Kabanata 5
Napakagaan ng katawan ko ng magising ako kinabukasan. Tila nawala ang mga sakit ng kasukasuan ko na noong nakaraang araw ko pa iniinda. Alas nuebe na ako ng umaga nakahaing. Napasarap ang tulog ko kagabi. Tila ito na ang desente ko na tulog sa tanang buhay ko.
Ang buong akala ko noong makatapos ako ng kolehiyo ay makakatulog na ako ng walong oras ngunit hindi pa pala. Literal na nabawasan pa ang oras ng tulog ko. Iba talaga makipaglaro ang buhay.
Humikab ako. Pinahid ko muna ang mga mata ko bago inayos ang higaan. Lumabas ako sa kusina at naghilamos ng mukha. Naabutan ko sila Inay at Itay sa sala na nagkakape at nagkukuwentuhan kaya nakisali na rin ako.
“Umagang-umaga ang chika ah? Anong meron at nagtatawanan kayo diyan?” Usisa ko sa kanila.
“Eh paano ba kasi itong Itay mo. Napakahilig galitin yung apo ni ka Isho. Eh alam mo naman yung batang iyon, kapag nagalit ay talagang manghahabol pa.” Natatawang saad ni Nanay.
“Eh napaka cute kasi nung bata na iyon. Aba ay natutuwa ako kapag nagagalit.” Lokong saad naman ni Tatay.
Natawa nalamang ako sa kanila. Napakababaw ng kanilang kaligayahan. Ang sarap din sa mata na makita silang nagkakatuwaan. Na parang walang problema na kinahaharap.
“Alam mo, Itay. Kahit pa noong bata ako ay ang hilig mo na manggalit. Sige ka baka paglaki ng apo ni ka Isho ay makipag boxing sa iyo yun.” Biro ko kay Itay.
Nagtawanan lamang sila. Natawa nalang din ako.
Sana ay ganito lagi ang simula ng umaga.
–
“Anak labas na muna kami ng Itay mo ha? Ikaw na muna ang bahala sa bahay?” Sigaw ni Inay sa labas.
“Sige po Inay! Ingat po kayo ni Itay!” Sigaw ko pabalik mula sa aking kwarto.
Naiwan ako sa bahay mag isa. Kaya ang ginawa ko nalamang ay naglinis. Matagal na rin kasi ang huling beses na naglinis kami ng bahay. Sa sobrang busy ng buhay ay nakakaligtaan na mag linis. Puno na ng agiw ang iba't-ibang sulok ng bahay, para na nga itong tirahan ng mga gagamba kaya dapat na talaga linisin.
Kinuha ko yung mga gamit panlinis at nagsimula na. Nag agiw muna ako bago magwalis at nag punas ng mga kung ano anong gamit sa loob. Inabot din ako ng ilang oras paglilinis ng bahay. Grabe din ang tumambad na libag, tila isang dekada hindi nalinis ang aming bahay.
Napahawak ako sa aking masakit na likuran pagkaupo ko sa bangko sa sala. Nagpahinga lang ako saglit bago napagdesisyunan na maligo. Sandali lamang ang ginawa ko na ligo.
Umupo ako sa papag sa aking kwarto habang nagpapatuyo ng buhok. Nakatapat sa akin yung electric fan. Nagpahid lamang ako ng lotion at after non ay nagbihis din ako. Simpleng pambahay lamang ang aking isinuot dahil wala naman akong lakad ngayon.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at lalabas na sana ng aking silid ng biglang tumunog ang aking cellphone.
Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Mula sa lockscreen ay may naka indicate na email ngunit hindi kita ang mensahe. Siguro ay spam messages na naman ito ng mga websites.
Pinindot ko ito sa pag-aakalang ito ay galing sa spam websites. Ngunit ng basahin ko ang nilalaman ng email ay halos mapalundag ako sa tuwa.
To: Ms. Selene Amerie Constancia
From: Finance Department of APEX Structure
“We are glad to tell you that you will advance to the next and final phase of the interview, please bring the necessary requirements. Don't reply to this automated email. Thank you.”
“OMG! OMG! Totoo ba ito?!” Naghihisterikal na usal ko.
Oh my god! Thank you Lord!
“Told you, Selene. Hindi iyon ang huling balik mo sa kumpanya na iyon!”
–
Sinabi ko kaagad ang magandang balita kay Inay at Itay pagkadating nila. Tuwang tuwa sila ng malaman ito. Kaunti nalamang ay magkakaroon na ako ng trabaho. All I have to do is to ace the next phase at paniguradong matatangap ako sa kumpanya.
“Salamat sa Diyos at biniyayaan niya tayo ng matalino at masipag na anak.” Nakangiting sabi ni Inay.
“Mana sa Itay ano?” Biro ni Itay. Pinandilatan lamang ito ng mata ni Inay na ayaw pumayag na mana ako kay Itay.
Kinabukasan ay ang araw ng aking interview. Inihanda ko na ang mga dapat dalhin. Tinulungan rin ako ni Inay na plantsahin ang dress na ipinadala ni Ate Noreen. Hindi muna sumama si Inay kay Itay sa taniman dahil gusto niya raw akong asikasuhin muna.
“Ang ganda-ganda mo talaga anak. Mana ka talaga sa akin.” She said dreamily while looking at me, appreciating my looks.
Bumagay sa kutis ko ang kulay pink ng dress. Pinaresan pa ng sandals na kulay puti. It has a small heels kaya medyo tumangkad ako ng konti.
“Mukha na ba akong prinsesa nay?” Tanong ko kay Inay.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Kahit noon pa, mukha ka nang prinsesa anak.”
I smiled at her.
I just added some details to my look. I fix my long hair in a messy bun style. I also put some link lipstick to my lips and added a little bit of blush on para stand out ang pula ng pisngi ko.
I once again looked at the mirror before ako nagpaalam kay Inay na uuna na ako. She even kissed me at pinabaunan pa ng menthol candy sa sling bag na dala ko. Para raw may nangangata ako.
Walang pagsidlan ang aking galak. Kahit nasa byahe ay hindi nawala ang mga ngiti sa aking labi. Ilang oras ang aking binaybay bago ko naratinh ang kumpanya.
Tumingala ako sa kabuuan nito at pinagmasdan ang buong building. Open your doors for me and I'll make sure to make you proud. Ibigay mo na sa akin ito Lord.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kumpanya. As usual busy na naman ang mga empleyado. Pabalik-balik at hindi makawari.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad habang kinakapa ang cellphone ko sa aking bag ko. Nahirapan pa ako makuha ito dahil naipit ito sa ibang gamit sa loob ng bag. Nang makuha ko ang phone ko ay tinignan ko ang oras. May ilang oras po ako na kailangan hintayin.
I was about to put my phone again inside my bag when I suddenly bumped into someone. Nahulog pa ang hawak ko na clear plastic envelope dahil sa lakas ng pagkakabangga ko. And to its quota, noo ko na naman ang nadali.
Ang sakit! Why do I keep bumping into someone!
Napasapo ako sa aking noo bago lumuhod para kunin yung mga nahulog kong gamit.
I was about to get the plastic envelope ng maunahan ako nung nakabangga sa akin. Sabay kaming tumayo. Tumingala ako para makita kung sino naman ang nabangga ko.
Halos malaglag ang panga ko ng tumambad ang isang matipuno at gwapong lalaki.
Wow! Hulog ata ng Diyos na puro gwapo ang makabanggaan ko!
Noong una ay yung gwapong masungit ngayon ay gwapo na naman! Ngunit ang pinagkaiba ay maamo naman ang mukha nitong lalaki na nasa harapan ko ngayon. He's definitely different from the other guy I bumped into before.
Ang mahahaba niyang pilik mata. Gray pair of eyes. Pointed nose. Sharp jawline. Red lips and his messy hair screams perfection.
“Are you okay, Miss?” Napabalik ako sa ulirat ng magsalita ito.
“A-ah yes! I'm okay, I'm so sorry.” I replied.
He smiled. “Pasensya na rin. I wasn't paying attention to where I'm going also, kaya quits lang.”
Para akong natutunaw na ice cream ng ngumiti siya. Grabe he's so different from the other guy! I mean, he's so kind… I guess.
“Ah yeah… anyways I'm so sorry, need ko na po mauna… may interview pa ako. Bye.”
Gusto ko pa sana siya makausap dahil ang gaan niya kausapin. Ngunit naalala ko na may interview nga pala ako. Kung paiiralin ko ang kalandian ay mawawalan naman akong oportunidad na magkaroon ng trabaho.
Next time na ang landi.
“Ah miss! You drop your ID!” Sigaw nito ng hindi pa ako nakakalayo.
Agad naman itong lumapit sa akin bago inabot ang naiwan kong ID sa sahig ng mahulog ang plastic envelope na hawak ko.
I smiled at him. “Thank you.”
Tuluyan na akong naglakad. Kahit na May panghihinayang ay wala naman akong oras para kausapin pa ang lalaki.
Sana ay may next time pa…