WALANG HUMPAY NA PALAKPAK ang ginagawa ni Mandy habang ikinakabit ni Richard ang malaking portrait sa dingding ng malaking salas ng mansiyon. Nakapamulsang umatras si Richard pagkatapos na matagumpay na mailagay ang portrait sa puting dingding. "Thank you, Tatay Arthur!" nakangiting wika ni Mandy. "You're welcome, Mandy," tugon niya. Yumakap sa kaniya si Mandy. Nakaawang ang mga labi na lumagos si Theodore sa salas. Halos hindi ito makapagsalita. Nakangiting nilapitan ni Richard ang ama. "Ano, Sir, maganda ho ba?" tanong niya. Napailing si Theodore at nangilid ang mga luha. Lumapit dito ang apo na si Mandy. "Si Tatay Arthur po ang may pakana niyan. Ang galing at ang bait po niya, 'di ba?" ani Mandy. "I am sorry, Arthur. I am lost for words. Matagal nang gusto ni Mandy na magkaroon

