Kabanata 4

1281 Words
Kabanata 4 Ang mga nagdaang araw ay naging payapa lamang. Walang kung ano mang nagparamdam patungkol sa utang ng aming pamilya. Wala akong tawag at mensahe na natatanggap. Gayundin ay walang kahit ano mang nangyaring masama sa aming pamilya. Nahihiwagaan ako sapagkat halos tapos na ang labindalawang araw na palugit namin para mabayaran ang utang namin. Pati na rin ang Itay at Inay ay nagtatanong na. Mag iisang buwan na rin ang lumipas. Kaya nawala ang kaba sa aming dibdib. Mukhang tinupad nga ng misteryosong lalaki ang aking hiling na mas mahaba pang panahon na palugit. Napangiti ako. “Salamat po, Panginoon. Sana ay tuloy-tuloy na ito.” Sambit ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas sa aking silid. Si Inay at Itay ay nasa palayan. Nagtutulong sila sa mga ani. Inabot na sila ng hapon sa palayan. Kailangan magkayod dahil malapit na rin ang araw ng bentahan. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay maraming kaming naani. Kahit kaunti ay nakakapagtabi kami para sa pang araw-araw at para sa utang namin. Nasabi na rin sa akin ni Inay at Itay na nakakaipon sila ng pera para hindi masyadong mabigat sa akin ang lahat. Dahil kung ako lamang daw ang aasahan nila ay baka mapudpod na ang buhok ko sa sobrang kayod. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng aming hapunan. Naghugas muna ako ng bigas. Inuna ko muna ang pagsasaing bago sinunod ang ulam. “Nasaan ba yung natirang sitaw…” Bulong ko. “Ayun!” Ng mahanap ko ang aking hinahanap ay inihanda ko na ang mga kailangan sa aking lulutuin. Napag-isipan ko na magluto nalamang ng sinigang. Bukod sa paboritong ulam ito ng aking mga magulang ay masarap din humigop ng sabaw ngayon. Bago na lamang ata kami makakapag sinigang. Hinugasan ko lamang ang baboy na binili ko kanina sa bahay at ginayat ang mga sangkap bago simulan ang pagluluto. “Hmm…” I moaned. “Perfect!” Bago na lamang ako nagluto nito kaya naman grabe ang aking tuwa ng matikman ang aking luto. Wala pa rin kupas. Talagang tumatak na sa akin ang turo ni Inay na pagluluto ng sinigang. Swerte naman ng magiging asawa ko. May maganda na nga siyang asawa. Masarap pa magluto. Napatawa ako sa aking iniisip. Umiling nalamang ako bago nilinis ang pinag gawan ko. – Halos mag aalas siyete na rin ng gabi ng makauwi sila Inay at Itay. Ginabi na sila sapagkat siniguro muna nilang maayos ang ani bago umuwi. May edad na ang Inay at Itay ngunit kayod kalabaw pa rin sila. Ang laging rason nila ay hawak tumigil, dahil kung titigil sila ay pare-pareho kaming magdurusa. Kahit gusto ko na silang patigilin ay wala akong magawa. Hindi ko naman ikakaila sa aking sarili na kailangan ko talaga ng tulong. Bukod sa mag isa lamang akong anak ay wala rin naman kaming matatakbuhan na kamag-anak namin dito sa aming lugar sapagkat ang iba sa aming kamag-anak ay nasa malayo o ‘di naman kaya ay nasa ibang bansa at maganda na ang buhay. “Anak! Tarika dito bilis!” Sigaw ni Inay mula sa sala. Itinigil ko ang paghahanda ko ng aming kakainin. Iniinit ko kasi ang niluto ko na ulam. Pinunasan ko yung kamay ko bago pumunta sa sala. Nadoon si Inay at Itay na may kinakalantaring isang malaking box. I raised my eyebrow. Ano naman ito? “Ano yan, Inay? Itay? Saan yan galing?” Tanong ko sa kanila bago umupo sa lapag at tinignan ang mga laman ng box. Puro mga bagong damit, tsokolate at kung ano-anong pagkain at gamit ang laman nito. Nagningning pa ang aking mata dahil may nakita akong pink na dress at sandals na kasama. Yun pede ko magamit sa tuwing aalis! “Oh anak oh! May Toblerone pa!” Excited na sabi ni Itay. Natawa nalamang ako. They couldn't contain their excitement. Dahil kahit ako ay hindi rin mapakali sa sobrang excitement. Tila bago nalamang ako nakakita ng mga ganitong bagay. Naalala ko pa ang last time na nakatikim ako ng tsokolate galing abroad. Ito ay noong college pa ako, bigay pa iyon ng isa sa mga kaibigan ko. “Teka? Saan nga ba galing to?” Balik ko sa tanong ko kanina. “Nagpadala ang, Ate Noreen mo. Kahit kami ay nagulat dahil parang anim na taon na ang nakalipas noong huli siyang nagpadala sa atin ng balikbayan.” Saad ni Inay. Tila natuwa ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Ate Noreen. Oh my god! Ate Noreen is my mother's niece. She's now settling in Canada and working as a nurse. Doon na rin siya nakapag asawa at nakapag anak. It's been a year since we've been together. Isa siya sa paborito kong pinsan. Noong nandito pa siya sa Pinas ay lagi siyang pumupunta sa amin. Lagi niya rin akong nililibre ng pagkain noon kaya naman masyado akong napalapit sa kanya. Those good days! Hays! “Oh tama na muna iyan. Kumain muna tayo at baka lumamig na yung ulam.” Anyaya ni Inay. Agad naman kaming tumungo sa kusina. Pinaglagay ko na si Itay at Inay ng kanin. Sabay-sabay kaming kumain at habang kumakain ay kinuha na rin namin ang pagkakataon para makapag kuwentuhan sa mga bagay-bagay. “Mukhang lumambot ang puso ng mga Hidalgo at wala namang nangyaring singilan.” Panimula ni Itay. “Magpasalamat nalamang tayo at mukhang pumapabor sa atin ang, Diyos. Kay buti niya talaga.” Sabi ni Inay. They've been stressing about the debt for over a month. Kaya nagpapasalamat ako na kahit papaano ay nagiging mabuti ang mundo sa amin. I judged too quickly, mukhang may kaunting kabutihan pa ang mundo para sa amin. Pinagpatuloy namin ang pagkain namin. May halong tawanan at kulitan. Ito ang namiss ko. Dahil noong mga nakaraang araw ay puro tungkol sa utang ang aming topic. Pagkatapos kumain ay nag urong na ako. Habang sila Inay at Itay naman ay pinagpatuloy ang paghahalungkat sa padala ni Ate Noreen. Ng matapos sa pag-uurong ay naglinis na ako ng katawan dahil balak ko matulog ng maaga ngayon sapagkat ilang araw din akong puyat at pagod dahil sa kahahanap ng trabaho noong nagdaang mga Linggo. Gusto ko sanang makapagpahinga ng maayos at baka mapaano pa ako. “Anak oh. Ibinukod ko na yung mga para sayo.” Usal ni Inay. It was some of the clothes and chocolates. Kasama roon yung pink na dress at sandals na kanina ko pa pinag iinteresan. I thanked my parents before entering my room. Inilagay ko sa lamesa ko sa kwarto yung mga gamit bago humilata sa banig. I sighed. Kinuha ko yung aking cellphone at nagtipa ng mensahe pasasalamat para kay Ate Noreen. From: Ate Noreen “Welcome, Selene! Can't wait to see you again! Ipapakilala kita sa mga anak ko at asawa ko! Or better ipakilala rin kita sa isang afam!” Natawa nalamang ako sa mensahe ni Ate Noreen. Ilang minuto rin kaming nagpalitan ng mensahe ni Ate Noreen bago siya nagpaalam. Habang ako naman ay napagdesisyunan na mag scroll muna sa f*******:. Hindi pa man ako nakakapagtagal sa pag scroll ay biglang may pamilyar na mukhang dumaan sa aking feed. Bachelor's Nation Posted 13 minutes ago… “Do it like Zach.” Reaction: 567.8K Oh? So he's famous? It's a picture of the man that I bumped into before. His sharp looking features ignites the reaction of the f*******: users. Naka coat siya at napaka elegant ng kaniyang itsura. Pati sa picture ay ramdam mo ang pagiging intimidating niya. Kahit sa picture ay masungit. I pressed the angry reaction before turning off my phone. I rolled my eyes. “Do it like Zach mukha niya. Zach-zachan siya ng sungit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD