Kabanata 13

1322 Words
Kabanata 13 Selene Amerie Constancia POV “Siya pala talaga ang anak ng mga Hidalgo…’ Bulong ko habang tinitignan ang mga litrato sa sala ng mansion ni Zach. Baka display doon ang mga litrato niya magmula pa lamang ng bata pa siya hanggang sa maging tagapagmana na siya ng kanilang malaking kumpanya. “Nakita ko na ang litrato na ito ah…” usal ko habang tinitignan ang litrato ni Zach sa isang magazine na nakapatong sa coffee table. Dinampot ko ito at tinitigan ng maigi ang litrato ay nakumpirma na siya nga ang lalaking nakita ko sa isang post sa social media. Hindi ko naman lubos akalain na siya pala ang anak ng mga Hidalgo sapagkat hindi ko naman batid ang tunay niyang ngalan at higit sa lahat ay hindi ko alam ang kanyang pagkakakilanlan. Ang alam ko lamang ang isang siyang masungit, isnabero at pinaglihi sa galit na lalaki na akala mo kung sinong mataas. That was just my thoughts. Because he is capable of doing more, doing anything out of the line. Just like what he did to me. That alone shows how powerful he is. “What are you doing?” Halos mapaigtad ako ng may baritonong boses ang nagsalita sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at ang taas kilay na si Zach ang nakita ko. Judging from his look, mukhang may ibig sabihin ito. “Tinitingnan ko ang mga litrato mo. Hindi ba obvious?” I bluntly said and rolled my eyes. He scoffed. “Then may I know the reason why you are staring at my pictures, miss?” “Bakit? Kailangan ba ng reason para titigan ang mga litrato mo? Ganoon ka na ba kataas?” I shoot him with questions. “Well… reason is not necessary, but I wanna know… baka kinukulam mo na pala ako.” Saad nito na nagpataas ng kilay ko. “Wow? Kung mangkukulam lang ako, hindi ko na kailangan pang kulamin ka dahil hindi tumatalab ang kulam sa mga demonyo.” Patutsada ko kay Zach na ngayon ay tiim bagang na nakatingin sa akin at mukhang asar talo. “You woman! Alam mo talaga kung paano kunin ang inis ko ha!” Asar niyong sabi. Natawa ako. “Asar talo! Ikaw ang nagsimula kaya tinapos ko lang!” “Wow! I love your audacity. Let see kung makaganan ka pa kapag pinahirapan na kita sa trabaho.” Pananakot ni Zach sa akin. Muli akong natawa. “Sige, okay. Diyan ka lang naman magaling, ang magpahirap,” “Say what you want to say, woman. Wala akong pake.” Usal ni Zach na animo'y nang-aasar. Akala niya ay natatamaan ako. “Really? Sige nga? Hmm… Zacharius Valentin Hidalgo asar talo sa isang babae. Wow! What a headline!” I even let an evil laugh para mas maasar siya. “Stop! Damn it!” Inis na sigaw nito kaya napatigil ako sa pagtawa. “Isa mo pang salita ay ipapakain kita sa mga leon ko!” Napapikit naman ako sa sinabi niya at ang kaninang nang-aasar na mukha ay napuno ng takot at pangamba. Leon ang pinaka kinatatakutan ko na hayop! s**t! “Leon?! Gago ka ba? Bakit may alaga lang leon dito!” I hissed. “Pag sinabi ko bang meron maniniwala ka? Hmm.” Taas kilay na tanong ni Zach. I scoffed. “Malamang gago ka ba? Alam ko naman na kaya mong bumili at mag alaga ng ganoong hayop kung gugustuhin mo! Tarantado ka takot ako doon!” After I said that, he burst into laughter. Napahawak pa ito sa kanyang tiyan sa sobrang tawa at naubo pa. Habang ako naman ay nakatayo at naguguluhan sa inaasal ni Zach. Parang baliw! “Bakit ka ba tumatawa? Anong nakakatawa?” Pasigaw na tanong ko. “If you can just see your face you'll definitely laugh too! You look so stupid for believing na mayroon akong alagang leon!” Natatawa pang saad nito. I scoffed in disbelief. Hayop talaga itong Zach na ito! Nang-aasar lamang pala! Humanda ka sa aking hayop ka! “Che! Bahala ka na nga diyan! Katukin mo nalamang ako sa aking kwarto kung aalis na tayo! Bwisit!” Naiinis na bilin ko bago umakyat papunta sa kwarto kung saan niya ako ipinakulong. “Hey where are you going! I thought we were not done yet!” Nanunudyong sigaw pa nito. Hindi ko nalamang pinansin at padabog na sinara ang pinto. Hindi lang pala masungit at isnabero! Saltikin din! Hayop na iyan, seryoso bang mag ta-trabaho ako sa lalaking iyon? Bukod sa magiging impiyerno ang buhay ko ay mukhang mawawala rin ako sa sarili dahil sa halo halo at hindi niya maintindihang ugali! Inihagis ko nalamang ang sarili ko sa kama at humiga para magpalamig ng ulo. Kung saan saan humihilig ang ulo ko dahil sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay ang mukha ni Zach na nang-aasar ang nakikita ko. “Arghhh!” I shouted, frustrated. Dumapa ako sa kama at sinubukan muling ipikit ang mga mata. Nagpasalamat nalamang ako dahil dinalaw ako ng antok at nakaidlip ako saglit, nagising nalamang ako na alas tres na pala ng hapon. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa sala ngunit walang tao, kaya napagdesisyunan ko na pumunta nalamang sa kusina. Habang naglalakad ay nadaanan ko pa si Zach at Clint na nag-uusap sa may garden area. Umirap lamang ako ng makita ko silang dalawa na kinaiinisan ko bago nagpatuloy sa pagpunta sa kusina. “Hello, Judith. May maitutulong ba ako?” Tanong ko ng makita si Judith na naglilinis ng kusina. “Oh! Selene gising ka na pala! Ano ka ba ayos lamang ako dito, umupo ka nalamang diyan at manood.” Wika ni Judith habang nagpupunas ng countertop. “Sure ka?” Panigurado ko. “Oo naman, trabaho ko to at hindi ko kailangan ipasa ito sa iba kaya chill ka lang diyan.” Sagot ni Judith. Tumango nalamang ako at umupo sa isang high chair at pinanood si Judith na maglinis ng kusina. Kahit na gaanong kakati ang kamay ko na tumulong ay nanatili nalamang akong nakaupo, hindi kasi ako sanay na walang ginagawa dahil sa bahay namin ay lagi akong kumikilos. Bigla ko tuloy namiss si Inay at Itay. Kumusta na kaya sila? “Siya nga pala Judith? Nasaan nga pala yung isang katulong na kasama mo noong una kitang nakita? Absent ba siya ngayon?” Tanong ko upang mawala sa isip ko ang pagkamiss kay Inay at Itay. “Ah si Ate Fany ba? Naku hindi talaga kay Sir nagtatrabaho iyon kundi sa ina ni Sir. Kaya lang naman nagawi iyon dito ay may ipinadala ang Nanay ni Sir at napag-utusan lamang siya na samahan ako magdala ng pagkain at damit para sa iyo.” Paliwanag ni Judith sa akin. “Ibig sabihin ay ikaw lamang ang katulong sa mansion na ito? Napakalaki naman nito kung ikaw lamang ang nagtatrabaho.” Manghang sabi ko. “Ayaw kasi ni Sir na maraming tao dito, bukod kasi sa ayaw niya ng maraming tao dito ay minsan lamang siya umuwi dito simula noong naghiwalay sila ng ex-girlfriend niyang si Crizhna.” Sambit ni Judith na nagpataas ng aking kilay. May ex pala ang mokong? Mabuti at may nagkagusto pa sa kanya. Himala. “May ex pala siya?” “Oo naman, tsaka first love niya si Miss Crizhna, lagi niya nga dinadala dito yun eh, ewan ko lamang kung ano ang dahilan kung bakit naghiwalay sila. Wala namang balita tungkol doon kahit na sikat si Sir.” Muling saad ni Judith. Napatango nalamang ako sa mga nalaman. Kahit ganoon naman pala ay hindi naging boring ang buhay ni Zach, may love life naman pala. Kaso nga lang mukhang hindi nakatiis ang babae at hiniwalayan siya, kahit ako naman kung ako ang jowa niya unang araw palang break agad. Natawa nalang ako sa iniisip ko at pinanood nalang si Judith na maglinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD