Kabanata 3

1376 Words
Kabanata 3 Zacharius Valentin Hidalgo POV “Bullshit!” Singhal ko sa loob ng aking opisina dito sa Hidalgo Corporation. Napahawak ako sa aking sentido. Tila sumasakit ang ulo sa mga nangyayari ngayon. Huminga ako ng malalim. I fix my composure. Kinuha ko ang aking cellphone at tumipa ng mensahe para sa aking kaibigan na si Clint. Isa siyang architect. Paniguradong matutulungan niya ako sa aking problema. May gumiba kasing isang parte ng isa sa mga mall namin sa Rizal. Matagal na pala ito at ngayon lamang naireport ng officer in-charge sa branch na iyon. Matagal-tagal na rin akong nagkaroon ng inspection sa mga mall sa lugar na iyon kaya hindi ko alam ang mga kalagayan ng bawat establishments doon. Parang kanina lamang ay nasa magandang mood ako. Ngunit ngayon ay tila sasabog na ako sa inis. Iba pa naman ako kapag naiinis. I dialed a number to my phone. “Hello, Dado. Hanapin mo yung contractor nung isang branch ng mall sa Rizal. I’ll send the other details.” Usal ko sa kabilang linya. “Alam mo na ang gagawin.” “Copy, Boss Zach.” There's no room for stupids and failure in my life. Yun ang pinaka ayaw ko. Kung sana'y inayos niya ang trabaho sa pag gagawa ng mall na iyon ay walang magiging problema. Kakatayo pa lamang nito at ganoon ang mangyayari? f*****g piece of s**t. Pagkatapos ng tawag ay agad akong umalis sa aking opisina para puntahan si Clint sa kanyang kumpanya. Pagkalabas na pagkalabas ko sa aking opisina ay agad na bumati ang bawat empleyado na nakakasalubong ko. Some even go out to the elevator just to let me in. Pinindot ko ang ground floor. Walang imik akong naghintay na magbukas ng elevator habang hawak ang susi ng aking kotse. Ng bumukas ang elevator ay agad na bumungad ang aking mga guwardiya. “Boss. Kailangan niyo pa po ba ng kasama?” Tanong ng isa sa mga guwardiya ko. “No need. I'll drive myself.” I said before going to my car. Ngunit bago ko pa paandarin ang aking sasakyan ay may naalala ako. Agad ko na kinuha ang aking cellphone at hinanap ang isang number. I tap the number only to find out that I was blocked. The f**k? “f*****g hell! Sila pa talaga ang may gana na mang block? She really think I don't have any other way, huh?” Inis na sambit ko. Pinatay ko ang aking cellphone at inihagis sa shotgun seat bago pinaandar ang aking sasakyan patungo sa kumpanya ni Clint. Sobra na ang masama at hindi kaaya-ayang nangyari ngayong araw para mapuno at mainis ako. Ito ang problema sa akin, madali akong magpuyos sa galit at inis. Bukod kasi sa napakarami kong trabaho ay hahaluan pa ito ng mga tatanga-tangang tao. Halos ilang minuto lang ang itinagal ng aking biyahe bago marating ang kumpanya ng aking kaibigan. Ito ang APEX Structure. Isa sa mga kumpanya na nakakapag produce ng high quality at top tier construction of building dito sa Pilipinas. Malaki ang kanyang kumpanya, isa rin ito sa most trusted company pagdating sa construction ng mga building. Ngunit wala pa ring mas lalaki sa kumpanya na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Ang Hidalgo Corporation. Bukod sa Mall chains ay may pagmamay-ari rin kaming mga hotels and restaurants dito sa buong Pilipinas. Hindi sa pagmamayabang ngunit laging makikita sa front page ang pangalan ng aking kumpanya. Isa rin ako sa itinanghal bilang youngest CEO noong twenty two pa lamang ako. My father died due to a car accident. Kaya naipasa na sa aking ang pamamalakad pagkatapos ko matapos ang aking kolehiyo. Ang aking ina naman ay nasa mansyon lamang. Masasabi ko na namana ko ang aking ugali sa aking ama, he got a bad temper that later on I acquire. Well hindi ko naman siya masisisi. With the nature of our work, bawal ang palpak. Dahil magigiba ang reputasyon ng kumpanya dahil sa mga taong palpak. Everything should be perfect. Unless, sharp knives and blazing bullets will prevail. Well I don't literally just kill for no reason, kahit papaano ay may bait pa sa puso ko. Huwag lang sasagarin. Pinarada ko ang aking sasakyan sa parking lot bago pumasok sa kumpanya ni Clint. Bumungad sa akin ang mga busy na empleyado na pabalik-balik. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kumpanya, mukhang tapos na ang renovation nito. “Aray!” Mula sa pagkakatingala ay napatungo ako ng biglang may bumangga sa dibdib ko. A woman. Nakahawak ang kaliwang kamay sa kanyang noo at ang kanan ay may hawak na cellphone. Napataas ang kilay ko. Agad naman tumingala ang babae na nasa harapan ko. Hanggang dibdib ko lamang siya kaya kailangan niya talagang tumingala. Nakataas pa rin ang aking kilay. I'm probably looking like a terror right now but I don't care. Ilang segundo rin siyang nakatitig lamang sa akin. Kaya mainam ko rin nakita ang mukha ng babae. She has clear and fair skin. Mapupungay na mata. Matangos na ilong. Hindi gaanong kabilog na mukha. At mapupula at basang labi. May maliit rin siyang taling sa ibabang bahagi ng kanyang mata. She's definitely beautiful… and probably my type. Pero mukhang lutang. I don't like it. “Are you done staring?” Pagsusungit ko dito. Agad naman itong nanghingi ng tawad. I even lectured her. Sino ba naman kasi ang matinong gagamit ng cellphone habang nag lalakad? It's one of the reason kung bakit pumapalpak ang ibang tao, laging nakatutok sa cellphone kaya hindi maka focus. Mabuti nalamang at sinundo ako ng assistant ni Clint kaya naman hinayaan ko nalamang ang babae kanina at pumunta sa opisina ng aking kaibigan. Pagdating ko sa kanyang opisina ay naabutan ko itong may katawagan kaya umupo muna ako sa couch sa loob ng kanyang opisina at hinintay ito na matapos. Dinalhan naman ako agad ng pagkain ng assistant ni Clint. When the call ended. Clint turned to me. Mukhang nagulat pa na nandito ako gayong nagpadala ako ng mensahe sa kanya kanina bago ako pumunta. “What?” Pagsusungit ko dito. “Wow. It's your first time going in here. Lagi ako pinapapunta mo sa kumpanya ni eh. What's the problem man?” With amusement in his voice. Lumapit si Clint sa akin. “I sent you a message and it looks like you didn't read it. Tss.” “Oh sorry abound that. May urgent call from one of the sites sa bagong project.” He reasoned out. Umupo siya sa kaharap ko na couch. Nagsalin siya ng alak sa baso at sumimsim. “So… ano ang pakay ng isang Zacharius Valentin Hidalgo?” I sip on my coffee before talking. “I need your help. One of my malls got some minor problems. Gumiba yung kabilang side. It needs to be restored as soon as possible. Ikaw lang ang alam ko na makakatulong sa akin.” “Is that the newly built one? Yung mall na sana ay aakuin ko ang construction ngunit dika pumayag?” Nanunudyo pa itong tumawa. “Looks like the table has turned, right?” “Shut up, Clint Fredrin Lander. Hindi ko kailangan ng pang-aasar mo.” Masungit na sipat ko. “Akala ko ba ay ayaw mo sa failure, bigan?” “It's not me. It's the contractor. That s**t!” I hissed. I told Clint everything. We closed the deal. Kailangan na talaga maayos ang mall dahil nasa lugar ito kung saan maraming tao. Sayang ang kikitain ng mall kung sakali. “Matanong kita… kumusta yung pamilya na may utang sa iyo? Malakilaki rin ang utang na iyon… ano balak mo?” Clint suddenly asked. “I'll let them enjoy the remaining days. Ako na bahala kung hindi sila tutupad sa usapan.” I answered. “You'll kill again? Sobrang luwag na ng space mo sa impyerno.” He even laughed. “Maybe? Maybe not? Let's see… kung may ibang paraan para mabayaran nila ang utang… baka magbago pa ang isip ko…” It's in my hand. The decision was mine to make. Agad na sumagi sa isip ko ang babaeng anak ng mag asawang may utang sa akin. Hmm… I got a great idea. Napangisi nalang ako bago sumimsim muli sa aking kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD