Prologue:
Halos di magkamayaw ang mga nanonood sa performance ko habang gumigiling ako dito sa taas ng stage nitong Royal Club.
Halos mabingi ako sa hiyawan nila!
Kahit nahihiya at kinakabahan ay mas pinagbuti ko ang pag inadayog. Para sa 'yo to mama!
Nagpaikot-ikot ako pa poll na naririto sa gitna at saka ako lumiyad. Halos lumuwa naman ang mata ng mga customer dahil malamang nasilip nila ang pula kong lingerie! Manyak!
"Sapphire! come to papa, baby!" sigaw ng isang matandang customer na nasa harapan ng stage nakapwesto. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasayaw.
Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata at tumulo ang laway habang puno ng pagnanasa ang kanyang mata!
Bago matapos ang performance ko ay isang split ang pinakawalan ko na siyang mas lalong nagpahiyaw sa mga tao.
Kung anong mukha ang kanilang nakikita ngayon ay kabaligtaran ito ng totoong estado ko. Ginusto ko ba ito?
Sabihin na lang natin na ito lang ang alam ko at madaling paraan para kumita ng pera para sa operasyon ni mama.
Ang choices, ay para lang iyon sa mga may pera. Pero para sa katulad kong isang kahig. isang tuka, Hindi 'yan pupuwede! kailangan ko makalikom ng malaking halaga ngayong gabi para may maipambayad ako sa hospital bukas. Hindi ko kakayanin kapag may mangyari kay mama na wala manlang akong nagawa para iligtas siya.
Naawa na rin ako kay papa dahil kahit anong trabaho ay kanya ng sinubukan pero kulang pa rin para sa gastusin sa hospital.
Isang milyon ang kailangan sa operasyon ni mama. Saang planeta naman ako kukuha ng ganoon kalalaking halaga?!
"Sapphire, Pinapatawag ka ni madam sa opisina. may sasabihin daw siya sa 'yong importante. Hala sige,"
Napalingon ako kay Jenna. Isa sa mga kasama ko dito sa bar. Pero mas nauna siya sa akin. Mag iisang linggo pa lang naman kasi ako rito. At sa loob ng isang linggo na 'yon ay kulang pa rin ang kinikita ko. Tumango ako sa kanya saka tumayo. Naka damit na ako ngayon ng t-shirt at isang cotton short.
Tapos na kasi ang oras ko. Uuwi ako ngayon at dederitso ako sa hospital para dalhan ng makakain si tatay.
Siya ang bantay kay nanay habang nandito ako. palitan kami. Bukas ay ako naman. Alam din ni tatay ang trabaho ko. sinubukan niya ako pigilan pero kalauna'y wala rin nagawa sa naging pasya ko. Para naman ito kay nanay.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam e, Basta ang sabi ipatawag kita. Baka naman bibigyan ka ng bunos. Aba, napakalaki ng kita ng Royal Club simula noong dumating ka rito,"
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi?
Dapat ba proud ako sa na achieve ko? tsk.