Kabanata 7
I always think that life is so cruel. Lagi kasi ang nasa isip ko ay ipapatikim lang sa atin ang panandaliang kasiyahan at pagkatapos noon ay samu't saring pahirap na ang dadalhin nito. But I think I judged too early. I've come to the realization that life is much less cruel kung gagalaw tayo sa kung ano ang plano ng nasa taas sa atin. Hindi naman kasi pag gising mo ay successful kana, kailangan rin na gumalaw para umayon ang tadhana sayo.
“Congratulations, Ms. Constancia. You're hired. We are looking forward to working with you. Welcome to APEX Structure Finance Department.”
I felt a mixed emotion upon hearing the good news. Lima nalang kaming natira ngayon at lahat kami ay nagulat dahil kaming natitira ay kinuha nila. It was a same day result. After namin ma interview for the second phase ay nag come up na rin ng result kung sino ang mga kapasa. Luckily I was one of them.
Walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko sa aking puso. I've been waiting and longing for this. After so many trials and failures. Here I come! Makakatulong na ako kila Inay at Itay!
“Congratulations, Selene! Finally! May trabaho na tayo!” Farah greeted me with enthusiasm.
“Congratulations din sa iyo! Can't wait to work with you.” I greeted her back.
“Ano guys? Kain tayo sa labas celebrate natin tong bagong milestone!” Sabi naman ni Deniece.
“Totoo! Paniguradong pag nagsimula na tayo ay bihira nalang tayo makakain sa labas.” Patutsada naman ni Rica.
“G lang ako mga sis.” Sabi naman ni Jen.
Everyone agreed to eat outside to celebrate our win for today. Napagdesisyunan lamang namin na kumain sa isang malapit na restaurant. Mabuti na lamang at mura lang ang mga pagkain doon, nag worry pa naman ako noong una na baka hindi enough ang pera ko. Hindi naman kasi ako maluho, I always intended my money to something that is important.
We just ordered some regular orders. It's a chicken dish that's good for five people. We also ordered some drinks.
“Mabuti nalang talaga natanggap tayo sa APEX no?” Usal ni Deniece habang kumakain kami.
“True sis! Alam mo ba pangalan ko nang kumpanya ito! Jusko mabuti nalang!” Sabi naman ni Jen.
“Naku grabe din ang higpit nila sa hiring no? Kaya siguro successful ang kumpanya na iyon.” Napahawak pa sa ulo si Rica.
“Ikaw Selene? Bakit sa APEX mo naisipan mag apply?” A sudden question was thrown to me by Farah. Lahat sila na napatingin tuloy sa akin at naghihintay ng aking kasagutan.
I was taken aback. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam sa sarili ko. I was just so lost, hindi ako matanggap tanggap sa ibang kumpanya na pinapasukan ko and APEX is one of my last resort. I have no any concrete reason kung bakit nag apply ako sa kumpanya. Basta ang alam ko lamang ay kailangang kailangan ko ng trabaho.
“Uhm…I think we all have the same reason naman.” I even fake a laugh. Medyo matagal din ang pagsagot ko.
“Hmm… sabagay.” Farah agreed.
Ipinagpatuloy nalang namin ang aming pagkain. Habang kumakain ay nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-ano patungkol sa buhay namin, a little things and informations kumbaga. At ng matapos na kaming kumain ay agad na rin kaming nagpaalam sa isa't isa.
Humiwalay sa amin si Deniece, Rica at Jen dahil iba ang route ng daan nila. Habang kami naman ni Farah ay sabay dahil same way lang naman ang tatahakin namin.
“Kuya dalawa po. Kakasakay lamang po.”
Iniabot ko yung bayad namin ni Farah ng makasakay kami sa jeep. Thankfully ay kaunti lamang ang nakasakay sa loob kaya medyo hindi kami nahirapan ni Farah sa pagsakay.
“Alam mo hindi na ako makapaghintay na ibalita sa mga magulang ko na may trabaho na ako.” Farah dreamily said.
I smiled. Ako din. Paniguradong matutuwa sila Inay at Itay. Dahil sa dinami-dami ng pinagdaanan ko ay nagkaroon na rin ako ng trabaho. Worth it ang pagod sa commute, gastos at iyak sa gabi.
Halos ilang trenta minuto ata ang naibyahe namin bago kami nakarating sa lugar namin. Nanakit na ang aking pang upo dahil kanina pa kami nakaupo, mula nung interview hanggang ngayon ay tila nakaupo na ako.
Tinignan ko ang sarili ko. Maayos pa naman ang aking itsura, hindi ganoon ka hagard. Inilugay ko na rin yung buhok ko na Naka messy bun kanina. Mas bumagay ang link dress ko pag nakalugay ang buhok.
“Hoy diyan kana ha? Salamat for today! See you at work!” Paalam ni Farah bago bumaba ng Jeep.
Kaunting minuto pa ay nakarating na rin ako sa may Sitio namin. Naghanap pa ako ng tricycle dahil medyo madilim na rin, nakakatakot naman maglakad papuntang loob kapag mag isa.
May nadaan pa kaming mga lalaki na nakasandal sa isang black na van sa harap ng isang lumang factory na madadaan tuwing lumalabas sa Sitio namin. Nagtama pa ang tingin namin nung isang lalaki na may salpak na sigarilyo sa bunganga. Agad naman akong nag iwas ng tingin dahil napaka creepy ng tingin niya.
Buti nalang at hindi ako naglakad. Kung ano ano tuloy ang naiisip ko.
“Kuya ito po ang bayad. Salamat po.” Usal ko bago bumaba ng tricycle.
Maglalakad pa ako ng konti para marating ang aming bahay. Mabuti nalang at may ilaw ang daan kaya walang takot sa sistema ko. Isa pa ay sanay na naman ako sa daan na ito.
Ng matanaw ko na ang bahay namin ay sa hindi mawaring dahilang ay biglang umiihip ang malakas na hangin. It sent chills down to my spine. Napapikit ako at biglang may dumapong kung anong kaba sa aking dibdib.
Iwinaglit ko sa aking utak ang mga iniisip at patuloy na naglakad hanggang sa makarating sa harap ng aming munting tahanan.
“Inay! Itay! Nandito na po ako!” Sigaw ko ng makapasok ako sa loob.
Ibinaba ko ang hawak ko na sling bag sa isang bangko sa sala.
“Bakit ba walang ilaw dito?” Nagtatakang tanong ko.
Wala pa ba sila Inay at Itay? Anong oras na rin ah?
“Inay! Itay!” Tawag kong muli ngunit walang sumasagot sa aking tawag.
Napaigtad ako ng bigla akong may narinig na kaluskos. Iniikot ko ang aking paningin sa pag-aakalang pusa lamang ito. Ngunit ng maibaling ko ang paningin ko sa isang parte ng sala ay halos manlumo ako ng makitang nadoon ang Inay at Itay.
Nakatali ang kanilang mga kamay habang nakaupo sa isang silya, magkatalikuran, naka tape ang din ang kanilang mga bunganga. Wala silang malay.
I felt my legs wobble. Tila nawalan ng buto ang buo kong katawan. Wala akong lakas para sumigaw at gumalaw.
I felt teardrops tracing down my cheeks. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Para akong naduwag sa aking nakita.
“Inay… Itay…” It's almost a whisper.
Lalapitan ko na sana ang Inay at Itay ng biglang may isang malakas na kapit ang pumigil sa akin. Napatingin ako sa isang hindi kilalang tao sa aking tabi na ngayon ay hawak-hawak ang kanan kong kamay. He's wearing a mask. Enough for me to not recognize him.
“S-sino ka? A-ano ang kailangan mo sa amin?” I still managed to release some words.
“Amin? Sa mga magulang mo wala. Pero sayo mayroon.”
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay may panyo siyang itinaklob sa aking ilong. Nagpumiglas pa ako at piniit ang hininga ko upang wag lamang maamoy ang hindi kaaya-aya amoy sa panyo.
“f**k! Ang kulit mo ha!”
“Please—” It's the last word I said bago ako sikmuraan ng lalaki.
I lost my consciousness. Ngunit sumisigaw pa rin ang utak ko ng tulong.
Inay… Itay…