Kabanata 2
To show up even when you’re exhausted. To try, even if you're unsure. To keep going, even when it's hard. That’s life. Life is so full of unsure things, what we need to do is to unlock the unsure by facing it even if there’s no possibility.
“I’m so sorry, Miss Selene. Hindi na po kayo nakaabot sa cut off ng interview. Thank you for your interest.”
This is already my fifth company for today. None of them were successful. I groaned in frustration. Kahit anong gawin ko ay hindi ako natatanggap sa kahit ano mang trabaho. May pinag-aralan naman ako. Graduated with flying colors. Matalino. Madiskarte. Masipag. Ano pa ba ang kulang?
“Ano pang kwenta ng c*m laude at degree na to,” I whispered.
Then, I realized that even if you're intelligent enough, even if you're hardworking enough, even if you've got an education. Pantay pantay lang ang bawat isa. Walang nakakalamang. Eh ano kung c*m laude ako? Eh ano kung degree holder ako? Eh ano kung masipag ako? Those are just a fleeting satisfaction na hindi tatalab sa tunay na kulay at takbo ng mundo na ito.
Mundo na akala ko nung una magiging mabuti sa akin. Pero hindi pala. Grabe rin kasi ang expectations ko sa buhay. Akala ko magiging magaan lamang. Hindi pala. Akala ko simpleng problema lamang, ngunit hindi pala. Nakakatakot ang mundo kung iyong pagmasdan.
I dialed a number in my phone. I need to recharge, para na naman kasi akong nauupos na sigarilyo. Nakakapagod.
“Hello… Nay.” Tawag ko sa kabilang linya.
Agad naman itong sumagot.
“Oh, Selene? Bakit ka napatawag anak? May problema ba?” Worry is evident in her voice. Napangiwi ako.
“Wala naman po, Nay. Gusto ko lamang po marinig ang boses niyo.” Paglalambing ko.
“Ay sus, ka sweet naman nitong anak ko.” Biro pa ni inay na ikinatawa ko sa kabilang linya.
“Siya nga po pala? Nasaan po ang Itay?” Tanong ko.
“Ayun nag papahinga at kakarating lamang galing sa palayan.” Sagot ni Inay.
Tumango lamang ako. Sumandal ako sa isa sa mga upuan ng isang kumpanya na na pinag apply-an ko. Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid.
Sa tuwing napapagod ako. Lagi sila Inay at Itay ang aking nasasandalan. Bukod kasi sa hindi ako pala-kaibigan ay ang mga kaibigan ko sa kolehiyo ay may mga trabaho na ngayon, malayo sa estado ko ngayon. Ayaw ko naman silang istorbohin dahil baka may ginagawa rin silang importante. Hindi naman ako ganoon kahayok para lamang magkaroon ng makakausap. Everyone has their own thing, hindi naman pwedeng espesyal ka lagi.
Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago muling tumayo. May ilan pa akong kumpanya na pupuntahan.
“Kaya mo ito, Selene.” Usal ko bago muling nagpatuloy.
–
Kasalukuyan akong nakapila sa huling kumpanya ngayong araw. Magkadaop ang aking palad at nagdarasal sa panginoon na sana ay may magandang balita ang dumating ngayon. Hinihiling ko na sana naman ay maging qualified ako sa next stage ng application. And interview.
Sigurado naman ako na kapag nag qualify ako ay mag a-ace ako sa interview. Isa na ata ang communication skills sa pambihirang kakayanan ko. Sadyang hindi ko lamang talaga magamit dahil hindi ako makausad sa ni isang interview man lang sa mga kumpanya na pinag apply-an ko.
“Miss Constancia? Is she here?”
Halos mapalundag ako ng biglang tinawag ang pangalan ko ng isang babae. Bahagya siyang nakasilip ngayon sa hanay ng mga aplikante na kasama ko, naroon siya sa may pintuan ng isang kwarto kung saan ini interview ang mga aplikante.
Agad namang akong nagtaas ng kamay. “Ma'am! Ako po iyon.” Masigla kong saad.
“Oh. Well. Congratulations Ms. Constancia, you are qualified for the interview. Please proceed inside and wait for your turn okay?” Abiso niya bago muling pumasok sa loob.
“Yes! Finally!” Sa sobrang saya ko ay napasigaw ako.
Agad naman akong nag peace sign sa mga katabi ko at baka mamaya ay naingayan pala sa akin. Ayoko naman na matarayan dito.
Thank you Lord!
“Congratulations, Miss.” Bati pa ng isang aplikante na katabi ko sa upuan.
I just smiled at her before proceeding at the interview room. Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok. Tila dinadaga ang dibdib ko pagkapasok na pagkapasok ko. Iginiya ako nung babaeng tumawag sa akin kanina sa isang bakanteng upuan kung saan naroon rin at naghihintay ang ibang mga aplikante.
Hinawakan ko ang dibdib ko at sinubukan na pakalmahin ang sarili.
“Selene. You've waited for this moment. Ito na yun.” I whispered.
I fidget my fingers to ease the nervousness. Inaliw ko pa ang sarili ko sa pagtingin sa buong kwarto. It's just a simple room with white paint, minimal lang ang itsura, kaunti ang mga gamit; may malaking flat screen tv, may tatlong table, at may coffee machine sa gilid. Mukhang pinasadya pa ang kwarto para lamang sa interview.
The interview was consists of three interviewers, dalawang babae at isang lalaki. Matagal-tagal ang duration ng interview at mukhang sinasalang nila ng maigi ang mga aplikante, kaya mukhang matagal rin ang oras na hihintayin ko before my turn.
But that's wasn't a problem to me. That's okay, basta maitawid ko lamang ang interview na ito.
I turned my gaze to the other applicants at tila mukhang sila rin ay kinakabahan. Binaling ko nalamang ang atensyon ko sa pagpapakalma sa aking sarili dahil kung iisipin at titignan ko pa ang ibang aplikante na mas mukhang kabado pa sa akin ay lalo lamang dadagain ang aking dibdib.
–
“Thank you so much Ms. Constancia. We'll be sending the result of your interview in your email, it will contain a letter if you're qualify for the second phase of interview.”
I smiled at the women who's maybe in her middle age before leaving the interview room. Nakahinga ako ng maluwag. I was very satisfied on how it went and I'm confident na hindi ito ang huling balik ko sa kumpanya na ito.
“Thank you, Lord. Sana po ay tuloy-tuloy na!”
Hindi na ako makapaghintay na ibalita ito kay Inay at Itay!
Habang naglalakad ay kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at nagtipa ng mensahe para kay Nanay. Paniguradong magiging masaya sila dito.
This is the start. Hindi man sigurado ay at least may progreso. Kahit papaano ay nagkaroon ng konting liwanag ang buhay ko.
To: Inay
Nay! Na interview na ako! Ieemail nalang raw ako for next phase!
Hindi naman nagtagal at nag reply kaagad si Inay.
From: Inay
Ganon ba? Aba ay nakakatuwa anak! Kahit papaano ay may mapagkukunan na tayo ng pambayad sa utang.
Agad na naman sumagi sa utak ko ang lalaking tumawag at nag papadala ng mensahe sa akin patungkol sa aming utang. Halos buong araw na rin itong walang paramdam dahil nga naiblock ko ang number nito. Nakabawas ito sa kaba na nararamdaman ko. Mabuti naman.
I sighed. Alam ko na hindi pa sigurado ang trabaho, at kung matatanggap man ako ay kulang pa rin. Pero naniniwala ako na may mangyayaring maganda.
Iwinaglit ko sa isipan ang mga bagay na iyon.
Nagpatuloy ako sa pagtitipa sa aking cellphone habang naglalakad. Sobrang libang ko na sa pakikipag-usap kay Inay ng bigla ako nabangga sa kung anong matigas… o mas maiging sabihin sa isang matigas at matipunong dibdib ng isang lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin, habang ako naman ay nakahawak sa aking noo.
Grabeng dibdib yan? Pader ba iyon?
Tinignan ko ang lalaki at magsasalita na sana ng tumambad sa akin ang asul nitong mga mata. Hindi rin nakatakas sa akin ang makapal niyang mga kilay na nakataas pa at tila ng susungit. Bumaba ang aking tingin sa matangos nitong ilong, matalas na jawline, at mapupulang mga labi. Malinis ito tignan dahil mukhang kaka shave lamang ng balbas. Dumagdag pa ang buhok niya na naka slick back style sa itsura niya.
He's like a f*****g demigod! For real!
Dumagdag pa ang damitan niyang pangmayaman. He's wearing a coat and a black slacks paired with a shoes from Christian Louboutin. Mukha siyang isang boss!
I was so drawn to his looks that I didn't even know I'm already staring at him for a long time.
“Are you done staring, Miss?”
A baritone voice made me back to my senses. Napapikit ako at tumayo ng maayos.
“Ahh… I'm so sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya na mabangga kayo.” Paghingi ko ng paumanhin.
“Yeah. I see you didn't mean it, because you're so drawn to your f*****g phone to not mind where you're going.” May talas at mando ang boses nito.
“Next time… don't use your f*****g phone while walking, Miss. That's so stupid.” Dagdag pa nito. Nagtiim pa ang bagang nito na tila ba inis na inis.
“I-im really sorry Sir.” Para akong tuta na humihingi ng tawad.
Napaka sungit naman! Nag sorry na eh!
“Sir Zacharius.”
Agad kaming napatingin sa tumawag. It was a man, I think on his thirty's. Tumigil ito sa harapan ng lalaki na nabangga ko.
“I'm the assistant of Mr. Clint. Nasa opisina niya po siya ngayon and he ordered me to escort you. This way po.”
“Thank you.” Sambit nung Zacharius.
Tinapunan niya muna ako ng isang matalim na tingin bago sumunod doon sa lalaking tumawag sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay kung ano-ano pa ang sasabihin niya. Alam ko naman na kasalanan ko! Nag sorry na rin naman ako.
Sungitan ba naman ako?
“Tse! Gwapo nga masungit naman!” Bulong ko sa hangin bago tuluyang lumabas.