Kabanata 14

1314 Words
Kabanata 14 “Judith. Huwag mo kakalimutang linisin ang buong mansion. Tumawag ka lamang kay Dado kung mauubusan ka na ng grocery dito upang mapadalhan kita.” Napataas ang aking kilay habang nasa tabi ni Zach. Nandito kami ngayon sa labas ng pintuan ng mansyon dahil ngayon din ang alis namin papunta sa penthouse ni Zach na magiging boss ko na rin sa mga susunod na araw. “Noted po sir! Mag iingat po kayo ni Selene!” Masiglang saad ni Judith. Tumango lamang si Zach kay Judith bago tumalikod at naglakad papunta sa main gate kung saan naghahantay ang kotseng sasakyan namin papunta sa penthouse ni Zach. Agad naman akong sumunod kay Zach at sinabayan ang malalaki niyang mga hakbang. “Ano pa ang tinitingin-tingin mo? Sumakay ka na.” Utos ni Zach. “Seryoso ka ba na paglilinisin mo si Judith ng buong mansyon mo? Mag isa lang siya eh halos tila mall na yung bahay mo!” Singhal ko kay Zach. “That's none of your business woman. At isa pa ay wala namang masyadong nililinis sa bahay ko kaya paniguradong hindi siya mapapagod.” Masungit na saad ni Zach. “Kaya sumakay ka na at wag ka na mag-inarte.” Napairap naman ako sa sinabi niya at agad na sumakay sa backseat. Sumalampak ako doon habang tinitignan si Zach na umikot at umupo sa shotgun seat. Nagulat pa ako dahil biglang pumasok ang tauhan ni Zach na si Dado at lumapit sa akin bago sumunod na dumating si Clint at sumakay sa driver seat dahil siya pala ang mag ddrive ng sasakyan. “Hey, Selene! Kumusta?” Nakangiting bati ni Clint sa akin habang nakatingin doon sa salamin sa unahan. “Ayos lang.” Snob na sagot ko. “Ano pa ang hinihintay mo? Mag drive ka na at baka gabihin pa tayo!” Singhal naman ni Zach sa tabi ni Clint. “Yes boss! Masyado ka namang mainipin ito na aalis na tayo!” Pamimilosopo ni Clint kay Zach bago pinaandar ang sasakyan. Nakasilip lamang ako sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Panay pa ang tingin sa akin ng tauhan ni Zach na nasa tabi ko na akala mo ay tatalon ako sa sasakyan at tatakas. Hindi ko nalamang pinansin at pinagpatuloy ang pagsesenti. Tinitignan ko ang bawat building na nadadaan namin, manghang-mangha pa ako sapagkat iba’t iba ang disenyo ng mga building at aakalain mo na nasa ibang bansa ka. Nakakatuwa rin tignan ang mga taong nag lalakad at ang iba pa ay mukhang nag gagala. Tunay nga na kapag nasa siyudad ka ay ibang-iba ang buhay. Kahit anong oras ay buhay na buhay ang paligid. Ibang iba sa buhay sa bukid. Ngunit kung ako man ang papipiliin. Kahit na gaano karangya at kasaya ang buhay sa siyudad ay pipiliin ko pa rin na mamuhay sa bukid. At least doon ay kasama ko ang aking mga magulang. Napabuntong hininga nalamang ako. Hindi ko maiwasang hindi maiisip ang aking mga magulang, kung hindi lamang para sa kaligtasan nila ang ginagawa ko ay pupuntahan ko kaagad sila at babalikan. Nawaglit sa aking isipan ang mga isipin ko ng biglang tumunog ang cellphone ni Zach na agad naman nitong sinagot. Tahimik lamang ang lahat sa loob ng sasakyan kaya rinig na rinig ang boses ni Zach. Hindi naka loud speaker kaya si Zach lamang talaga ang rinig. “I told you mom! You're gonna meet her soon! Hindi niyo kailangan mag madali dahil kami mismo ang pupunta sayo para makilala mo siya.” May inis sa pa tono ng boses ni Zach. Mukhang ang nanay niya ang kanyang kausap. Humilig nalang muli ako sa may bintana habang dinig pa rin ang boses ni Zach na nakikipag-usap sa kabilang linya. “What? Why would I deceive you? I told you nakahanap na nga ako! Promise mom, I'll take her to you as soon as possible.” Pagkatapos niya iyong sabihin ay agad niya ibinaba ang tawag at sumandal sa upuan sabay hawak sa sentido na animo'y stress na stress sa usapan ng kanyang Ina. “Is that tita Susana? Ano na naman ba ang pinagtatalunan niyo?” Kuryosong tanong ni Clint. “Nothing. Bukang bibig pa rin na ipakilala ko na ang bago kong sekretarya.” Sagot ni Zach. “Oh? Nariyan na naman si Selene bakit hindi mo pa ipakilala?” Muling tanong ni Clint kay Zach. Napatingin naman ako sa harapan at nagkatamaan ang tingin namin ni Zach. “Seriously? Hindi ko siya ihaharap sa nanay ko ng ganyan ang kanyang itsura.” Natatawa pang saad ni Zach na animo'y nanghuhusga. Napantig tuloy ang aking tenga. “Bakit? May problema ba sa itsura ko at tumatawa ka?” Taas kilay na tanong ko kay Zach. “You're the one who said that thought.” Rebat niya. Umirap nalamang ako at hindi nalamang pinansin ang patutsada niya sapagkat iinit lamang ang ulo ko kapag nakipagtalo sa kanya. “Anyways bro. I heard Vladimir's already here in the Philippines. Kasama ang mga magulang niya…” Pagbibigay alam ni Clint kay Zach patungkol sa kung sino man ang Vladimir na sinasabi ni Clint. “Yeah. He messaged me.” Bored na sagot ni Zach. “May sinabi pa ba siya sa iyo?” Tanong ni Clint. He even glanced to him a bit bago muling binalik ang atensyon sa daan. “Nothing. Why? Is there anything to say?” Kuryosong tanong ni Zach. Kahit ayaw ko makinig sa kanila sapagka't feeling ko naman ay nonsense lamang ang pinag-uusapan nila ay hindi ko na naiwasan na hindi makinig. “Crizhna is here also… mukhang kakauwi lamang din kahapon. Nakita raw ni Vlad, they're on the same flight.” Pagbibigay alam ni Clint kay Zach. Napataas naman ang kilay ko sa narinig. Crizhna? As in the one and only ex girlfriend of the great Zacharius Valentin Hidalgo? Oh? Mukhang nagbabalik bansa. Wala akong masyadong alam patungkol sa ex niya na si Crizhna pero base sa kwento ni Judith ay mukhang si Crizhna ang kauna-unahang nagwasak sa puso ni Zach. “Iyon lamang ba ang gusto sabihin ni Vlad sa akin? Nothing important.” Bored na reaksyon ni Zach. “Ano to? No reaction challenge? Wala ka man lang say.” Pambabara ni Clint sa kaibigan niya. “It's been 5 years since we broke up at wala na akong dapat na sabihin pa tungkol sa kanya. Who cares if she came back again,” Sagot ni Zach. “Sabagay. Naiiyak mo na naman lahat noon… tanda ko pa naglupasay ka pa sa bar noong nag break kayo, enough na siguro iyon para hindi mo na alalahanin ang pagbalik niya.” Nakakalokong saad ni Clint. Hindi ko na napigilan pang tumawa sa sinabi ni Clint dahilan para mapatingin sa akin si Zach ng masama. Napatikhim tuloy ako ng wala sa oras at pinigilan ang tawa. Tinignan niya rin ng masama si Clint. “The next time you laugh again. I'll cut your tounge.” Pananakot pa ni Zach sa akin. Nanahimik nalamang ako at hindi na nakiosyoso pa sa kung ano man ang ganap sa loob ng kotse. Halos ilang oras din kaming nasa biyahe dahil may kalayuan ang mansyon ni Zach sa penthouse niya. Ng makadating kami sa sa tapat kung nasaan ang penthouse ni Zach ay agad kaming bumaba. “This will be your new place. Magmula bukas ay sisimulan mo nang magtrabaho sa akin. Huwag na huwag mo tatangkain na tumakas sa akin dahil alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo at sa iyo.” Pananakot pa ni Zach ng makapasok kami sa loob ng penthouse niya. Hindi ko nalamang siya pinansin at iginiya ang sarili para maging pamilyar sa buong penthouse ni Zach na animo'y tirahang pera sa sobrang gara at ganda. I guess this will be my new life from now on. Madali lang naman ang panahon. Matatapos din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD