Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko para ibulalas iyon. Wala sa plano kong ipagtapat dito ang totoo kailan man, ngunit sa oras na ito, wala akong pagpipilian.
Matagal na tila naestatwa si Edward sa kinatatayuan nito. Nakatitig lamang ito sa akin. Madaming emosyon ang nagsalit salitan sa gwapo nitong mukha.
"What?"
Iyon lamang ang nasambit nito na bakas pa rin ang pagkalito.
"Wala akong planong guluhin ang buhay mo sa kabila ng mga nagawa mo sa akin. Pero ikaw lang ang tanging pag-asa ng anak ko."
Tuluyan nang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Oo ganito ako kadesperada. Anong magagawa ko, nanay ako. Wala sa lugar ang pride o hiya o galit. Tumayo ako mula sa silyang inuukupa ko at lumapit sa lalaki upang makaharap ito.
"Nagmamakaawa ako sayo, tulungan mo ako. Pangako, mawawala kami ng anak ko pagkatapos nito. Hindi na kami kailan man muling magpaparamdam sayo o sainyo ng pamilya mo."
Lalong naningkit ang mata nito. Ngayon bakas na ang galit doon. Hindi ito nagsalita ngunit humakbang ito papalapit sa akin. May takot ang nabuhay sa dibdib ko. Wala sa loob na napaatras ako.
"Why didn't you tell me? Why just now?!"
Halos magimbal ako sa lakas ng boses nito habang nag-iigting ang mga bagang nito dahil tinitimping galit. Teka lang, bakit parang kasalanan ko, diba ito ang nang-iwan noon?
"Dapat ko ba talagang sabihin sayo? Iniwan mo ako noon nang walang kahit anong paliwanag mula sayo! Baka lang nakakalimutan mo."
"And that gave you the right to keep my child from me? That child is mine as well, I have every right to know regardless of our situation back then because I'm the father!"
Halos mayanig ang pagkatao ko sa sobrang lakas ng boses nito. Naglalabasan din ang litid nito sa leeg sa sobrang galit.
Nanlalaki ang mata ko sa mga sinasabi nito. Seryoso ba ito? Hindi ako makapaniwala na pinapalabas pa nito na ako pa ang nagkasala!
"Talaga lang huh? Nagpakasal ka sa ibang babae habang buntis ako, nangibang bansa ka na parang wala kang ginawang kababuyan sa akin, sa tingin mo hahabulin pa kita? Nang iwan mo ako, naging maliwanag sa akin ang lahat. Na wala kang kwentang tao!"
Kung galit ito, mas galit ako! Ang kapal talaga ng mukha nito.
"Well, everything will change now-"
Ring mula sa cellphone ko ang nakapagpatigil sa pagsasalita nito. Agad kong sinagot iyon nang makitang si Michael ang tumatawag. May kabang bumangon sa loob ko.
"Hello? Anong problema?"
Lalo akong kinabahan ng maulinlingan ko ang tila kumosyon nangyayari sa lugar kung nasaan si Michael.
"Anna, we'll take Lily to the hospital, she's experiencing short breathing."
"Ano?! Saang ospital?"
Nang binanggit nito ang ospital kung saan dinala si Lily. Agad akong nagpaalam kay Michael at tinapos na ang tawag. Agad kong kinuha ang bag ko upang umalis. Nanlabo na lahat nang nangyayari sa utak ko. Tanging pag-aalala na lang para sa anak ko ang naroon.
"What happen?"
Salubong ang kilay na usisa ni Edward na nakalimutan ko na ang presensya.
"Nasa ospital si Lily. Kailangan ako ng anak ko."
Natatarantang turan ko.
"Where is it? Let me get my key."
Agad nitong tinungo ang mesa nito at may dinampot na kung ano.
"Let's go."
Turan nito sa akin.
"Saan ka pupunta?"
Naguguluhang tanong ko dito.
"'My child' is in the hospital, you don't expect me to just wait here, do you?"
Pinakadiinan nito ang pagsambit sa 'my child'. Ni hindi ko pa binabanggit ang pangngalan ng anak ko dito, pero tila inassume na nito na si Lily ang tinutukoy ko. Wala na akong oras makipag talo pa dito. Kaya binigay ko na lamang ang address ng ospital at hinayaan ito sa gusto nito.
Nang makababa kami sa building ng kompanya nito, nakahada na sa entrance ang kotse nito. May isang lalaking nakatayo doon na hula ko ay driver nito.
"I'm driving." turan nito sa driver nito. Binuksan muna nito ang passenger seat at inantay na makalulan ako bago ito lumigid sa driver's seat. Agad nitong inistart ang sasakyan saka tahimik na pinaarangkada iyon.
Halos takbuhin ko ang entrance ng ospital. Habang tahimik na nakasunod lang sa akin si Edward. Agad akong nag tungo sa information desk upang alamin ang room number ni Lily.
Naabutan ko sa kwarto si Lily na inoobserbahan ng doctor at nurse habang hawak ni Michael ang isang kamay ni Lily. Humahangos akong lumapit sa mga ito.
"Baby.."
Mangiyak ngiyak ako nang lumapit sa mga ito. Parang sasabog ang puso ko habang pinagmamasdan ko si Lily na nakahiga sa kamang iyon at walang malay. Hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak ko, Diyos ko!
"Doc kamusta ang anak ko?"
"She's okay now. I already discussed the situation with her father a while ago."
Turan ng doctor at tinapunan ng sulyap si Michael na nakamasid lang sa amin.
"You didn't discuss anything with me. I'm the father."
Lahat ng atensiyon sa loob ng kwartong iyon ay nabaling sa lalaking nakatayo pala sa may pinto. Gustong manlaki ng ulo ko sa mga oras na iyon. Anong gustong palabasin ng bruhong ito?!
"M-Mr. Smith, I'm sorry I didn't know that you're the father. I-I'm really sorry!"
Halata ang pagkagulat sa anyo ng doctor at tila natatarantang nagpaliwanag.
"I'll let it pass this time since you saved my daughter's life but I hope this will be the last time. I want you to prepare everything regarding my daughter's condition right away, doctors from Makati General Hospital will be asking for those any minute from now. I'll have her transfer as soon as her condition stabilized."
Maawtoridad na utos nito.
"Yes, Mr. Smith right away."
Iyon lang at magkasabay ang mga itong lumabas sa silid. Makalipas ang ilang segundo, patakbo akong sumunod kay William. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Bakit ito ang nagdedesisyon nang hindi man lang ako kinukunsulta?! Tuluyan nang nag alsa ang dugo ko.
"Sandali lang naman Edward, bakit ka nagdedesisyon patungkol sa anak ko nang hindi man lang ako kinukunsulta?!"
May kataasan na ang boses ko pero wala akong pakialam. Ako ang nanay ni Lily! Ako ang may karapatan dito. Pahablot kong hinawakan ang braso nito. Tila iritable itong humarap sa akin.
"I want the best services for my daughter. You've been deciding alone for the past years for her, maybe it's just fair that I do it too now don't you think?" puno ng sarkasmong turan pa nito.
"A-ano?"
"Either you like it or not, she'll be transferred there and schedule her operation the earliest possible. With or without your consent!"
"Hindi mo pwedeng gawin iyan, ako ang nanay ni Lily! Legally, hindi ikaw ang tatay ni Lily!"
Ngumisi ito na parang nang-iinsulto.
"Don't try your luck with me Anna. You might just wake up one day that she's not your daughter anymore if you will keep this up with me. You might just have your greatest nightmare. Believe me honey, you'll never win."
Iyon lang at naglakad na ito palabas ng ospital. Para akong nauupos na kandila at humagulgol ng iyak sa corridor ng ospital.