BUMAGSAK SA SAHIG ang duguang si Leo. Tinamaan ito sa ulo. Si Danny ang nakabaril dito. Bago pa makaporma si Goyo at ang mga kasamahan nito ay nakapasok na ang mga pulis sa loob ng pabrika. Hindi na nagtangka pa ang mga ito na lumaban. Isa isang inaresto ang mga ito. Dali-daling nilapitan ni Richard si Danny. "Salamat, pare," wika niya. Ngumiti at tumango si Danny. "Proud ako sa sarili ko. Alam kong tama ang ginawa ko." Ngumiti rin si Richard. "Salamat, Danny." Sa sikmura ang tama ni Danny. Sa tingin ni Richard ay hindi naman tinamaan ang mga vital organs nito kaya mabubuhay pa ito. "Tatay Arthur!" Napalingon si Richard nang marinig ang boses ng anak. "Mandy, ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ka pwede rito." "Nagpumilit sumama," wika naman ni Theodore na naroroon din pala. Tumayo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


