Kabanata 12
Selene Amerie Constancia POV
I wore the white dress provided to me after I took a bath. It was just my size and it fits me perfectly. The dress was a mini dress with a sweetheart neckline and puff sleeves. The creamy and soft fabric feels so comfortable in my skin, the sweetheart neckline compliments my delicate collar bones, and the puff sleeves make me look more ethereal. Pero ang pinaka highlight ng dress na suot ko ngayon ay ang bodice nips sa may waist ko, kaya naging visible ang aking hulma.
“Wow. Ngayon lamang ako nakapagsuot ng ganitong dress.” I swayed my body as I looked in the mirror. Admiring my look.
Inilugay ko nalamang ang mahaba kong buhok dahil wala naman akong panali. Mukhang bumagay din naman ito sa aking suot kaya ayos lamang.
At isa pa ay hindi ko na dapat problemahin pa kung ano ang magiging itsura ko sapagkat ang lalaking si Zach lang naman ang makakaharap ko.
Kapag naaalala ko ang mukha niya ay naiinis ako! Hindi na takot ang aking nadarama sapagkat sa sobrang sungit at sa mga indirect judgment niya ay namumuo ang inis ko sa kanya.
Umiling-iling ako para mawala ang imahen ng lalaki sa aking isipan. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin upang masiguradong walang magiging kapintasan na makikita ang lalaking iyon sa akin.
I was in the middle of polishing my look when someone knocked on the door. Agad akong tumayo at dali-daling pinuntahan ang pinto sa pag-aakalang baka si Zach na naman ang kumakatok at magalit na naman kapag hindi napagbuksan ng maaga. Ngunit sa pagkakataong ito ay ang katulong ang bumungad sa akin.
Ito yung katulong na ipinagtabuyan ko last time. Dinapuan tuloy ako ng hiya ng maalala ang aking ginawa. I was so rude that time.
“Miss pinababa na po kayo ni Sir Zach.” Pagpapaalam ng katulong. Si Judith sa pagkakatanda ko.
“Sige bababa na rin ako.” I said and smiled at her.
“Sige po,” Usal niya bago tumalikod para sana umalis.
“Wait, Judith…”
Muling bumaling sa akin si Judith.
“May kailangan pa po ba kayo?” Magalang na tanong nito.
“Wag kana mag opo sa akin, ano ka ba? Parang mag kaedad lang naman tayo.” I let out a laugh.
“Ah… eh… ganoon ba? Sige.” Napakamot pa si Judith sa kanyang ulo.
“Uhm… siya nga pala. Nais ko lang sana manghingi ng pasensya sa nangyari last time. I was out of my mind and hindi ko alam ang ginagawa ko. Pasensya na talaga.” Paghingi ko ng paumanhin.
“Ano ka ba? Ayos lamang iyon. Naiintindihan kita.” Natatawa pang sabi ni Judith.
Nagkausap pa kami ng sandali ng bigla siyang tinawag ng isa pang katulong. Agad naman siyang nagpaalam habang ako naman ay muling naiwan sa kwarto. Inayos ko sa huling sandali ang aking sarili bago tuluyang lumabas sa kwarto.
I scanned the whole surrounding as I stepped out of the room. Ito ang unang pagkakataon na mapagmasdan ang kabuan ng taas ng bahay. It was beautiful. The architecture was exquisite. Para itong palasyo sa middle east at Europe.
Ng makadating ako sa hagdanan ay mas lalo ko pang napagmasdan ang kabuan ng bahay. Kung sa taas ay maganda ang bahay, mas lalo itong maganda sa baba, every furniture and things screams rich. Para kang sinasampal ng kahirapan kung titigan.
Manghang-mangha ako sa kabuuan ng bahay na hindi ko namalayang kusa nang bumababa ang aking mga paa sa bawat baitang ng hagdan. Ng makarating ako sa pinakang baba ay doon ko lamang napagtanto na mayroon na palang dalawang lalaki ang tinatapunan ako ng tingin.
I was so shocked at napaayos ako ng pagkakatayo.
Nakaupo sa sala ngayon si Zach at si Clint. They're drinking something and I think it's a kind of wine. Mayroon din silang kasamahang dalawang lalaki na naka-itim at mukhang mga personal na bantay o empleyado nila ang mga ito.
Tumikhim ako at naglakad papalapit sa kanila.
“Who do you think you are? A princess? Bakit ba ang tagal tagal mong humaba?” Masungit at sunod sunod na tanong ni Zach ng makarating ako sa harapan nila.
“Hey, bro. Easy lang. You're scaring her.” Natatawang suway ni Clint kay Zach. Tinignan ako nito at inirapan ko lamang siya.
Ang kapal naman ng mukha niyang ngitian ako? Hays! Napogian pa ako sa kanya noong una naming pagkikita tapos siya pala ang kidnapper ko! Napaka tarantado.
Natawa nalang si Clint sa inasta ko.
“Ano pa ang hinihintay mo? Tatayo ka lang ba diyan?” I came back to my senses ng muling nagsalita si Zach.
Agad naman akong umupo. The atmosphere was not that wild dahil hindi lang kami ni Zach ang nasa sala. Paniguradong kung kami lang dalawa dito ay dadagain na naman ang aking puso. Napaka sungit kasi niya!
“Dado, where's the contract?” Tanong ni Zach doon sa kalapit niyang lalaki na naka-itim na nagngangalang Dado.
May inabot ito kay Zach na brown envelope at inilapag ito sa lamesa.
Napaisip tuloy ako kung anong gagawin niya sa akin. Gagawin niya ba akong katulong? Aalilain? Kakawawain? Hindi mawaglit sa isip ko ang mga negatibong bagay dahil kung nanaisin naman ni Zach ay kaya niya itong gawin.
“Nasa loob ng envelope na yan ang kontrata.” Saad ni Zach.
Tinulungan ako ni Clint na ilabas ang mga papel sa loob. Hindi ko na inisip pa na pasalamatan siya dahil naiinis at galit pa rin ako sa kanya.
“Every term and rule is indicated there. Make sure to read that before you sign the contract. Iyang kontrata na iyan ang magsisilbing kabayaran sa utang niyo.” Paliwanag ni Zach.
May inabot sa aking ballpen yung tauhan ni Zach. Kinuha ko ito ay ibinaling muli ang atensyon sa papel. Binasa ko ang bawat detalye dito at grabe nalamang ang dismaya ko ng mabasa ang nilalaman nito.
“Seryoso ka ba? Pagtatrabahuhin mo ako bilang sekretarya mo tapos ni isang sentimo wala akong makukuha? Ang lala mo naman?” Reklamo ko without looking at him.
I flipped the next page at nagpatuloy sa pagbabasa.
“Huh! Pati ba naman pakikipag-usap sa mga magulang ko ay bawal? Ano ba namang bagay to? Rules ba to or parusa? Kasi kung oo nakaka-init ng ulo!” Muli kong reklamo. “Tapos titira pa ako sa sa penthouse mo? Ano ka hilo? Ayoko ngang makasama ka sa iisang bubong!”
I heard Clint laugh kaya napabaling ako sa kanila. I saw how Zach jaw dropped because of what I've said earlier. Para bang hindi makapaniwala na sinabi ko iyon.
Napalunok na lamang ako. s**t!
“Nagrereklamo ka ba?” Inis na tanong ni Zach.
Nginitian ko lamang siya at tumungo muli bago pinagpatuloy ang pagbabasa ng kontrata.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Clint na animo'y natutuwa sa eksena sa harapan niya. He's sometimes so unserious!
Tinapos ko ang pagbabasa ng mga detalye sa kontrata. Nakasaad din doon na libre ang bawat pagkain at kakailanganin ko ngunit wala akong matatanggap na kahit anong sahod o makakahawak manlang ng pera. Hindi rin ako allowed na kausapin man lang ang aking mga magulang hanggang sa mabayaran ko na ang lahat ng utang. Kailangan ko ring tumira sa penthouse ni Zach kasama siya.
Labag man sa loob ko ay kailangang ko itong gawin. Alang-alang sa mga magulang ko ay kailangan kong mag sakripisyo. Mas maigi na rin ito kesa naman patayin ako ni Zach. Ayoko mamatay ng hindi nakikita ang aking mga magulang.
He then further explained to me everything. Sinabi niya na kailangan niya ng sekretarya at ako ang naisipan niya dahil nagsasawa na siya sa mga nakukuha ng kanyang Ina para sa kanya na nauuwi lamang sa wala. Gusto niyang pumili ng kanya at timing na ako ang naisip niya. Bawal rin ako makipag-usap sa mga magulang ko upang maiwasan ang ano mang gulo, alam ko na wala siyang tiwala sa akin at baka magsumbong lamang ako. Bibigyan nalamang niya ako ng company phone para sa aking magiging trabaho. At ang pinakahuli na taliwas ako ay ang pagtira ko sa penthouse niya, masyadong nakakailang kung makakasama ko siya ngunit saad niya na mas malapit ito sa kumpanya at maganda iyon dahil sabay naman daw kaming lagi papasok, mas nakakasiguro rin daw siya na hindi ako tatakas.
As if may kakayanan akong takasan siya? Iniisip ko palang na tatakas ako ay nai-imagine ko na ang katawan ko na nakahandusay sa sahig.
It felt so weird, but what can I do? Nasa kanya ang desisyon.
Agad ko na kinuha ang ballpen. Huminga ako ng malalim. Ngunit bago ko pirmahan ang kontrata ay tumingin ako kay Zach na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nag iwas ako ng tingin bago bumaling muli sa kontrata at pinirmahan ito.
Bahala na si Lord!
Inilapag ko ang ballpen at inayos ang mga papel. Tinignan ko si Zach na ngayon ay nakangisi na ng nakakaloko at animo'y satisfied sa aking ginawa.
Agad na tumayo si Zach at dahan-dahang lumapit sa akin.
“Now that you've signed the contract…” he trailed off. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan niya ang aking baba at tiningala ako sa kanya. “You're now mine.”