usisa niya sa anak. "I thought you love me?"
"Liking and loving a person are two different things, Daddy," tugon ng bata.
"Really?"
"I love you, Daddy. But I don't like you much. You always make me sad," tugon ni Mandy. "Pero happy na ako ngayon, Daddy, kasi you are not frowning at me anymore. You let me hug you. Tapos sasama ka pa sa akin sa school."
Nakaramdam si Richard ng lungkot. Sa murang edad ng kanyang anak, alam na nito ang pagkakaiba ng mga bagay na may malalalim na kahulugan. Malawak na itong mag-isip. Nakakaunawa ito at hindi nanghuhusga.
Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi talaga niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman.