7 Years Later
"Nanay!"
"Lilianna! Huwag takbo ng takbo mapapagod ka."
Agad kong sita sa anak ko. Anim na taong gulang na si Lilianna. Naging maayos ang buhay namin sa tulong ni Michelle at Michael. Matapos ang aksidente ko sa probinsiya, lumuwas kami ng Manila kung saan nagtatrabaho bilang isang engineer si Michael habang isang nurse naman si Michelle. Ginawa akong secretary ni Michael. Dahil high school lamang ang natapos ko'y inenroll ako nito sa mga trainings upang maging eligible sa posisyong ibinigay nito.
"Sabi ni Uncle Michael isasama niya ako sa dagat bukas."
Tuwang tuwang balita nito.
"Okay, pero diba sabi sayo ni Tita Ganda, bawal kang mapagod? Hindi ka na isasama ni Ucle Michael kapag hindi ka sumunod sige ka."
"Opo nanay. Hindi na po ako tatakbo."
"Very good talaga ang anak ko."
Masuyo kong hinaplos ang pisngi nito saka pinupog ng halik.
"Tara, it's time to see Uncle Michael and Tita Mich."
Inakay ko na siya papasok sa loob ng mansyon. Agad na nagliwanag ang mukha nito ng makita si Michael.
"Uncle Mike!"
"Come here kiddo."
Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit ito dito. Walang kahirap hirap na binuhat ito ng binata saka pinupog ng halik ang mukha. Naiwan kaming nangingiti ni Mich sa sala. Kung titingnan ang dalawa, parang totoong mag-ama ang dalawa. Tuwing lalabas nga kami, walang pagkakataon na hindi napagkamalan na mag-ama ang mga ito sa sobrang closeness ng mga ito.
Agad naming inukupa ang sofa roon.
"Hey how are you Anna."
"Ito okay naman. Lumalaban." Pilit kong pinasigla ang boses ko sa kabila ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko.
"You know that we need to find her father ASAP if we want to save her right?"
Napabuntong hininga ako. 2 years old lang si Lily nang malaman namin na may sakit ito sa kidney. 6 na taon na ngunit wala pa din kaming mahanap na taong match sa kidney nito. Ang sabi ng doctor, malaki ang posibilidad na tatay nito ang magmamatch sa bata.
Hanggat maaari, ayoko nang magkaroon ng ano mang koneksiyon sa tatay ni Lily, pero kung iyon lang ang paraan upang mailigtas ko ang akong anak, gagawin ko.
Sinubukan ko itong hanapin, ngunit matagal na umano itong nangibang bansa at doon nagpakasal. Hanggang ngayo'y wala pa rin akong balita. Napakapribado ng naging buhay nito sa ibang bansa. Kaya naman mas naging mahirap ang pag-trace ko dito.
"I think you need to see this."
Inabot sa akin ni Mich ang cellphone nito, nangungunot ang noong inabot ko iyon.
'Business tycoon Edward Fritz Smith back in the country after 7 long years'
Biglang pumintig ang puso ko ng mabasa ko ang titulo ng balita. Kasama noon ay ang larawan ng lalaki na mas nagmature ang itsura ngunit bakas pa rin ang angking kakisigan. Biglang nanginig ang buo kong kalamnan. Nasa Pilipinas na siya!
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, tuwa dahil malaki ang posibilidad na maiiligtas ko na ang anak ko, galit dahil muling bumalik sa isip ko ang lahat ng hirap na dinanas ko dahil sa kaniya! Pero sa hindi ko maunawaan, sa kaibuturan ng aking dibdib may parang kung anong nabuhay sa akin.
Hangga't maaari gusto kong sarilihin na lamang ang lahat ng pinagdaanan ko kay Edward noon. Ngunit dahil sa desperation ko, naipagtapat ko ang lahat kay Michelle, ang lahat lahat ng tungkol kay Edward.
"Now that he's here, we can finally heal Lily. You just have to see him."
Gusto kong iwasan ang naging bangongot ng aking kahapon ngunit kailangan ako ng anak ko. Kailangan siya ng anak ko. Kaya kailangan kong harapin ang lalaking sumira sa buhay ko kung ang kapalit naman nun ay ang pagkabuo ng buhay ng anak ko.
Kinagabihan, agad akong nagsiyasat tungkol sa lugar kung saan ko siya maaaring makausap. Hindi naman mahirap hanapin ang address ng kompanya nito.
Hindi ko akalain na kung gaano kadali matunton ang address ni Edward, ganun din pala kahirap ang aktwal na makaharap ito. Sobrang higpit ng security ng kompanya nito at madalas na kung saan saan ito pumupunta dahil sa meetings nito. Isang linggo na akong pabalikbalik sa building nito sa Makati ngunit kahit minsa'y hindi ako pinayagang makapasok kahit sa receptionist man lang.
"Please manong papasukin nyo na ako. Kailangan ko lang makausap ang boss mo."
Pamimilit ko pa security guard. Sobrang desperada na ako. Butil butil na ang pawis ko sa noo dahil sa init sa labas ngunit hindi ko iyon alintana.
"I'm sorry Miss. Hindi talaga pwede. Ako naman ang mawawalan ng trabaho eh." Napapakamot sa ulo ang security guard. Naawa na rin ako.
Kumuha ako ng isang papel, at isinulat ang pangalan at numero ko.
"Sige kuya, pakibigay na lang ito sa secretary niya. Pasabi na lang na kailangang kailangan ko siyang makausap. Parang awa mo na manong. Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito."
Matagal akong tiningnan ng guard bago inabot ng papel na binigay ko.
"Sige pakikiusapan ko ang kaibigan kong sekretarya niya na banggitin ito dahil naaawa na ako sayo. Pero hindi ako sigurado na papasukin ka ah."
"Maraming, maraming salamat manong!"
Alam kong walang kasiguruhan na makakausap ko si Edward pero atleast may kaunting porsyente na may posibilidad na makausap ko siya. Napagdesisyunan kong umuwi na muna para makita ko si Lilianna.
"And they live happily ever after..." pagtatapos ko sa kwentong binabasa ko. Napangiti ako nang makita kong himbing na himbing na natutulog na si Lily. Maingat kong isinara ang storybook at inilapag iyon sa side table. Dahan dahan akong bumaba sa kama upang hindi maistorbo si Lily sa pagtulog.
Taimtim kong pinagmasdan ang aking anak na himbing na ngayon sa pagtulog. Ito ang araw-araw na nagpapaalala sa akin kay Edward. Dahil dito, hindi ko lubos magawang magalit kay Edward dahil sa kabila ng panloloko niya sa akin, binigyan niya ako ng isang anghel. Malaki ang pagkakahawig ng mga ito. Magaan kong hinalikan ang noo nito saka inayos ang kumot. Tumuwid ako ng tayo saka bunuksan ang night lamp nito at pinatay ang ilaw sa silid.
Agad kong tinungo ang aking silid upang maghanda na din sa pagtulog. Pahiga na ako sa kama nang mag ring ang cellphone ko. Napakunot noo ako. Sinong tatawag sa akin ng ganitong oras? Alas 9 na ng gabi. Agad kong tinungo ang cellphone ko, mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko na unregistered number ang nakalagay doon. Biglang bumilis ang pintig ang puso ko ng maalala ko si Edward! Siya kaya ito?
Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Walang ibang paraan para malaman iyon kundi sagutin ang tawag. Nanginginig ang daliri ko nang sagutin ang tawag.
"H-hello. S-sino 'to?" puno ng antisipasyong sabi ko. Mahabang katahimikan ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya. Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang itong magsalita.
"I thought my secretary was mistaken when she mentioned about you. It's indeed you Anna."
Tuluyan nang nagwala ang puso ko ng marinig ko ang baritong tinig ng lalaki. Napahawak ako sa aking dibdib. Muling bumalik sa aking ang kahapon. Gusto kong magalit, manumbat, pero naisip ko ang anak ko. Hindi, kailangan ako ngayon ng anak ko. Hindi mahalaga ang nararamdaman ko. Pinilig ko ang ulo ko.
"O-oo, ako nga, p-pwede ba t-tayong mag-usap ng personal?" pikitmatang bulalas ko bago pa magbago ang isip ko.
"Sure. How about tomorrow at 10:00 am in my office?"
"S-sige. Bukas."