Kabanata 11

1367 Words
Kabanata 11 Selene Amerie Constancia POV Selene Amerie Constancia POV “Tulong! May tao ba sa labas! Tulungan niyo ako dito! Palabasin niyo ako!” Kahit anong gawin kong sigaw ay walang ni Isang tao ang rumeresponde sa mga tawag ko. Napasalampak nalamang ako sa harapan ng pintuan, nakatali ang aking mga kamay kaya wala akong kakayanan na gumawa ng dagdag ingay upang makahingi ng tulong. Hinalughog ko na ang buong kwarto, mula sa bintana at iba pang posibleng pagkatakasan ngunit ang lahat ng ito ay sarado. Halos ilang oras na rin akong nakakulong sa loob ng kwarto na ito matapos akong kidnapin ng hindi makilalang mga lalaki. Madilim sa loob at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang pumapasok sa loob ngunit hindi ito sapat upang makita ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko makita ang aking paligid kaya naman mas lalong namuo ang takot sa loob ko. Ang tanging naaalala ko nalamang ay walang malay si Inay at Itay ng abutan ko sila sa bahay habang ako naman ay napasakamay ng lalaking nagpaamoy sa aking kemikal dahilan upang makatulog ako ng panandalian. Hindi kalaunan habang nasa byahe ay nagkaroon ako ng malay. Tumambad sa akin ang limang lalaki na armado. Kumilos sa sistema ko ang kaba dahilan para nagwala at sumigaw ako sa sasakayan. “Victor! Shut that girl up! Napakaingay!” Utos ng isang lalaki na nasa shut gun seat. Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay agad na tinakpan ng lalaking nag ngangalang Victor ng panyo ang aking mukha at muli akong nawalan ng ulirat. Nagising nalamang ako sa loob ng silid na ito. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong pakay ng mga tao na kumidnap sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na baka ito na ang katapusan ng buhay ko, ngunit kailangan ko mag pagkatatag. Nilibot ko ang buong kwarto nagbabakasakali na kahit papaano ay makagawa ng paraan upang makatakas sa lagim na ito. Kinapa ko ang bawat cabinet, kinapa ko na rin ang ilalim ng kama ngunit wala pa rin akong nagawa. Madilim na madilim ang bawat sulok ng kwarto, sumabay pa ito sa dilim ng aking nararamdaman. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng paraan upang makatakas ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang pigura ng isang armadong lalaki. “Kumain ka na—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong tumakbo palabas ng kwarto. Narinig ko ang sigaw nito at hindi ko na ito pinansin at diretso lamang ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa hagdan. Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na bahay, hindi lamang ito bahay kundi isang magarang mansyon. Kahit nanghihina ay sinubukan ko na bumaba sa pagkahaba-haba na hagdan. Ngunit hindi pa ako nakakalahati ng baitang ay may dalawa nang armadong lalaki ang kumorner sa akin at hinawakan ako sa magkabilang bisig. “Bitawan niyo ako! Pakawala—” As I lost my words. I also lost my consciousness. Naramdaman ko rin ang pag angat ng aking katawan, hudyat na may bumuwat sa akin at pagkatapos noon ay tuluyan nang pumikit ang talukap ng aking mga mata. Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at habol ang hininga habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa masamang panaginip. Nanumbalik ang eksena ng pagkidnap sa akin noong gabing kararating ko pa lamang galing sa paghahanap ng trabaho. Napahilamos ako sa aking mukha upang mahimasmasan ang aking buong sistema. Segundo pa ang natapos bago ko mapansin na wala nang tali ang aking mga kamay at maging ang aking mga paa. Muli kong iniikot ang aking paningin kung saan ako naroroon ngunit iyon pa rin ang lugar na kinalalagyan ko. Ang kwarto kung saan nakilala ko ang taong nagpadukot sa akin. Umaga na naman at ito ang pangalawang araw na nandito ako sa loob ng kwarto na ito. Ngayong araw ang araw na makikita ko muli ang mukha ni Zach. Ang lalaking walang awang nagpadukot sa akin. Tumayo ako at nilibot muli ang buong kwarto. Una ko itong napagmasdan kahapon ng magkaroon na ako ng ulirat at malaman ang pakay ng Zach na iyon sa akin. Sa sobrang dilim kasi noong unang gabi ko sa loob nito ay tanging ang konting ilaw na lumulusot sa bintana ang aking nakikita. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Inayos ko ang gulo kong buhok. Nakakita rin ako na mukhang bagong sipilyo at ginamit na ito. Masama na ang amoy ng aking hininga kaya wala nang oras para mag inarte. Ng matapos ako sa pagaayos ay lumabas ako. Naabutan ko na mayroon nang pagkain na nakahanda sa may side table. May damit muling bago na nakahanda dito. Hindi ko kasi nakain ang pagkain na dinala dito kahapon maging ang damit ay hindi ko nagamit dahil sa sobrang buhos ng emosyon. Kanina habang nag-aayos ay nilalaro ng isip ko ang buong pagkatao ko na tumakas muli ngunit nahimasmasan lamang ng marinig ko ang boses ni Zach. Alam kong wala akong laban, at kung nais ko na mabuhay ang aking mga magulang ay kailangan kong sundin ang utos niya. Hindi ko kayang may mangyari na masama kay Inay at Itay. Iwinaglit ko ang mga iniisip ko at magsisimula na sanang kumain ng biglang may kumatok sa pintuan. Napalundag ang puso ko dahil sa kaba. Malakas ang pagkatok nito na akala mo ay gigibain na ang pintuan. Agad ako tumungo sa pintuan at dali-daling binuksan ito at ganoon nalamang ang aking gulat ng tumambad sa akin ang masungit na mukha ni Zach. Nakataas ang kilay nito at bakas sa mga mata nito ang inis. “What the f**k? Nakailang katok na ako ay hindi mo pa binubuksan ang pintuan? Bingi ka ba?” Sunod sunod na bulalas ni Zach sa akin. Napaismid ako. Hindi ko naman alam na iniwan ng katulong na hindi nakakando ang pintuan sa labas. Kung alam ko lang hindi sana ay binuksan ko na kanina pa. “Kakatok ka pa eh hindi ba sa iyo namang bahay ito? At isa pa nasa iyo ang susi ng kandado sa labas ng pinto.” Bulalas ko rin sa kanya. “Sumasagot ka pa? Ang lakas ng loob mong babae ka?” “Tsk. Anong kailangan mo?” Masungit na tanong ko dito na akala mo ay hindi delikadong lalaki ang kaharap ko. I saw him scan my whole body. Tumigil ito sa bandang gitna ng aking katawan. I saw how his eyes gloom at kung paano agresibong gumalaw ang mga panga nito na akala mo ay nagpipigil. Rinig ko rin ang mabigat na paghinga nito. Napataas ang aking kilay dahil sa inasta ng binata sa aking harapan. Ano bang problema nito? Tinignan ko ang aking itsura at ganoon nalang ang aking gulat ng mapagtanto na labas pala ang aking bra! The sleeve of my dress was slipping down to my shoulder exposing my white bra. Kita din ang maputi at makinis kong mga balikat. Napasinghap ako at agad na inayos ang aking damit. Nakakahiya Selene! Tumikhim ako at muling tumingin kay Zach na ngayon ay naka iwas na ng tingin sa akin. “Ayusin mo na ang sarili mo. I'll wait for you downstairs, nakahanda na ang kontrata. Wag mo na isipin na tumakas dahil wala ka na rin magagawa.” Usal niya na nakaiwas pa rin ng tingin. Ano bang problema nitong lalaki na ito? Aalis na sana siya sa aking harapan when he stopped midway at muling bumaling sa akin. “What the f**k is that smell? Smells like a s**t! The f**k!” Maarteng singhal ng binata bago muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdan. Ng nawala na siya sa aking paningin ay agad kong inamoy ang sarili ko sa pag-aakala na ako ang pinariringgan niya na mabaho. Agad naman akong napatakip ng aking ilong ng mapagtanto na ako ang nangangamoy! s**t! Nakakahiya talaga! Tumakbo ako papunta sa loob at isinarado ang pintuan ng kwarto bago tinapos ang pagkain at naligo. “Hindi naman kailangan sabihin ng malakas! Malamang mabaho na ako hindi ba naman nakaligo ng dalawang araw!” Singhal ko habang kinukoskos ang sarili sa loob ng banyo. “Bakit hindi ba sya bumabaho?” Napairap nalamang ako at nagpatuloy sa pagluto. Ang sama talaga ng ugali mo Zach!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD