Kabanata 17
The whole breakfast was either a praise from Tita Amelia o kung hindi naman ay mga katanungan tungkol sa kung paano ako nakuha ni Zach bilang sekretarya niya. I was even interrogated by Zach's mom about my identity, hindi ko naman masabi ang totoo at baka mamaya ay mabuking si Zach sa katarantaduhan na ginawa niya. Tita Amelia only knows that I'm Selene and that's it. Nothing more, nothing less.
"Huwag na huwag ka mahihiyang mag sumbong sa akin kapag sinungitan ka nitong si Zacharius ha? Ako ang bahala sa batang to pag nagkataon." Bilin ni Tita Amelia habang palabas kami papunta sa sala.
Kakatapos lamang namin kumain at naunang nagpaalam si Zach na lalabas muna dahil nakatanggap siya ng tawag galing sa kumpanya. Tita Amelia was left there to entertain me.
"Hindi naman po siguro mag susungit ng sobra ang anak niyo, Tita." Pagtatanggol ko pa kay Zach kahit na alam ko namang tila nabubuhay na siya sa sama ng loob.
"Oh come on! I know my son, isa ang pagiging masungit niya kung bakit lagi siyang iniiwan ng mga sekretarya niya, ako rin tuloy ang nagagambala sa tuwing maghahanap ng iba." She blurt out a contradictory remarks. "Kaya mabuti nalang at nakahanap na siya personally ng sekretarya niya na hindi ako ang naghanap, siguro ay factor na rin kung bakit lagi nalamang siyang iniiwan ng sekretarya niya ay hindi niya gusto ang mga iyon."
"Ah ganon po ba." Napakamot nalamang ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Tita.
Nagkuwento pa si Tita nang kung ano-ano patungkol sa anak niya na si Zach. She told me a lot about Zach's, from the moment he was born up until he became the CEO of their company nang mamatay ang asawa ni Tita Amelia. She even spill a lot of his secrets na talagang hindi ko malilimutan. I even though I can used those information to counter him everytime he's going to tease me.
"Takot po si Zach sa ipis?" Hindi ko na napigilan pang hindi tumawa dahil sa nalaman.
"Isn't that hilarious? Sobrang laking bata ay takot siya sa ipis. Look at this photo..." Kinuha ni Tita Amelia ang isang framed photo na nakapatong sa isang side table sa sala at ipinakita niya iyon sa akin. "Kakatapos lamang niya umiyak dito dahil nadapuan siya ng ipis while playing on our garden, he's six at that time at mukhang na trauma na."
It's a photo of Zach crying habang buhat-buhat siya ng kanyang daddy. Nakanganga pa ito na animo'y kawawang-kawawa sa nangyari. Who would've thought that they have also this chaotic and fun side. Hindi mo aakalain na kayang gumawa ng kung-ano. We are in the middle of our conversation when a maid called Tita Amelia. It was an urgent concern dahil nagmamadali pa na lumapit yung maid.
"Hija, saglit lamang at may aasikasuhin lamang ako. Feel free to roam around okay? Ipapatawag ko na rin si Zach para may kasama ka." Tita Amelia said.
"Okay lang po ako mag isa dito, Tita. No need to call Zach po, mukhang busy din po yung tao." Pag apila ko.
"Are you sure?" Panigurado ni Tita.
"Opo." I answered simply.
She tapped my back before leaving. Naiwan nalamang ako ngayon sa sala. Iniikot ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng bahay. I take my time to appreciate the whole beauty of the mansion, the architecture was top tier, delicate din ang bawat details ng designs and even furnitures inside the mansion. Lakas maka madam.
I was busy looking for everything when a photo album under the table caught my attention. Puno na ng pictures ng family ni Zach ang sala nila ngunit hindi ko akalain na may pictures pa pala na nakatago dito. Kinuha ko ang isa sa mga photo album at tinignan ang mga laman noon. It was mostly a photo of Zach's family at iilan lamang ang pictures ni Zach. Mukhang mailang ang lalaki sa mga pictures, i've also notice that way back when I was in his mansion, kahit na puno ng pictures ang sala ay puro galing naman sa mga promos niya.
"Kaunti nalamang ay iisipin ko na talagang may gusto ka sa akin."
I almost fell on the sofa when someone spoke behind me. Napatingin ako sa likuran at nadoon si Zach na naka krus pa ang mga braso habang tinitignan ang ginagawa ko. Napakabilis ng t***k ng puso ko sa sobrang gulat!
Para siyang kabute! Bigla bigla nalamang sumusulpot!
Simaan ko siya ng tingin ng maka-recover.
"Alam mo kadiri ka! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo! Peste!" Singhal ko sa kanya na agad naman niyang tinawanan.
Unti-unti siyang tumungo at inilapit niya ang mukha niya sa akin. I held my breath dahil sobrang lapit niya.
"Oh? Why being so defensive, huh? Sure ka bang wala lang ang mga tinginan mo sa mga litrato ko? Hmm?" Pang-iinis pa nito.
"Kung mag kakagusto man ako sa iyo, paniguradong imposible iyon! You're not my type!" Usal ko, nilalabanan ang tingin niya.
"Really? What is something in me you're not liking then?" Taas kilay na tanong ni Zach mas lalo pa inilapit ang mukha sa akin.
Iniiwas ko ang tingin ko at narinig ko naman ang ginawa na tawa ni Zach. Tila iniinis ako nito at naiinis naman ako. He's probably thinking that I surrendered and that means everything he says are true! Yuck! Hindi ko siya gusto!
"Looks like, Ms. Constancia is talk s**t, huh?" Pang-aasar pa nito.
Sinamaan ko siya ng tingin ng muli siyang umusal. Agad siyang umikot at umupo rin sa sofa at lumapit sa akin. Lumayo ako ng konti at baka mamaya ay masuntok ko lamang ang lalaking ito ng wala sa oras. Lumingon-lingon pa sa akin ang lalaki at ngumiti na tila nang-aasar na mas lalong nagpapakulo ng dugo ko.
I was in the middle of irritation when I remembered something. I plastered a grin ng sumagi sa utak ko ang isang kalokohan na paniguradong makakabawi sa inis ko laban kay Zach. Inayos ko ang aking pagkakaupo. Huminga pa ako ng malalim bago nagkunwaring inis pa rin. Humarap ako kay Zach at sa sandaling humarap ako ay nagkuwanri akong gulat at may itinuro sa bandang ulo niya.
"Ahhhh! Ano yang nasa ulo mo!" Sigaw ko sa kanya.
Agad naman nanlaki ang mata niya na animo'y windang na windang at pinalis-palis pa ang ulo niya na animo'y may tinatanggal kahit wala naman.
"What the f**k?! Ano iyong tinutukoy mo?!" Tarantang tanong niya habang pinapaspas pa rin ang ulo.
"I-Ipis ba iyan!!! Omg!!! Ipis nga!!!"
"What? Ipis! f**k! f**k!" Nagdedeliryong sigaw ni Zach.
Tuluyan na siyang tumayo at animo'y takot na takot ito habang tinatanggal yung imaginary ipis sa ulo niya. He even removed his coat at nag iikot siya na parang baliw. Sa sobrang balisa ni Zach ay na out of balance siya at saktong bumagsak siya sa akin dahilan upang mapasandal ako sa sofa habang si Zach naman ay bumagsak sa ibabaw ko. The moment he fell is also the moment our lips touched.
Napapikit ako habang pinoproseso pa ang nangyari. Our lips are still on each other at tila kinuryente ang buong katawan ko sa gulat. I also saw how shock Zach was. Walang gumalaw sa amin na animo'y naging bato nalang dahil sa pangyayaring iyon.
"Omg!"
Halos mapatalon kami ni Zach ng marinig namin si Tita Amelia na sumigaw. Napaupo ako ng ayos at habang si Zach naman ay tumayo at nagkunwaring walang nangyari. Tumingin muli ako kay Tita Amelia at gulat pa rin ito.
Shit!