NASA HARAP pa lamang ng gate ng paaralan ni Mandy ay gusto nang umatras ni Richard. Pakiramdam niya ay gagawa siya ng isang bagay na magbubunga ng pagtatraydor niya sa kanyang sarili.
"Come on, Daddy," excited na wika ni Mandy. Kinuha nito ang kamay ng ama at hinatak papasok ng gate.
"Hintayin ninyo ako," natatawang wika ni Theodore. Nakasukbit sa leeg nito ang dalang camera.
Sanay si Richard sa maraming tao pero tila nao-overwhelm siya sa dami ng parents na nakikita niya habang naglalakad sila ni Mandy. Wala siyang nakakasalubong o nakakasabay sa paglalakad na hindi nakangiti. Damang dama niya ang energy ng lahat.
Sa wakas ay narating din nila ang classroom ni Mandy. Sinalubong sila ng adviser ng klase.
"Finally, Mr. Anderson, na-meet din kita nang personal. I am Gwen Larazabal, Mandy's adviser. It's nice to meet you," nakangiting wika nito habang inilalahad ang kamay kay Richard. Malugod iyong tinanggap ni Richard.
"It's my pleasure to meet you, Mrs. Larazabal," tugon ni Richard.
"Correction, Mr. Anderson. It's Miss. Wala pa akong asawa," wika ni Gwen.
"Uh, I'm sorry. I mean Miss Larazabal."
"Just call me Gwen para less hassle."
"Okay, Gwen," tugon ni Richard.
Gwen sighed. "Pumasok na kayo, Mr. Anderson, Sir Theodore, and Mandy. The program is about to start."
Bago tuluyang makapasok ng room ay napansin ni Richard ang kakaibang tingin sa kanya ng anak. Mukhang nanunukso ito.
"What is it, Mandy?" usisa niya sa anak.
"Miss Gwen likes you," tila kinikilig na wika nito.
"I'm too old for her," mabilis na tugon ni Richard. "Hindi magandang pakinggan, Mandy. Nakakahiya sa teacher mo kapag narinig niya."
"Okay, Daddy," tugon ni Mandy. Kunyari ay sinilyuhan nito ang bibig gamit ang pinaglapat na hinlalaki at hintuturo. Ngunit hindi pa rin nawala ang kilig nito sa mukha.
Nagsimula na ang programa sa pamamagitan ng isang prayer na si Mandy ang nanguna. Pagkatapos ay sinundan iyon ng iba't ibang mga laro. Hindi naman mapuknat ang ngiti sa labi ni Mandy. Iyon na yata ang pinakamasayang araw sa tanang buhay niya. Nakipaglaro sa kanya ang daddy niya at kumain sila nang sabay. Buong buhay niyang hiniling sa Diyos na maranasan iyon.
Panay naman ang kuha ni Theodore ng mga literato ng mag-ama. Excited siyang tingnan ang mga iyon mamaya kasama si Mandy pag-uwi nila sa bahay. Papanuorin nila iyon sa malaking screen.
"Thank you, Daddy," nangingilid ang mga luhang wika ni Mandy kay Richard. Yumakap siya sa ama nang mahigpit. Upang hindi mapahiya ang bata ay niyakap din ito ni Richard.
Napaangat si Richard nang tingin. Nakangiting pinagmamasdan sila ni Gwen.
"Can I talk to you, Mr. Anderson?" tanong nito sa kanya.
He was hesitant, but he said yes anyway.
Tumayo siya at sumunod kay Gwen. Lumabas sila ng classroom. Nang huminto ang guro sa paghakbang ay humarap ito sa kanya.
"Gusto ko lang magpasalamat sa pagpunta mo rito para kay Mandy, Mr. Anderson," wika ni Gwen.
Ngumiti lamang si Richard.
"Alam mo bang nabu-bully si Mandy?"
Kumunot ang noo ni Richard.
"Tinutukso siya madalas ng ibang bata. Dahil wala naman siyang parent na nagpapakita rito, sinasabi nilang imaginary dad ka lang ni Mandy. Kathang isip ka lang daw at wala naman talagang daddy si Mandy. Madalas nagsusumbong sa akin si Mandy. Umiiyak. Syempre, bilang pangalawang magulang niya rito sa school, hindi ko siya pinapabayaan." Nagbuntong hininga ito. "And today, you proved those bullies wrong. Thank you for doing this for your daughter. At sana, hindi ito iyong huli. Mr. Anderson, please give Mandy more of your time."
Richard cleared his throat. "I'm really busy, but I will try."
"Please try. Do try, Mr. Anderson. You have a great daughter. Napakabait ni Mandy. Napaka-mature mag-isip. Napakatalino pa. That's why I'm so proud of her. You must be proud of her."
Tumango si Richard. Gwen tapped his shoulder bago ito tuluyang bumalik sa loob ng room.
Pagpasok niya ng room naabutan niya si Mandy na kausap ang ibang bata.
"Sabi sa inyo, eh, may daddy ako," wika ni Mandy.
Ang mga batang iyon siguro ay kabilang sa mga bullies ni Mandy, naisip ni Richard.
"Pero wala ka pa ring mommy," tugon naman ng isang batang mataba kay Mandy.
Kaagad na nangilid ang mga luha ni Mandy. Hindi ito nakatugon.
Nilapitan ang nga ito ni Richard. "Iyan ba ang itinuturo sa inyo ng mga magulang ninyo?" tanong niya sa mga bata na kausap ng anak. "Ang mam-bully?" Nagbuntong hininga siya. "Nasaan ang parents ninyo? Kakausapin ko sila."
Umiling ang mga bata.
"Hindi siguro alam ng parents ninyo na bad boys and girls kayo. Tama kayo, wala nang mommy si Mandy. Nasa heaven na siya. Pero hindi kasalanan ni Mandy kung bakit wala na siyang mommy. Naiintindihan ninyo?"
Tumango tango ang mga bata.
"Bumalik na kayo sa parents ninyo kung ayaw ninyong ako mismo ang kumausap sa kanila," dugtong pa ni Richard. Nagsitakbuhan ang mga bata.
Biglang natigilan si Richard. What did he just say? Hindi kasalanan ni Mandy na nawalan ito ng ina. Kinontra lang naman niya ang kanyang paniniwala sa loob ng maraming taon na si Mandy ang dahilan ng pagkawala ni Aliyah. Heto na nga at tinatraydor na niya ang kanyang sarili.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Theodore sa kanya nang bigla siyang tumayo at akmang lalabas ng room.
"Papasok na ako sa trabaho, Papá. Masyado na akong nagtatagal dito. Tapos naman na yata. Nagampanan ko na ang papel ko sa araw na ito."
"Naging masaya ka, 'di ba, Richard?" ani Theodore. "Kakaibang sense of fulfilment ang naramdaman mo. Tama ba ako? Masarap maging ama kay Mandy, 'di ba?"
Hindi nakatugon si Richard.
"Huwag mong pigilan ang sarili mo, Richard. Let go of your pride. Ama ka ni Mandy. Hindi pa huli ang lahat para magpakaama ka sa kanya. Hindi pa huli ang lahat para bumawi ka."
"I've got to go, Papá."
"Don't send her to France, Richard. Maawa ka sa bata. Gusto niya rito. Gusto ka niyang makasama."
"Hindi pa rin nagbabago ang isip ko, Papá. Humahanap lang ako ng pagkakataon na kausapin siya," tugon ni Richard.
Bumagsak ang mga balikat ni Theodore. Nilingon niya ang apo na ngayon ay abala sa pakikipaglaro sa nga kaklase.
"Ginawa mo lang ba ito para mapapayag mo si Mandy sa iyong gusto?" tanong niya sa anak. Sa hindi pagtugon ni Richard, nakumpirma niyang oo ang sagot nito sa kanyang tanong.
Bumuntong hininga siya. "Sige, Richard. Papayag na ako. Papayag na akong ipadala mo siya sa France."
Nagliwanag ang mukha ni Richard. Hindi niya akalaing mapapaaga ang kanyang tagumpay.
"Papayag ako sa isang kondisyon," dugtong ni Theodore. "Pagkatapos na ng aking kaarawan, at sasama ka sa amin sa camping."
Nagpameywang si Richard at napayuko. Pagkatapos ay muling tumingin siya sa ama at tumango. "Deal, Papá."