Chapter 1

1115 Words
Patakbo akong naglalakad palabas ng village dahil late na ako para sa unang subject. Suot ko ang aking uniporme; puti’ng long sleeves with brown tie na tinernuhan ng brown skirt na nagusot dahil sa pagmamadali. Abala ako sa pag-aayos nito nang bigla na lamang may tumamang bote ng C2 sa ulo ko. Ouch! Galit na lumingon ako sa likod upang hanapin kung sino ang nambato sa akin. “BAT KA NAMBA-,” naputol ang balak kong pagrereklamo nang makita ang lalaking matangkad na nakasuot ng uniform ng aming school; puti’ng long sleeves na may tie at brown na trouser. Nawala ang kunot-noo ko at napalitan iyon ng gulat nang mapatingin ako sa gwapo niyang mukha at makilala kung sino siya. “Oh bakit?” maangas na tanong nito. He is Kyle Harveyn Avizta, ang tinatawag nilang Psycho sa batch namin. Nag-iisa siyang anak ng may-ari ng Avizta International School kaya naman kung maka-asta siya ay para bang pagmamay-ari niya ang lahat ng estudyante. Tatlong taon ang tanda niya sa’akin at may usap-usapan din na nakulong daw ito dahil sa kasong pagpatay na siyang dahilan kung bakit Grade 12 pa rin ito. Natatakot ang lahat sa kaniya, maging ang aming mga guro dahil hindi malabo na may katotohanan ang chismis na iyon. Demonyito siya, wala siyang kinatatakutan and he hurt people for fun. “Bat mo ’ko tinitingnan? Aren’t you afraid of me?” kunot-noong tanong niya. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako. Natauhan naman ako at nagpapanic na yumuko upang humingi ng tawad. “Pasensya na!,” pikit-mata kong paumanhin ngunit wala akong narinig mula sa kaniya. Iniangat ko ang aking ulo para tignan kung nandiyan pa siya. Nanlaki ang aking mata nang magtama ang aming paningin, nawala ako sa kulay kahel niyang mga mata. Biglang huminto ang oras at tanging malakas na pintig lamang ng puso ko ang aking naririnig. 'Bakit tila pamilyar ang iyong mga tingin?' bulong ko sa aking isipan habang nakatitig pa rin sa kaniyang magagandang mata. May kung ano rito na hindi ko maintindihan, bagama’t walang reaksyon ang kaniyang mukha ngunit puno ng emosyon ang kaniyang mga mata na hindi ko mawari kung para saan. Narinig ko ang pagsinghal niya sabay iwas nang tingin, dahil do’n ay natauhan ako kaya muli akong nagbaba ng tingin. May kung ano pa siyang binulong na tanging sarili lamang niya ang nakarinig bago ako nilampasan. Napahawak ako sa aking dibdib upang pakalmahin ito at saka pinagmasdan siyang maglakad papalayo. Nang hindi ko na siya matanaw ay bigla kong naalala na mahuhuli na nga pala ako sa klase. Pinilig ko ang aking ulo para mawala si Kyle sa isip ko saka muling nagmamadaling naglakad. Nang makarating ako sa gate ay bigla akong hinarangan ni Kuya Guard kaya napataas ako ng kilay. “Nasaan ang ID mo?” masungit na tanong nito. “Nakasuot po,” confident na sabi ko sabay tingin dito ngunit nanlaki ang aking mga mata nang lace na lamang nito ang mayroon ako at wala na ang ID. “Hala! Nasaan 'yon?!” nagpapanic na sabi ko saka nagsimulang hanapin ‘yon sa aking nadaanan kanina at nagba-baka sakali na nahulog lamang iyon doon. Ilang minuto na akong naghahanap ngunit hindi ko iyon makita. ArggHhh! Napasabunot ako sa aking buhok out of frustration. Napakamalas ko ngayong araw! Una ay napagtripan ako ni Kyle, pangalawa ay late ako tapos ngayon ay nawala pa ang ID. Naiiyak na bumalik ako sa gate at tiningnan si Kuya Guard upang makiusap na sana ay papasukin na ako. "Kuya, parang awa niyo na, may quiz po kasi kami ngayon at hindi ako pwedeng mag-absent,” hindi pa naman nagbibigay ng special quiz si Ma'am Gomez. "Papasukin niyo na po ako. Nawala po talaga 'yong ID ko. Kung saan-saan na ako nakarating pero wala talaga. Please po, Kuya Guard," pagmamakaawa ko pa sa kaniya. Kita sa mukha ni Kuya Guard na hindi siya naniniwala at umiling pa na tanda ng hindi niya pagpayag. “Pasensya na pero hindi talaga puwede, ginagawa ko lang ang trabaho ko. No ID No Entry,” sabi niya at hindi na ako pinansin pang muli. Nakakabwiset! Nawalan na ako nang pag-asa at nakayukong tumalikod upang umuwi na ngunit bigla akong nabangga sa isang matigas na bagay. 'Ang sakit! Shet naman! ang malas ko naman ngayon’ inis na sabi ko sa aking isip habang napahawak sa noo kong nasaktan. Narinig kong napasinghap ang mga estudyanteng dumadaan at napahinto pa nga ang ilan. Mayroon pa akong naririnig na mga komento na tila ay naaawa sa akin. “Ohmygosh!” “Nakakaawa naman siya,” dinig kong sinabi ng isang babae “Oo nga, tiyak na mapaparusahan siya,” may halong takot na pagsang-ayon ng isa. “I want to help but I still love my life. Ipagdarasal ko na lamang siya,” naaawa’ng boses iyon ng isa kong kaklase. 'Hala! Lagot! Teacher ba ang nabangga ko? ohmy' napakagat ako sa aking labi dahil sa takot na baka tama nga ang aking naisip dahil sa narinig ko’ng sinabi ng mga dumaraan. “Pasensiya na po, hindi ko po sinasadya.” nagpapanic na paumanhin ko sa aking nabangga. Tila ay bigla akong nanlamig nang marinig ko ang pamilyar na singhal. Sana ay mali ako, mas gugustuhin ko pang mabangga si Ma'am Ramos na sobrang sungit kaysa kay Kyle na kinatatakutan ng lahat. Unti-unti kong iniangat ang aking ulo para silipin kung sino ang aking nabangga kahit na malakas ang aking kutob na siya nga iyon. Hindi nga ako nagkamali nang ang kulay kahel niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Awkward akong ngumiti ngunit mas kumunot lamang ang kaniyang noo. Tumingin ako sa mga taong nakatingin at nagbabaka sakali na may makita akong kakilala. Nang makita ko’ng pasimple nila kaming kinukuhanan ng video at litrato ay bigla silang nagsi-iwas ng tingin. ‘ArgHh! Lupa, lamunin mo na ako’ bulong ko sa aking isip. Muli ko siyang nilingon at ibubuka ko na sana ang aking bibig upang humingi ulit ng paumanhin nang bigla niya akong hatakin papasok sa gate. Napasinghap muli ang mga taong nakakita dahil sa gulat at maging ako ay nanlaki ang mata, lalo na nang kausapin ni Kyle si Kuya Guard na nangharang sa akin kanina. “Let her in. Exempt her in that policy sh*t,” maangas na sabi niya at saka ako muling hinila papasok. Nakatingin lang ako sa kanya at nabibingi sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Napakaraming mata ang nakatingin sa amin at mababasa sa kanilang mukha ang labis na pagtataka, maging ako ay sobrang naguguluhan. He is known for being a badboy… Hindi kami close at ngayon lamang kami nag-usap. Bakit ba niya ako tinulungan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD