"SASABIHIN BA NATIN sa asawa mo?" wika ni Richard kay Mang Lito na hindi pa rin makapaniwala. Umiling si Mang Lito. "Hindi niya ito matatanggap. Hindi ko alam. Hindi na siguro muna dahil baka masama ito sa kaniya. Maaapektuhan ang kaniyang gamutan. Si Jopet ang buhay ng asawa ko. Hindi niya ito kakayanin." Bumuga ito ng hangin. Napasaklop ang mga kamay nito sa mukha. Inilagay ni Richard ang kamay niya sa balikat nito. "Katulad ng ipinangako ko, Mang Lito, hindi ko kayo pababayaan. Gagawin ko ang lahat para matulungan kayo." Tumango si Mang Lito. "Maraming salamat, Richard. Hangad ko na magtagumpay ka sa misyon mo." "Maraming salamat po." Pagkatapos ay nagpaalam na si Richard. Ang hindi niya alam ay sinundan siya ni Leo sa ospital na iyon. Kunot ang noo ni Leo habang pinagmamasdan siy

