Chapter 3

1634 Words
After ng klase ay naglalakad kami patungo sa Cafeteria para kumain ng tanghalian. Kanina ko pa sinusulyap-sulyapan sa tabi ko ang seryosong si Kaia, iniisip ko pa rin ang sinabi niya na hindi ko narinig dahil sa biglang pagdating ni Ma’am. “Ilan ang nakuha mong score sa quiz, Azria?,” pagtatanong ni Raylo habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria. Hilig talaga niyang tanungin ang score namin kada exam o quiz, hindi ko alam kung bakit. “15 lang ang nakuha ko.” dagdag pa nito. “15 rin, nagkopyahan lang naman tayo ‘di ba? Bat ka pa nagtatanong?,” natatawang sagot bago lumingon sa kanya. Tumawa naman ang sira. "Oo nga ‘no?," sabi niya sabay kamot sa ulo niya. “Lutang ka, Sis?,” natatawa din na singit ni Liah. “Hayaan mo na, kulang lang siguro sa tulog kakaisip do’n sa crush niya,” banat ko naman. "W-wala akong crush! Ang sama niyo!" sabi niya kaya sabay kaming natawa ni Liah. Nakita kong nakikitawa na si Kaia kaya napangiti ako dahil mukha ayos na siya. “Eh bat ka nauutal?,” asar ni Liah “Binata na siya! May nagugustuhan na. Sino ba iyan? Ipakilala mo naman sa amin,” mapang-asar na sabi ko. “Tigilan ninyo ako, wala akong crush!” naiinis na tugon niya. Nang makarating na kami sa Cafeteria ay kaming dalawa ni Raylo ang bumili ng kakainin namin habang sina Kaia at Liah ang naghanap ng mauupuan. Pinagtitingin ako ng mga estudyante, marahil ay dahil ito sa kumakalat na fake news na may relasyon kami ni Psycho, este ni Kyle. Argh! I hate being stared. "Azria.. wala ba talaga kayong relasyon ni Kyle?" biglang tanong ni Raylo habang nakapila kami, marahil ay napansin rin niya ang titig ng mga estudyante at maging ang mga guro na nadaanan namin kanina. “Wala nga. Hindi ko kailanman magugustuhan iyon at alam ko naman kung gaano mo siya kinaiinisan” sabi ko. Lapitin kasi ng bully si Raylo kaya naman ayaw niya makipagkaibigan sa mga lalaki, lalo na kay Kyle. That Psycho! Kwento ni Raylo, 4 years ago daw ay tinawag siyang bakla nito sa harap ng stage kaya naman simula no’n ay lalo siyang inasar ng mga kaklase niya. "Kahit magkalapit ang bahay namin ay hindi kami kailanman nag-usap. Nakapagtataka nga na tinulungan niya ako kanina na makapasok sa gate pero ayos naman iyon ‘di ba?" dagdag ko pa. “Oo, baka nga hindi mo nasagutan ang quiz ngayon kung hindi dahil sa kaniya” sang-ayon naman ni Raylo. “Tama! Buti na lang talaga ay tinulungan niya ako” masayang sabi ko. “Pero ang kapalit ay ang titig ng mga tao sa'yo dahil sa fake news,” dagdag niya at diniin pa ang fake news. “Makakalimutan rin nila iyon at saka wala naman katotohanan ang kumakalat sa social media kaya hindi ako naaapektuhan,” sabi ko sabay kibit ng balikat. 'Tama naman, makakalimutan din ng mga tao 'yong nangyari at imposible naman na magkagusto sa akin iyon.' Biglang kumirot ang puso ko sa naisip ko. Ano bang nangyayari sa'kin?! “Oo nga” dinig kong sabi ni Raylo kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi na muling nagsalita si Raylo pagkatapos no’n hanggang sa makapagbayad na kami. “Are you okay?” tanong ko habang naglalakad kami patungo sa puwestong napili nina Kaia. Tiningnan niya ko saka ngumiti. “Oo, ayos lang ako,” sagot niya kaya naman ngumiti na lamang ako hanggang sa makaupo kami. Sa isang sulok na tapat ng aircon ang napiling pwesto ni Kaia at Liah na kung saan bilang lamang ang estudyanteng dumadaan. “Napakatagal ninyo! Kanina pa nagwawala ang sikmura ko sa gutom” pagrereklamo ni Liah. “Pasensya na, napakahaba kasi ng pila,” paghingi ko ng paumanhin. “Ikaw na lang sana ang pumila ro’n!" inis na sagot naman ni Raylo. "Shhhh! Kumain na lang tayo. Mag-aaway pa kayo eh!" sabat ni Kaia. Tahimik kaming kumain dahil wala sa mood si Liah na siyang madalas magsalita during lunch. Si Alliah Monette Avilla ang pinaka bata sa aming apat at pinakamaliit din. Madaldal siya at napaka friendly din niya kaya halos yata sa buong school ay kilala siya. Si Austin Raylo Austria naman ang nag-iisang lalaki sa amin, hindi siya bakla tulad ng akala ng iba at may iilan siyang kaibigan na lalaki sa ibang school. He is a nice guy, makulit siya sa mga kaibigan niya pero halos takot naman makipag-usap sa ibang tao. There's Kaia Xeirym Samonte, ang pinakamatanda at pinakamasungit sa amin. Matured siya kung kumilos at mag-isip, maybe because she's the eldest among her siblings. Unlike sa dalawa na nakilala ko lang last year, Kaia and I are bestfriends since I was 10, simula nang lumipat sila sa ng bahay at naging magkapitbahay kami. Sa lalim nang iniisip ko ay hindi ko napansin na patapos na pala silang kumain kaya naman binilisan ko na ang pagkain. "Guys, mauna na ako. May kailangan pa kasi akong basahin sa library. Ciao!" nagmamadaling paalam ni Kaia. "If I know, manonood lang iyon ng Kpop hahaha" natatawang sabi ni Liah bago niya kami hinarap. "May pag-uusapan pa kami nang mga kagrupo ko sa report. Mauna na rin ako, Ingat Azria!" paalam din ni Liah at inirapan si Raylo nang mapatingin siya rito bago tumakbo paalis. Napasinghap si Raylo kaya naman natawa ako. “Nakita mo iyon?! Inikutan niya ako ng mata! Ang sama talaga ng ugali ng maliit na iyon,” naiinis na sabi ni Raylo kaya lalo akong natawa. “Ang O.A mo naman!” natatawang sabi ko kaya napasimangot siya."Anyways, grabe ‘no? Lagi tayo ang naiiwan na magkasama, baka tayo talaga ang para sa isa't isa?" pagbibiro ko kay Raylo kaya napaubo ito at namula. Nag-iwas siya ng tingin. “Ewww," mahinang sambit niya kaya natawa ako. “Maiba ako, anong balak mo pala sa ID mo'ng nawala? Hindi ka ba magre-request ng bago?" sabi niya kaya naman bigla kong naalala ang ID ko. Mayroon pa namang nakaipit na bente ro'n, pambili sana ng fishball mamayang uwian! magpapalibre na nga lang ako kay Raylo. “Mabuti ay pinaalala mo! Muntik ko nang makalimutan,” natatawang sabi ko at umangkla sa kaniyang braso. “Halika at samahan mo ako.” “Ano pa bang magagawa ko?,” mahinang bulong nito. “May sinasabi ka ba?” tanong ko sabay taas ng kilay. Pilit naman siyang ngumiti. “Wala ah. Tara na, sasamahan kita kahit sa ikatlong bundok pa iyan,” sabi niya at naglakad na kami. “Aysus, plastic!" natatawang sabi ko sa kaniya. Nang makarating kami sa tapat ng School registrar office ay saktong lumabas doon si Kyle, muli ay nagtama ang aming paningin kaya naman biglang kumabog muli ng malakas ang puso ko. Anong nangyayari sa akin? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba na tila may kakaiba ngunit hindi ko mabatid kung ano. Bagama't walang reaksyon ang kanyang mukha ay puno naman ng emosyon ang kanyang mga mata. Ilang saglit lang ay nag-iwas na ito nang tingin at nilampasan na niya kami. Pareho kaming nakatingin ni Raylo sa papalayong si Kyle. Sabay kaming nagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Raylo nang mawala na sa paningin namin si Kyle pero hindi pa rin kumakalma ang puso ko. “Hayyyy! buti naman wala na siya,” sabi niya at tiningnan ako. “Bakit kaya nagpunta iyon dito 'no?” curious na tanong niya. “Ewan ko,” mahinang sagot ko sabay kibit ng balikat. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon. “Tara na nga sa loob, may klase pa tayo mamaya,” sambit niya at saka ako hinila papasok sa school registrar office. Pagpasok namin ay agad nagsalita ang registrar. “Narinig kong nawawala raw 'yong ID mo?” sabi ni Ms. Lou. “Opo, mag nga po sana ako ng panibago kaya ako nagpunta rito,” magalang na sabi ko. Biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi kaya napakunot ang aking noo. "Nagpunta rito si Kyle para isauli iyang ID mo, napulot niya raw” aniya sabay abot sa ID ko. “Huh? Paanong...” napatigil ako nang mapagtanto na may posibilidad nga na napulot niya. “S-sige po, mauna na kami. Maraming salamat po,” biglang sabat ni Raylo at dinampot ang ID ko. Nagpasalamat din ako bago kami tuluyang nakalabas. Paglabas namin ay napansin ko na pinagpapawisan si Raylo at tila wala sa kaniyang sarili, galaw siya nang galaw na parang hindi mapakali. “Ayos ka lang ba?” tanong ko. “Oo” mahinang sambit niya bago tumakbo papalayo. "Hoy! Sa'n ka pupunta?!" kunot-noo kong tanong. "MAUNA NA AKO! KITA NA LANG TAYO SA KLASE!" sigaw niya at hindi na ako nilingon pa. Nagtataka ko siyang pinagmasdan na tumatakbo papalayo. "Anong nangyari do'n?" tanong ko sa sarili. Nang mawala na siya sa paningin ko ay tinignan ko ang likod ng ID ko upang kuhanin sana ang bente ngunit nagtaka ako nang may papel na nakaipit do’n. Kinuha ko iyon at binuksan sa pagkakatupi, nanlaki ang mata ko nang may isang libo na nahulog mula sa papel. 'Wow! pinalitan ang bente ko' Nakangiti kong bulong sa sarili saka pinulot ang isang libo. Binasa ko ang papel nang mapansin na may nakasulat dito. 'Hey, Lein the poor. Wala akong barya kanina at nagastos ko ang bente mo. Just keep the change, take it as a compensation for accidentally hitting you awhile ago.' -K.H.A Nang mabasa ko iyon ay hindi na tumigil sa malakas na pagtibok ang puso ko. He call me ‘Lein’, Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi…nababaliw na ba ako? argh! Sabi nila ay baliw at masama raw siya, pero bakit parang ang layo naman niya sa sinasabi ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD