Chapter 6 - Saved

1018 Words
Halos wala ako sa sarili nang makarating sa bahay. Deretso ako sa kwarto at doon ay muling bumuhos ang masagana kong luha. Parang walang katapusan iyon. Ano na ngayon ang gagawin ko? Diyos ko!  Parang nauupos na kandilang napasandal ako sa nakapinid na pinto habang sapo sapo ang aking tiyan. Binigay ko ang lahat kay Edward. At halos hindi na ako nagtira sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ito sa akin. O kung paano niya nagawa ito sa isang katulad ko gayong may girlfriend naman pala siya. Ang tanga tanga ko at naniwala ako sa kaniya. Bakit kasi ang taas ng tingin ko sa sarili ko at naniwala ako na magugustuhan niya ako? Tama nga si Tiya, isa akong ilusyunada at malandi, ngayon, isang disgrasyada. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko nang sumuko ngunit hindi na lang ito buhay ko, buhay na din ng magiging anak ko. 'Huwag kang mag-alala baby, magpapakatatag si mommy. Kakayanin natin, kahit wala ang tatay mo. Hindi kita pababayaan.' Kinaumagahan, maaga akong bumangon. Aalis na ako sa pabrika. Hindi ko na kayang mamasukan doon. Bukod sa pag-aari iyon ng lalaking sumira sa buhay ko, sobra sobra ang kahihiyang inabot ko kagabi.  Nagpasiya akong mag-almusal bago umalis, hindi ko gustong kumain pero alam kong iyon ang kailangan kong gawin para sa baby ko. Tuyo at sinangag ang nakahain sa mesa. Agad akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa man ako nakakatatlong subo, naramdaman ko na ang tila pagbaliktad ng aking sikmura, patakbo kong tinungo ang lababo at doo'y nagduduwal. "Buntis ka ba?!" Halos matulig ako sa lakas ng boses ni Tiya. Nanigas ang aking buong katawan. "Tinatanong kita, buntis ka ba?!" Walang ano anong hinila nito ang aking braso upang mapaharap sa kaniya. "Akala mo ba'y hindi ko napapansin ang mga pagbabago sayo? Ilang araw nang kakaiba ang ikinikilos mo!" "T-tiyaa.." Nangingig ang buo kong katawan. Gusto kong magpaliwanag ngunit walang boses na lumalabas sa aking labi. "Magsalita ka! Buntis ka ba?!" Muling bulyaw nito. "O-oho." Sagot ko sa mahinang boses. Sunod sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata. "Malandi ka talaga halika dito." Hinila niya ako sa braso palabas ng bahay. "N-nasasaktan p-po a-ako, t-tiya." "Pwes wala akong pakialam! Malandi ka! Sinasabi ko na nga ba, katulad ka ng nanay mo. Malandi!" Pasalya nito akong itinulak sa labas ng gate na naging dahilan ng pagkakalugmok ko sa kalsada. Agad nitong inilock ang gate at muling pumasok sa kabahayan. Tinapunan ako ng mga mapanuring tingin ng mga tao. Dahan dahan akong bumangon at muling lumapit sa gate. "T-tita. Parang a-awa mo na wala akong mapupuntahan." Para akong batang pumapalahaw sa labas ng gate. Makalipas ang ilang minuto, muling lumabas ang Tiya Melba at isang inihagis sa labas ang mga gamit ko. "Ayan dalhin mo na iyang mga basura mo! Tama na ang pagpapalaki ko sa isang bastarda sa pamamahay na ito! Lumayas ka na! Lumapit ka sa tatay ng batang iyan!" Iyon lamang at muli itong tumalikod papasok ng kabahayan. Paulit-ulit akong nagmakaawa ngunit walang Tiya Melbang nagbukas ng pinto. Wala akong nagawa kundi pulutin ang mga nagkalat kong gamit sa kalsada. Hinang hina kong binitbit ang aking bag, habang patuloy sa pagdaloy ang aking luha. Nagsimula akong maglakad palayo sa bahay na iyon, palayo sa mga mumunting bulungan ng panghuhusga patungkol sa akin at ni hindi ko alam kung saan ako pupunta.  Wala ako sa sarili habang naglalakad kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Nanlaki ang aking mga mata, at doon, nawalan ako ng malay. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Puting kisame ang aking nagisnan. Anong nangyari? "Michelle, she's awake." Narinig ko ang isang baritong tinig na hindi pamilyar sa akin. Agad na lumapit sa akin ang isang nurse at sinuri ang aking kalagayan. Pamilyar ang itsura nito sa akin ngunit hindi ko masabi kong saan ko ito nakita. "How are you feeling Anna?" Marahan nitong tanong sa akin. Kilala niya ako? Kung gayo'y magkakilala nga kami. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Muling tanong nito. Napapitlag ako, pinakiramdaman ko ang aking katawan at naramdaman ko ang sakit sa aking balakang. "A-ayos naman, medyo masakit lang ang aking balakang." Naguguluhan pa ring sagot ko. "Dahil iyan sa pagbagsak mo sa kalsada. Bigla ka na lang hinimatay. Base sa mga test na ginawa namin kanina, it seems that it's due to your pregnancy and stress. So I suggest you to rest." Paliwanag nito. Napatango lang ako. "By the way, this is my brother Michael, he was the one driving kanina, and I'm Michelle, a nurse and your classmate from Elementary. I hope naaalala mo pa ako." Turan nito sa lalaking katabi nito saka isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito. Ito na ba ang Michelle na kaklase ko noon? Mataba ito noon at may kaitiman. Malayong malayo sa itsura nito ngayon. Ang tanging pamilyar sa akin ay ang singkit nitong mata at matatamis na ngiti. "O-oo, natatandaan ko pa." Nahihiya kong sagot. Ang layo layo na ng narating nito sa buhay samantalang ako ito, halos hindi alam kung paanong muling magsisimula. "Gusto mo bang tawagan ang tatay ng baby mo?" Muling pukaw nito sa akin. Muling tumulo ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Napayuko ako saka marahang umiling. "W-wala n-na ang t-tatay ng b-bata." Mahina kong sagot. "What? How about your parents maybe they're worried?" Muli akong umiling.  "Patay na si papa, pinalayas naman ako ni tiya nang malaman nito na buntis ako. Wala akong pwedeng tawagan." Bakas sa mukha ng mga ito ang awa para sa akin. Marahan itong umupo sa kama saka inabot ang aking kamay. "You've been a very good friend to me before. Now, gusto ko, ako naman ang tutulong sayo, if you want me to." Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "T-talaga?" Gusto kong mahiya pero alam kong wala ako sa lugar para makaramdam noon. Desperada na ako. "Y-yes. I'll help you. Kuya and I will help you." Muling bumuhos ang luha ko. Napabangon ako at niyakap ng mahigpit si Michelle na maituturing kong isang bayani, anghel na sasagip sa kumonoy na kinasuungan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD