Kabanata 10
Third Person's POV
Nagising si Selene na tila para bang namamanhid ang ibang parte ng kanyang katawan. Bagamat gising na ay ramdam pa rin niya ang sakit ng kanyang ulo dahil sa kemikal na ipinaamoy sa kanya dahilan upang mawalan siya ng malay. Dahan dahan niyang inuunat ang katawan niya. Bumaba ang mga tingin niya sa nakatali niyang mga paa. Ramdam niya rin ang higpit ng pagkakatali ng kanyang mga kamay mula sa likuran.
Limitado lamang ang kanyang mga galaw dahil sa pagkakatali ngunit nagawa pa rin niyang umupo sa kama na pinagkakahigaan niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid kung nasaan siya. Puti ang pintura ng kabuuan ng kwarto, may isa pang pinto at mukhang ito ay banyo. Kumpleto sa gamit ang buong silid, mula sa kama na kinauupuan niya hanggang sa sofa, tv, at mga cabinets na lagayan ng gamit.
Nasaisip ni Selene na para siyang nasa isang five star hotel dahil sa sobrang gara ng kwarto. Bago lamang siya nakakita at nakapasok sa ganitong kagandang kwarto. Ngunit kahit gaano pa ito kaganda at hatid pa rin nito ay ang takot sa puso ni Selene. Sapagkat sa hindi pamilyar na kwarto na ito ay dito siya dinala ng walang awang dumukot sa kanya mula sa kanilang bahay.
Agad na tumulo ang luha ni Selene ng maalala ang nangyari. Higit siya na nagaalala sa kalagayan ng kanyang mga magulang. Iniisip niya kung ayos lamang ba ang mga ito at kung hinahanap siya ng kanyang Inay at Itay. Wala siyang magawa. Gusto niyang tawagan ang mga ito ngunit wala ang kanyang cellphone, tanging ang sarili niya lamang ang bitbit ng kidnapper.
Nanlumo nalamang siya sa kanyang kinauupuan at napatungo habang patuloy na umaagos ang kanyang luha. Ngunit habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata ay biglang tumunog ang door knob ng kwarto, isang hudyat na may tao sa labas. Agad na napatingin si Selene sa pintuan at ng bumukas ito ay laking gulat niya ng iluwa nito ang isang pamilyar na imahen ng isang lalaki.
“You're awake.” Ani ng lalaki sa baritonong boses. “Zach should know about this.”
It was the guy before na nakabanggaan niya sa kumpanya ng APEX Structure. Ito yung lalaking may mga pares ng kulay abong mata. Ngayon ay nasa harapan na niya ito.
“S-sir nasaan ho ako? P-pakawalan niyo po ako… please… kailangan ako ng mga magulang ko.” Selene wept tears as she begged him to free her.
Ngunit ngumisi lamang ang lalaki sa kanyang harapan at pinantayan ang kanyang mukha.
“I'm so sorry, miss. I just did my job. Hindi ako ang dapat mong pakiusapan.” Sabi ng lalaki.
“Ibig sabihin ikaw ang kumidnap sa akin? Hayop ka! Demonyo! Wala kang awa!” Singhal ni Selene sa lalaki habang umiiyak pa rin.
“Well I'm really the one who kidnapped you, but I'm not the one who ordered it.” Pagpapaliwanag ng lalaki na ngayon ay inayos ng tayo.
Akmang aalis na ito ngunit nagsalita muli si Selene.
“Nasaan ang mga magulang ko!? Wala naman kayong ginawa sa kanila diba!?” Tanong ni Selene. “Sagutin mo ako!”
Muling bumaling ang lalaki kay Selene na ngayon ay mukhang kawawa.
“Wala nang kinalaman ang mga magulang mo dito kaya wag kang mag alala. Tanging ikaw lamang ang kailangan niya.” Sabi nito.
“Sinong siya?! Sino ba talaga ang nag padukot sa akin?!” Tanong muli ni Selene.
Ngunit bago pa ito masagot ng lalaki ay agad na may dumating na isang armadong tauhan at lumapit sa lalaki.
“Tawagan mo si Zach at sabihin mong gising na siya.” Utos nito sa tauhang lalaki na armado.
“Masusunod Boss Clint.” Sabi ng tauhan bago umalis sa kwarto.
Pinukulan muna ng tingin ni Clint ang babae bago nito nilisan ang silid kung nasaan si Selene. Naiwan na naman si Selene sa kwarto na ngayon ay umiiyak muli.
Patuloy na umiikot sa isipan ni Selene ang sinabi ni Clint. Tinatanong niya ang hangin kung sino ang nagpadukot sa kanya, at ano ang intensyon nito para gawin ito sa kanya. Para na siyang mababaliw sa kakaisip, hindi na alam ni Selene ang gagawin. Isa lamang siyang hamak na babae at wala siyang kakayanang nakakawala sa ganitong estado niya.
Tila pinupukpok ang puso niya tuwing iniisip niya ang mga maaring mangyari. Paano kung patayin siya? Paano kung pahirapan siya? Paano na ang mga magulang niya kung magkataon. Paano na niya matutulungan ang mga magulang sa problemang kinahaharap nila?
Lunod na lunod siya sa kanyang iniisip ng biglang tumunog muli ang doorknob at iniluwa nito ang dalawang babae na nakabihis ng pang katulong. May dala itong mga pagkain at mga bagong damit. Inilapag nila ang mga ito sa side table.
“Mga Ate. Tulungan niyo po ako! Please! Nagmamakaawa po ako! Pakawalan niyo po ako dito.” Pagmamakaawa ni Selene sa mga katulong.
“Judith tandaan mo bawal mong kausapin o sagutin ang mga katanungan niya kundi lagot tayo kay Sir.” Rinig ni Selene ang bulong ng isang katulong.
“Oo, Ate Fany. Ayaw ko namang malagot kay Sir noh.” Sagot naman nung Judith sa payo ng nagngangalang Fany.
“Oh sige iiwan na kita dito, pagkatapos mo siyang pakainin lumabas ka kaagad.” Sabi nung Fany bago nilisan ang kwarto.
Si Selene at ang katulong nalang na si Judith ang naiwan sa kwarto. Agad na gumalaw si Judith at kinuha ang pagkain. Wala lamang itong imik at tila hindi naririnig ang mga pakiusap ni Selene.
“Ate please… maawa kana… kailangan ko makita ang mga magulang ko…” Muling pagmamakaawa ni Selene ngunit hindi pa rin siya iniimik ng katulong.
“Ate… please…”
Napapikit naman ang katulong dahil sa kanina pang pagmamakaawa ni Selene. Mukhang hindi na rin ito makatiis at ibinaba ang hawan na pinggan bago hinarap si Selene. Seryoso ang mukha ng katulong.
“Kahit anong pakiusap ang gawin mo ay isang hamak na tao lang din ako. Walang akong magagawa na tulong sa iyo. Kung ako sayo ay tumahimik ka nalang at wala kang takas kay Sir Zach dahil makapangyarihan iyon. Wala pang nakakatakas sa kanya na hindi muna dumadaan sa hukay. Ibig sabihin wala ka na talagang takas. Kaya kung ako sayo magpapakabait ako.” Usal ng katulong. “Kumain kana at dadating na rin si Sir Zach.”
“Sino ba iyang Zach na iyan? At bakit ba niya ginagawa ito?” Tanong muli ni Selene.
“Talagang hindi mo siya kilala?” Kuryosong tanong ng katulong.
Tumango lamang si Selene.
“Imposibleng hindi mo siya kilala. Siya ang kaisa-isang anak ng mga Hidalgo. Siya rin ang namamahala sa kanilang kumpanya. Makapangyarihan siya at kaya niyang gawin ang lahat, katulad nalamang ng nangyari sayo, ng hindi nahuhuli ng mga pulis.”
Tila binalot ng takot ang buong sistema ni Selene ng marinig niya ang isang rebelasyon. Nanginginig ang buong katawan niya ng malamang isang Hidalgo ang nagpadukot sa kanya. Hindi lamang ito simpleng pagdukot lamang sapagkat ang totoo ay may iba pang pakay. Hindi namalayan ni Selene na may tumutulong luha na mula sa kanyang namumugtong mga mata.
“Miss kumain kana at magpapalit ka pa ng iyong damit. Baka maabutan pa tayo ni Sir. Parehas tayong malalagot.” Usal ng katulong.
“Iwanan mo nalang ako. Ayoko kumain.” Usal ni Selene.
“Pero—”
“Ayoko nga kumain! Lumabas kana!” Pasigaw na utos ni Selene.
“Miss wag na po kayong makulit, kayo rin ang malalagot kay Sir eh.” Natatarantang sabi ng katulong.
“Wala akong pake sa Sir mo! Lumabas kana!” Sigaw muli ni Selene.
“Miss please kuma—”
“Let her. Ilabas mo ang pagkain at iwan mo kami.”
Hindi na natapos ng katulong ang kanyang sasabihin ng biglang may isang baritonong boses ang sumingit. Tumambad sa harapan ni Selene ang pigurang pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang lalaking nagsungit sa kanya. Nagtataka si Selene kung ano ang ginagawa niya dito?
“Sir Zach pasensya na po. Mauna na po ako.” Paalam ng katulong bago lumabas ng silid at isinarado ang pinto.
Napaawang ang bibig ni Selene ng mapagtanto na ang lalaki sa harapan niya ngayon na matiim at madilim na nakatingin sa kanya ay ang taong nagpadukot sa kanya at parte ng pamilyang Hidalgo na pinagkakautangan ng pamilya niya. Mabuti ang lalamunan ni Selene dahil sa takot. Ramdam niya rin ang lamig ng kanyang katawan.
“I-Ikaw si Zach? I-ikaw ang nagpadukot sa akin?” Tila pabulong na tanong ni Selene kay Zach na ngayon ay unti-unting lumalapit sa kanya. Ramdam niya ang takot dahil dito.
“It's good that you already know.” Malamig na sabi ni Zach.
Ng makarating si Zach sa harapan ni Selene ay hinawakan nito ang dalaga sa panga nito at tiningala sa kanya. Nagpupumiglas pa ang babae ngunit wala ito sa lakas ni Zach.
“A-anong kailangan mo sa a-akin?” Nauutal na tanong ni Selene.
Napangiti naman si Zach ng sarkastiko. At tila hindi makapaniwala na itinanong pa ito ng babae.
“I thought you already figured it out? Selene.” Sambit nito.
Binitawan siya ni Zach at bahagyang naglakad papalayo sa kanya habang nakapamulsa.
“Pakawalan mo ako! Hayop ka!” Lakas loob na sigaw ni Selene kay Zach ngunit hindi natinag ang lalaki.
“Isn't that unfair kung papakawalan kita ng hindi pa nababayaran ang utang ng pamilya mo?” Rebat ni Zach kay Selene.
“Babayaran naman namin ang utang! Ang nais lamang namin ang mahabang palugit! Babayaran ka namin!” Sigaw ni Selene.
Zach scoffed. “Really? Ang kapal naman ata ng mukha mo para humingi pa ng palugit? Ilang taon na ang utang niyo. Hindi pa ba sapat na palugit iyon?”
“Ngunit bakit kailangan mo pa akong kidnapin?!” Tanong ni Selene.
Humarap si Zach kay Selene na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
“I've thought that your family has no capability to pay for the debt. Ayoko naman maghintay sa wala. Kaya napag-isipan ko na… paano kaya kung ikaw nalang ang maging kabayaran?” Sabi ni Zach sabay halakhak na akala mo ay nakatutuwa ang sinabi niya.
“Hayop ka! Demonyo! Isusumbong kita sa mga awtoridad!” Pananakot ni Selene dito.
“Really? What if magsusumbong ka tapos ako naman papatayin ko ang mga magulang mo? Isn't that fun? Selene?” A devil grin plastered on Zach's face.
“Hayop ka! Layuan mo ang mga magulang ko! Gawin mo na ang gusto mong gawin sa akin wag mo lang silang gagalawin!” Selene hysterically shouted.
“That's the plan.” Usal ni Zach at dahan-dahang lumapit muli kay Selene. Napaatras naman ang babae at napasandal sa headboard ng kama.
Hinaplos-haplos ni Zach ang pisngi ni Selene na ngayon ay basang basa ng luha.
“Since your family cannot pay for your debt, ikaw ang magbabayad nito. At kung gusto mong humaba pa ang oras na lalagiin ng magulang mo dito sa mundo ay susunod ka sa mga utos ko, kung hindi alam mo na ang mangyayari.”
Dumampi ang amoy menthol na hininga ni Zach sa mukha ni Selene dahilan para mapapikit ang dalaga.
Lumayo ang binata at tumayo ng maayos.
“Take your rest. Simula bukas ay sisimulan mo na ang trabaho mo para sa akin. Iyon ang magiging kabayaran niyo sa utang niyo.” Usal nito.
“A-anong trabaho?” Tanong ni Selene sa binata.
“Stop asking, naririndi ako sayo! You'll know tomorrow. I'll ready the contract just to be sure, lahat ng conditions at rules ay naroon.” Masungit na singhal ni Zach. “Once you signed the contract wala ka nang kawala sa akin, at kahit hindi mo naman pirmahan, you're already under my wrath, so technically you don't have a choice. Selene.”
Pagkatapos sabihin iyon ng binata at nilisan nito ang silid at tanging si Selene nalamang ang naiwan sa loob kasama ang pagkalito, takot at panibugho.