Kabanata 15

1189 Words
Kabanata 15 “So you're saying it's a give and take situation? Pinadukot mo ako dahil gusto mo makabayad ako ng utang tapos gagawin mo lamang akong sekretarya for your own convenience? Lakas mo ah!” We're currently having a discussion at Zach's office here at his penthouse. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at habang ako naman ay nakaupo sa guest chair kung saan magkaharapan kami. “We'll that's not the initial plan after all. Sadyang sinisante ko lamang ang sekretarya ko dati due to some… hmm… reason. Think of this as your partial payment para sa utang niyo, isn't it great? Mayroon nang progress ang pagbabayad mo?” Cool na saad ni Zach na animo'y hindi natitibag. “Loko ka rin eh no? You can just ask me in a way na hindi mo na kailangan pang ipadukot ako! Kung ikokontrata mo lamang naman pala ako bilang sekretarya eh hindi na sana umabot sa ganoon!” Singhal ko na akala mo ay batang binawian ng candy. “Ang kulit mo din eh no? Sinabi ko nang hindi iyon ang unang plano. Besides it both favors out own convenience, hindi ipipilit ni mommy ang mga nahahanap niyang sekretarya niya sa akin, at ikaw naman nasimulan mo na ang pagbabayad utang. It's just fair!” Pagpapaliwanag ni Zach. Naipairap nalamang ako at hindi na nagsalita. Bukas na ang simula ng trabaho ko para kay Zach. Nag-usap na kami patungkol sa mga dapat gawin bukas katulad ng mga schedules niya, contacts ng mga mahahalagang tao at iba pang dokumento na kailangang hawakan ng isang sekretarya. Isa na rin sa dapat naming gawin bukas ang ang pumunta sa kanyang mommy dahil nais daw ako nitong makita. “Mayroong anim na box sa loob ng magiging kwarto mo, isuot mo ang isa doon bukas pagpunta natin kay Mommy. Pinasadya ko na rin ang magiging uniporme mo para sa trabaho.” Pagbibigay alam ni Zach sa akin. “Kaltas ba iyan sa babayaran ko? O libre? Naninigurado lamang.” Usal ko. “You don't have any money to buy so it's up to me. I'm not that cruel.” He said bago sumandal sa kanyang swivel chair. “Pumunta ka na sa kwarto mo, it's one the left side besides mine.” Nanlaki naman ang mata ko ng marinig na katabi lamang ng kwarto niya ang magiging kwarto ko dito sa penthouse niya. “Ano?! Katabi ng kwarto mo ang kwarto ko? Tarantado ka ba?!” I hissed. Hindi makapaniwala na pati ba naman sa kwarto ay bantay sarado ako. “Is there any problem with that?” Taas kilay na tanong ni Zach sa akin. “Aba malay ko ba kung gapangin mo nalang ako dis oras ng gabi noh?!” Mataray na sabi ko. “Bakit? Gusto mo bang gapangin kita? Hmm?” Nakangisi at nakakaloko pang sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko. “Gago! Bahala ka na nga diyan!” Singhal ko bago naglakad palabas sa opisina niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya na animo'y nang-aasar pa. Lukot ang mukha kong tinungo ang kwarto kung saan na ako mamalagi mag mula ngayon. Tinahak ko pa ang hindi gaanong kahabaan na hagdan para marating ang kwarto ko, nakita ko rin ang katabing kwarto kung saan mamalagi si Zach, nakabukas ang pintuan nito at kitang kita ang kabuuan ng itsura ng kwarto. The walls were painted with black and there was just minimal furniture and things. Malinis at mabango ang kwarto niya. Malayo sa kwarto ng mga typical na lalaki. ‘Bakit gusto mo bang gapangin kita?’ Napapikit ako ng mag echo sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Zach kanina noong nag uusap kami. Tila naalibadbadran ako at kinilabutan. s**t! Kung gagawin man niya iyon ay matakot siya sa Diyos! Hindi pa ako handang ibigay ang bataan sa taong hindi ko naman mahal at wala akong nararamdaman. “Kahit naman gwapo at matipuno siya ay hinding hindi ako magiging marupok sa isang abnormal na katulad ni Zach noh.” Bulong ko sabay irap. Napailing nalang ako sa aking iniisip at pumasok nalamang sa aking kwarto. Pagpasok ko sa aking kwarto ay napakalayo sa kung ano ang kwarto ni Zach. The walls were painted with white making the room visible, mayroong vanity mirror, mayroon din walk in closet at sariling banyo. The bed was king sized and there were paintings on the wall na hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin. Pumasok ako sa walk in closet at nagulat pa ng tumambad sa akin ang napakaraming luxury bags, shoes at damit. Laglag ang panga ko na tinignan ang bawat isa noon na animo'y isang ginto. Ngayon lamang ako nakakita ng ganoong mga gamit. “Kanino kaya ang mga ito? Alanganin namang kay Zach eh lalaking lalaki iyon sa tingin at tindig pa lamang…” bulong ko habang naglalakad lakad sa loob. Nakakapagtaka na napakaraming gamit ng babae ang narito, na animo'y may nakagamit na nito una palamang sa akin. Lumabas ako sa walk in closet at hindi pa rin nakaka move on sa mga nakitang gamit. Dumiretso ako sa vanity mirror at binuksan ang mga cabinets noon. Nanlaki muli ang mga mata ko ng makitang may mga brand new set of make ups at ang iba ay mukhang unsealed na ngunit hindi pa gamit. “Wow…” Manghang-mangha ako. Ayaw ko mang kalikutin ang mga gamit ay hindi ko maiwasan hanggang sa sumagi ang isang litrato sa aking paningin. Agad ko na kinuha ang litrato na iyon. It was on a polaroid. A picture of Zach and a girl with natural black colored hair. Maganda rin ang babae at mukhang modelo. Base na rin sa style nila na magkaakbay at nakakiss si Zach sa pisngi ng babae ay mukhang ito na ang sinasabi ni Judith na ex ni Zach. Si Crizhna. Ang akala ko ay sa mansyon lamang dinadala ni Zach si Crizhna ngunit dito rin pala sa penthouse niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit dito pa niya ako pinatulog sa gayong mukhang may sentimental value pa ang mga gamit ni Crizhna dito dahil hindi pa niya tinatapon. “Ano pa ang inuupo-upo mo diyan? Maglinis ka na ng iyong sarili dahil padating na rin ang in-order ko na pagkain.” Dali-dali kong itinago ang litrato sa loob ng cabinet at umaktong parang walang nakita ng magsalita si Zach sa may pintuan. Naiwan ko palang bukas. Tumikhim ako bago nagsalita. “Anong gagamitin kong mga damit? Wala naman akong damit dito.” “There are plenty of clothes in the closet, iyon ang gamitin mo.” Usal niya na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko. Sure siya ipapagamit niya ang damit ng beloved ex niya? “Ahh… okay. Sige pwede kana lumayas diyan at mag lilinis na rin ako. Hintayin mo nalamang ako sa baba.” Sabi ko. “Tsk.” Isnaberong asal nito bago umalis sa may pintuan ng kwarto ko at mukhang dumiretso muna sa kwarto niya para mag palit din ng damit. Ako naman ay dali-dali na nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan at baka maimbyerna na naman ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD