Chapter 2

1412 Words
Nakatingin pa rin ako sa kaniya kaya hindi ko napansin na nasa loob na pala kami ng Campus. Tumikhim siya kaya napabitaw na ako sa kaniyang kamay, tinaasan niya lamang ako ng kilay bago siya naglakad palayo at iniwan ako na puno ng pagtataka. 'Huh? Iyon na 'yon?' nakanganga ako habang tinatanaw siyang maangas na naglalakad papalayo. Ilang minuto na ang lumipas simula nang maglaho sa aking paningin si Kyle ngunit heto pa rin ako, parang tangang nakatulala sa kawalan. Iniisip ko kung bakit gano’n ang inasta niya, ni hindi naman yata niya ako kilala. Kahit magkapitbahay kami ay wala namang pakialam sa mga tao iyon at hindi rin naman siya lumalabas sa bahay nila. 'Bwiset na Harveyn! Pinag-isip pa ako' inis na bulong ko. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante kung kaya't mabilis na tumakbo na ako papunta sa aming building. Nang malapit na ako sa aming classroom ay saktong lumabas na si Ma'am Perez, hudyat na tapos na ang aming first subject na Statistic. Dahan dahan akong naglakad papasok sa pintuan. Akala ko ay hindi na ako papansinin ni Ma'am Perez ngunit nabigla ako nang maglakad siya papunta sa akin at pabiro akong hinampas. Nagulat ako sa paghampas niya “Ikaw ha! Late ka na naman. Ayaw mo ba sa subject ko?,” seryosong tanong niya at saka humalukipkip. “Ma'am, hindi po kasi ako agad pinapasok ng guard. Tingnan niyo po,” pagpapaliwanag ko sabay ipinakita ang ID lace ko. “Nawala ang ID ko.” tinaasan niya ako nang kilay na para bang sinasabi niyang nagdadahilan lamang ako. “Hmm, talaga?” sabi pa niya at unti-unting sumilay ang mapang-asar niyang ngiti. “Ma'am naman! Bakit ganiyan ka makangiti?” nagdududang tanong ko kay Ma’am Perez na siyang bunsong kapatid ni Mommy. “Abusada kang bata ka, porket tita mo ako ay inaraw-araw mo na iyang pagpasok ng late,” pabiro niyang sabi ngunit alam kong hindi iyon ang dahilan ng kanyang makahulugang ngiti. “Bakit ganiyan po ang ngiti niyo, Ma'am?” sabay liit sa aking mata na tanda ng pagdududa ko. “Boyfriend mo pala 'yong kapitbahay niyo?” kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong “Hindi mo man lang sinabi, ” dagdag pa niya at kunwari'y nagtatampo. “Ang dami kong kapitbahay, Tita. Alin do’n?” pabirong tanong ko. Muli ay mahinang hinampas na naman niya ako “Napakamalihim mo talagang bata ka! Si Kyle 'yong tinutukoy ko, anak ng may-ari sa paaralang ito,” Bigla akong naubo sa gulat. Si Kyle Avizta? Wth? “Si Kyle?! Hindi po, Tita! nagpapatawa po yata kayo. Bakit ko naman magiging boyfriend iyon? Ni hindi pa nga kami nag-usap no’n eh," natatawa kong depensa ngunit awtomatikong napatigil nang maalala ang nangyari kanina. "Aysus! Kalat na kalat sa page ng Campus na kayo na raw.” “Tinulungan lang po niya ako,” pagrarason ko ngunit tumawa lamang siya. “Sige na, pumasok ka na nga. Mamaya ka na lang sumagot, mag-isip ka muna ng magandang irarason. Iyong kapani-paniwala ha?”sabi niya saka iniwan na ako na may malaking katanungan sa aking isipan. Lutang akong pumasok sa classroom habang iniisip kung anong pinagsasabi ni Tita at kung bakit nga ba ako tinulungan ni Kyle. “Azria Lein Abrantessss!” napahawak ako sa biglang pagtawag ni Alliah sa buong pangalan ko. Nakabraide ang kaniyang buhok at may silver butterfly na headband pa siya. Nakaupo at umiinom ng kape na may straw si Kaia sa likuran habang seryosong pinagmamasdan na naglalakad papalapit sa akin si Liah na seryoso rin ang mukha. Ano bang nangyari sa mga ‘to? “Isinama mo na sana pati ang middle name ko,” natatawa kong sabi bago umupo sa aking upuan. “Ano ba 'yon, Alliah Monette Avilla?” tanong ko at saka siya nilingon. “Ano 'yong kumakalat na chismis sa social media tungkol sa inyong dalawa ni Kyle?" nakapamewang niyang tanong sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi ni Tita kanina na may kumakalat nga raw sa social media about sa amin ni Kyle kaya naman napaisip ako na baka dahil iyon sa paghila sa akin ni Kyle kanina sa gate. Ang bilis nga naman ng social media! “Ano kasi...” nag-aalangan akong sabihin dahil alam kong hindi nila gusto si Kyle. Tiningnan ko si Kaia na naglalakad papunta kung nasaan kami. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko habang si Liah ay nakatayo pa rin sa aking harapan at nakataas ang kilay, naghihintay ng sasabihin ko. “Ahmm. Hindi ba ay kapitbahay ko 'yong si Harveyn?” panimula ko at lalong sumeryoso ang mukha nila. “Bakit Harveyn ang tawag mo sa kaniya?” kunot-noong tanong ni Alliah. Natawa ako at sinabi na nagkamali lamang ako. Ikinwento ko ang buong pangyayari sa kanila. “Hmm, bakit ka nga ba niya tinulungan pagkatapos ka niyang batuhin?” tanong ni Alliah na nag-iisip rin ng posibleng dahilan ng pagtulong sa akin ni Kyle. “Naguilty siguro? Hayaan mo na at baka mabaliw ka pa sa kakaisip.” sabi ko ngunit ang totoo ay para sa akin ang mga salitang iyon. “Ang sabihin mo ay sadyang baliw lang talaga iyon! ” natatawang komento ni Kaia. Napatingin kami sa kaniya at agad naman itong umayos sa pagkaka-upo at tumikhim. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sagutin si Kaia nang bigla na lamang sumulpot si Raylo. “Sinong baliw?” pagsingit ni Raylo. “Fudge! Ano ka ba naman, Raylo! Nakakagulat ka!" napahawak ako sa dibdib sa gulat. Parang wala siyang narinig at umupo sa tabi ko. “Late ka na naman!” sermon ni Kaia. “Napuyat kasi ako kagabi. Buti nga ay wala 'yong Guard do’n eh, nakapasok ako, ” natatawang kwento niya. “Sino muna 'yong baliw na tinutukoy niyo?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong. 'Chismoso!' bulong ko sa aking isipan. “Ikaw raw ‘yong baliw, Chippy” pang-aasar ni Liah sabay tawa. “Tigilan mo nga ang pagtawag ng Chippy sa'kin!” napipikon na sabi ni Raylo. “Mukha ka naman talagang chipmunk!” asar pa ni Liah sabay takbo nang makitang tumayo na si Raylo. “Mamaya ko kayo tatanungin, magtutuos muna kami ni Nette!” sabi niya bago hinabol si Liah. Natatawang napailing na lamang kami ni Kaia nang magsimula na silang maghabulan na parang mga bata. “Aso't pusa talaga ‘no?” sabi ko habang pinagmamasdan ang dalawa. “So, what's the real score between you and that Psycho?” seryosong tanong ni Kaia kaya naman napalingon ako sa kaniya. “Nothing... ngayon nga lang kami nag-usap. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako tinulungan, siguro ay naguilty nga lang talaga siya sa pambabato sa’kin.” sagot ko. Nang mapansin kong iba siya kung makatingin ay napakunot ang aking noo. “Why are you looking at me like that?” nagtatakang tanong ko. Seryoso at tila malalim ang kaniyang iniisip. “Huh?” nagulat naman siya sa tanong ko at napa-ayos ng upo. “Bakit kung tingnan mo ako ay para bang isang malaking kasalanan na tinulungan ako ni Kyle?” natatawang tanong ko. “Hindi naman, parang hindi ka pa nasanay ganito talaga ako tumingin,” depensa niya at awkward na ngumiti. “Gusto mo ba si Kyle?” kunot-noong tanong ko kaya naman bigla siyang napa-ubo. Iyon lang naman ang tanging naiisip kong dahilan. “WTH?! I would never like someone like him, duh!” tila nagpapanic na sagot niya. “Talaga ba?” “OO NGA!” nabigla ako sa pagtaas ng boses niya at napatingin din sa amin ang iba namin mga kaklase. “H’wag kang sumigaw, nagbibiro lang naman ako” mahinang bulong ko sa kaniya at saka nilingon ang mga kaklase namin na nagtatakang nakatingin. “Sorry, I didn’t mean to shout,” paghingi nito ng paumanhin at seryoso akong tiningnan. “Bakit ganiyan ka makatingin?,” tanong ko rito at pinagtaasan siya nang kilay. “H’wag mo nang kausapin pa si Kyle,” seryosong aniya. “Huh? Bakit?,” naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan, gusto ba niya si Kyle? Bakit parang natatakot siya? Hindi siya agad nakasagot. Nakita ko ang pamamawis ng kaniyang noo bago siya nag-iwas nang tingin. “Alam naman natin lahat na b-baliw iyon ‘di ba? Wala siyang mabuting maidudulot sa iyo… Basta layuan mo na lang s-siya,” sabi niya nang hindi nakatingin sa aking mga mata. “He’ll just kill you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD