CHAPTER 10 - Indecent Proposal?

1219 Words
Naging napakabilis nang pangyayari sa loob lamang ng isang linggo, naisagawa lahat ng tests kay Lily at Edward. Kung mayroon man magandang nangyari, iyon ay ang kaalamang match si Lily at Edward. Sa susunod na linggo naka schedule ang operasyon ng mga ito. Si Edward ang nag-aayos ng lahat lahat tungkol kay Lily. Lahat ng magagaling na doctor ay nakatutok kay Lily sa ospital sa utos na din si Edward. Mas minabuti kong hayaan na lang ito. Kung ito ang makakabuti kay Lily, then let it be. Ang mahalaga sa akin ngayon ay gagaling na anak ko. "Nanay, kailan po tayo uuwi?" Tanong ni Lily habang nag-aagahan. Ilang linggo na rin kasi kaming namamalagi sa ospital. Iyon ang binilin ng doctor para mas maobserbahan si Lily. Presidential suite ang kinuha ni Edward kaya naman ayos lang kahit halos doon na kami nakatirang mag-ina. Lahat ng pangangailangan namin ay naroon na. Madalas dumaan dito si Edward ngunit hindi pa namin naipagtatapat ang lahat dahil na rin sa mahigpit na bilin ng mga doctor. Hanggat maaari, bawal makaranas ng sobrang emosyon si Lily. Masuyo kong hinaplos ang kaniyang buhok.  "Kapag magaling ka na anak. At malapit na yun. Kaya dapat galingan mo okay?" "Pero natatakot ako nanay." May malamig na bagay ang humaplos sa puso ko.  "Di ba nag pipray tayo lagi kay Jesus?" Isang tango lang ang sinagot nito. "Oh kaya wag kanang matakot kasi ipoprotect ka ni Jesus. Tsaka nandito lang kami nila Tita Mich and Tito Michael." "Promise nanay?" Inilahad nito sa akin ang hinliliit niya. Agad ko naman iyong tinanggap. "Promise."   "Anna you have to relax okay?" Hindi ako mapakali, tatlong oras nang nakasalang sa operating room si Lily pero wala pa ring lumalabas na doctor sa operating room. Hindi ko maiwasang mag-alala. "Mitch natatakot ako." "I know and we understand, but all we can do is wait and pray that everything will be fine. C'mon sit here with us." Nagpatangay ako kay Mitch at muling umupo sa benches na naroon. Isang oras pa ang lumipas nang lumabas ang mga doctor. Humahangos akong sumalubong sa mga ito habang nakasunod si Mitch at Michael. "Doc, kamusta po ang operasyon?" "You don't have to worry now. The operation is successful. They just have to rest and recover for weeks here for monitoring." "Thank you Doc!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Parang nabunutan ako ng malaking tinik na matagal nang nagpapahirap sa akin. "No problem. Please excuse us first." Magalang na nagpaalam ang doctor bago umalis. Agad akong bumaling kay Mitch at Michael. "Narinig nyo? Okay na si Lily! Maraming salamat!" Niyakap ko ang dalawa sa sobrang tuwa. Muling bumuhos ang aking luha, pero ngayon, dahil sa sobrang saya! "I told you, everything will be fine." Isang marahang pisil sa kamay ang ginawa ni Michael sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat kung wala ang mga ito sa buhay ko. "Maraming salamat!" Sa loob ng dalawang linggo, binantayan ko si Lily sa ospital nagleave muna ako sa trabaho ko kay Michael. Naging maganda ang kaniyang recovery. Habang si Edward ay nakauwi na umano tatlong araw matapos ang operasyon nito. Sa nakaraang linggo, hindi nagparamdam sa amin si Edward ngunit naroon palagi ang assistant nito para sa lahat ng aming pangangailangan. Kaya nagulat pa ako nang isang umagaý biglang lumitaw sa pinto si William. Napakapormal ng suot nito kaya hula koý dumaan lamang ito dito  bago pumasok sa trabaho. "You won't invite me in?" Seryosong tanong nito sa akin.  "Pasok ka." Linuwagan ko ang pinto at hinayaan ko siyang makapasok. Kasunod nito ang assistant nito na madami na namang bitbit na paperbags. Panigurong kung ano ano na namang gamit iyon para kay Lily. Dumiretso ito sa kama kung saan natutulog pa si Lily yakap yakap ang regalo nitong stuffed toy. Lumambot ang mukha nito pagkakita sa bata. Walang magdududa na mag-ama ang mga ito. Kamukhang kamukha ni Edward si Lily. Masuyo itong umupo sa kama at kinintalan nang magaang halik ang noo ni Lily. Ilang segundo muna nitong pinagmasdan si Lily saka bumaling sa akin. "Let's talk." Iyon lang at nagpatiuna nang nagtungo sa visitor's lounge ng kwarto. Tahimik akong sumunod dito. Prente itong umupo sa couch. Inukupa ko naman ang couch na kaharap ng inuupuan nito. Bakit kaya ito naririto ngayon? Natatakot ba itong malaman ng asawa nito ang tungkol kay Lily? Tumikhim muna ako bago nagsalita. "M-Maraming salamat sa lahat lahat Edward. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mong ito sa amin ng anak ko." Buong sensiridad na panimula ko. Sa di ko malamang dahilan, biglang tumikwas ang isang kilay ng lalaki. "Your daughter? It's my daughter Anna. My daughter too!" Napapantastikuhang napatitig ako sa mukha nito. Anong gustong sabihin nito. Tila nabasa nito ang nasa isip ko, bilang sagot, isang brown envelop ang nilahad nito sa akin. Pinakatitigan ko muna iyon bago nanginginig na inabot.  "A-ano ito?" "Open it." Walang anumang sagot nito. Nanginginig na ang buong katawan ko ngayon. Unti unti kong inilabas ang laman niyon. Positive DNA Patenal Test result, birth certificate kung saan nakalagay na ang pangalan nito bilang ama ni Lily, at kung ano ano pang papel na hindi ko maintindihan. Napatayo ako. "P-para saan ito?" "If you think you can keep Lily away from me again, then you're definitely wrong. Lily will live with me." Deklara nito na tila walang ano man. Na tila ba hindi ang anak ko ang pinag-uusapan namin. Lalong tumindi ang takot sa puso ko. "Hindi mo pwedeng kunin sa akin ang anak ko! K-kailangan ako ni Lily!" Pasigaw na turan ko saka ko itinapon sa mukha nito ang mga dala dala nitong papel. Gustong gusto ko nang kuhanin si Lily mula sa kama at tumakas sa lugar na iyon. "You know I can do it, even in this very instant." muling turan nito. Walang pag-aatubiling mababanaag sa mga mata nito. Naroon ang determinasyon, at alam kong, ngayon pa lang, talo na ako. Kahit ano pang gawin ko, alam ko na wala akong laban dito. Mayaman, maimpluwensiya, at makapangyarihan. Nagawa nito maging legal na magulang ni Lily sa loob ng napakaikling panahon, at ang masaklap pa, wala akong kamalay malay. Sunod sunod na umagos ang luha ko. Daig ko pang sinentensyahanan ng kamatayan sa isiping mawawala ang anak ko. Si Lily ang naging dahilan ng buhay ko sa nagdaang panahon. Kahit napakahirap, kinaya ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala ito.  Dahan dahan akong lumuhod sa harap nito na parang nauupos na kandila. Saka ginagap ang kamay nito na nasa mesa. "Nagmamakaawa ako sayo. Huwag mong gawin 'to. Parang awa mo na. Mamatay ako kapag hindi ko nakasama ang anak ko." Pilit kong hinahanap ang kahit konteng malasakit nito. Baka sakaling maawa ito sa akin. Wala akong pakialam kahit mukha na akong bata na pumapalahaw sa harap nito. Mamamatay ako kapag kinuha nito ang anak ko. Matagal muna nitong pinagmasdan ang aking mukha na tila inaarok ang aking kaloob looban. Blangko ang ekspresyon nito. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip nito. "Well, if you want to be with Lily, we can do something about that honey." Ngumisi ito saka masuyong hinaplos ang buhok ko. Alam kong kung ano man ang nasa isip nitoý hindi maganda ang kakalabasan pero wala akong pagpipilian. "You can always live with us, with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD