Kabanata 16
“Bakit ba ang tagal tagal mo mag bihis? Naghihintay na si mommy sa atin!”
Agad na sumalubong ang masungit na aura ni Zach sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. Kakatapos ko lamang kasi maligo at mag ayos. Tinignan ko ang wall clock at saktong 6:00 am lamang naman, maaga pa sa napag-usapan naming 7:30am na alis, kaya nagtataka ako kung bakit pumuputok na naman ang butsi niya. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang timpla ng lalaking ito, minsan ay loko-loko, minsan naman ay tila may napipindot na kung anong navigator sa utak at bigla bigla nalamang nag pupuyos sa galit.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Mukhang tinitignan ang kabuuan ng itsura ko. Una na niya akong pinaalalahanan na mag ayos ng sarili sapagkat haharap ako sa mommy niya. Kailangan ko maging presentable. Kaya wala sa hinagap ko na mamadaliin niya ako mag ayos, eh siya na ang nagsabi na kailangan kong mag ayos ng bongga. Baliw talaga!
“Here. Hold my suitcase. Sumunod kana sa akin sa labas.” Utos niya at agad na hinagis ang suitcase niya sa akin na animo'y bola lamang ito.
“s**t! Ano ba ang laman nito at napakabigat!” Reklamo ko ng maramdaman na napakabigat ng suitcase niya. Parang bato ang laman, kulang nalamang ay maging hollow blocks na ang suitcase sa sobrang bigat.
Inayos ko ang aking shoulder bag habang dala dala ang suitcase ni Zach bago bumaba sa may hagdanan at sumunod kay Zach sa labas. Mananakit pa ata ang braso ko sa sobrang bigat ng dala ko na suitcase. Sanay naman ako na magbuhat ng ganito ngunit yung level lamang ng balde na ginagamit sa aming bukirin. Pero yung ganitong suitcase na tila sinalinan din ni Zach ng galit ay tila hihiwalay ang braso ko sa sobrang bigat. Mabuti nalamang ay madali lang din kami nakarating sa kanyang sasakyan.
"Where are you going?" Puna ni Zach ng buksan ko ang pinto papunta sa likod ng sasakyan.
"Malamang sasakay? Alangan namang binuksan ko lang ang pintuan ng sasakyan?" Pamimilosopo ko.
"Sa passenger seat ka umupo," Masungit na utos nito bago sumakay sa driver seat.
Napabuga nalamang ako ng hangin, inilagay ko muna yung suitcase niya sa likod bago binuksan ang pintuan ng passenger seat at sumakay.
"Seatbelt." Pagpapaalala nito. Napatango nalamang ako bago hilahin ang seatbelt at isuot.
Minaniobra niya ang sasakyan palabas ng parking lot. Tahimik lamang siya na nag ddrive habang ako naman ay nakatingin lamang sa labas at pinapanood ang bawat nadadaanan namin. Ngunit ang totoo ay ginagawa ko lamang ang bagay na iyon upang mawala ang kaba sa dibdib ko sapagkat parang dinadaga ang dibdib ko sa isipin na makikilala ko ang Ina ni Zach ngayong araw. Paano kung alam niya na anak ako ng pamilya na may utang sa kanila? Paano kung mas garapal pa pala ang ina niya? paano kung ipapatay niya ako? Hindi ko maiwasan na mag isip ng kung ano.
Kung ang anak nga niya ay kaya akong ipakidnap paano pa kaya siya? Their family are capable to do something out of hand.
Bumalik ako sa aking wisyo ng biglang tumunog ang cellphone ni Zach na nakapatong lamang sa harapang bahagi ng kotse niya. Tinignan niya ako at sinenyasan na sagutin ang tawag. Kinuha ko ang cellphone niya at napakagat nalamang ako ng labi ng makitang ang mommy niya ang tumatawag. I swipe the call and turn the loud speaker bago itinapat iyon kay Zach.
"Hello Mom? What's with the sudden call?"
Tumingin ako sa ibang direksyon at napalunok nalamang sa sariling laway. Grabe parang biglang uminit ang klima sa loob ng sasakyan, paano pa kaya kapag nakita ko na ng malapitan ang mommy niya.
"Nasaan na kayo?" Sopistikadang usal ng mommy niya sa kabilang linya.
"We're on the way." Tipid na sagot ni Zach sa kanyang Ina habang focus pa rin sa pag mamaneho.
"Alright, bilisan niyo at kanina pa ako naghihintay. Mag ingat kayo." Bilin ng Ina ni Zach.
"Hmm... Okay I'll end the call now, I'm in the middle of driving." Paalam ni Zach.
"Alright my Zachy, bye!"
Pinatay ng Ina niya ang tawag at nakita ko naman ang paglukot ng mukha ni Zach ng marinig niya ang tawag sa kanya ng Ina niya. Hindi ko na napigilan na magpakawala ng maliit na hagikhik dahil doon.
"That damn name. She knows that I hate being called with that name!" Singhal ni Zach na animo'y walang kasama sa loob ng sasakyan.
Well I do understand his frustration. Yung palayaw niya na iyon ay tila nagpababa ng cool niya, parang hindi nakakalalaki ang datingan.
"Sir Zachy? Hindi po ba kayo nagugutom? Gusto niyo po bang bumili muna ng pagkain?" Nanunudyong tanong ko kay Zach, sa isip ko ay natatawa na ako.
Bumaling sa akin si Zach ng mayroong matalim na titig na animo'y asar na asar. Napataas nalamang ako ng dalawang kamay na tila sumusuko at baka bigla nalamang ako sipain nito palabas ng sasakyan.
Halos trenta minuto lamang din ang naibyahe namin ni Zach hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking bahay. Or should I say malaking mansyon. Kitang kita ang kabuuan ng bahay sa labas na animo'y bahay sa ibang bansa. It's so modern at mukhang napaka cozy sa loob. Kita rin sa labas ang napakalaking garden na animo'y napaka perpekto dahil nagmukhang garden of eden na sa sobrang ganda dahil sa dami ng halaman. Mukhang imported pa ang mga halaman dahil hindi pa ako nakakakita ng mga ganoong uri, mayroon din fountain sa garden na mas nakadagdag sa ganda nito.
Sinalubong kami ng mga katulong na agad kinuha ang coat ni Zach habang ang isa naman ay kinuha ang aking dala na sling bag at ang suitcase na kanina ko pa iniinda ang bigat. Nag thank you lamang ako sa mga katulong bago sila umalis.
Agad naman kaming naglakad ni Zach papunta sa pintuan ng bahay. Para itong mahabang run way na kailangan mo lakarin bago ka makarating sa pintuan, makikita mo ang kabuuan ng mansyon habang naglalakad. I was mesmerized with the green grass and a soft ambiance of the whole mansion sa labas. Paano pa kaya kapag nakapasok na sa loob.
"Mom was really good at interrogation, kapag tinanong ka niya kung saan kita napulot ay mag imbento ka nalamang." Usal ni Zach sa akin habang papalapit na kami sa pintuan ng mansion.
Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib ko na para bang gusto ko nalamang umatras ng makalapit na kami sa pintuan at bigla iyong bumukas.
There, a beautiful and probably one of the most beautiful mansion I've ever seen in my entire life welcomed me. Parang sa internet ko lamang nakikita ang mga ito. Napakalayo sa tila barong-barong namin na bahay.
"Oh my god! My son! Mabuti naman at nakarating na kayo!"
Napaigtad ako ng biglang may sumigaw. Napatingin ako sa hagdanan kung saan may isang babae na pababa, she looks fresh and young, she's wearing a very nice dress. Nakadagdag pa sa ganda niya ang mga ngiti niya na pangmalakasan.
Mukhang ito na ang mommy ni Zach. Napaayos ako ng tayo at inayos pa ang ngiti ko.
"Hi, mom!" Bati ni Zach sa kanyang mommy at akmang yayapusin na ito ng biglang bumaling sa akin ang kanyang mommy at ako ang niyakap nito.
Naiwang nakaangat ang kamay ni Zach sa ere habang ako naman ay naestatwa sa nangyayari. Nakayakap ng mahigpit sa akin ang ina ni Zach na animo'y nakapa komportable na nito sa akin kahit bago pa lamang ako nakita nito.
Ilang segundo rin tumagal ang yakap bago siya humiwalay sa pagkakayakap.
"Are you the new secretary of my son? Wow! You're so beautiful hija! I can't believe Zach can find a beautiful secretary just like you!" Pagpuri ng mommy ni Zach sa akin.
I awkwardly smiled at her. I saw Zach on my peripheral vision at nakatingin lamang ito sa amin.
"Nice meeting you po ma'am..."
"Just call me Tita Amelia hija." Singit ng mommy ni Zach.
"O-okay po tita Amelia." I smiled at her.
"What's your name beauty?" Tanong naman ni Tita Amelia.
"Ah... I'm Selene po." Pagpapakilala ko.
"Oh! Selene... What a beautiful name." Pagpuri na naman nito.
Tanging ngiti lamang ang naisukli ko sa kanya. Medyo nawala na ang kaba sa dibdib ko sapagkat mukhang mabait naman ang Ina ni Zach. Malayong malayo sa ugali ng anak niya.
"Oh! Anyways kumain muna tayo! I have a lot of things to ask mamaya." She exclaimed. "Zach alalayan mo si Selene papunta sa kusina."
"What is she? A princess? Kaya naman niya maglakad ng kanya— awww bakit niyo naman ako piningot!"
"Kaya ka laging iniiwan ng mga nagiging sekretarya mo! Ugali mo talaga Zacharius! Sige na alalayan mo si Selene at baka lumamig pa ang pagkain sa kitchen!" Suway ng kanyang Mommy sa kanya.
Masama akong tinignan ni Zach habang hawak hawak ang tenga na piningot ng kanyang Ina. I playfully smiled at him. Agad naman niyang in-offer ang kanyang kamay na agad ko namang kinuha bago kami naglakad papunta sa kusina.