PROLOGUE
"Tita Lynette!" tili ng aking pamangkin nang makita niya ako. Sumama siya kay Kuya sa pagsundo sa akin dito sa airport. Ilang taon din akong nagtrabaho sa US, at ngayon lang ako umuwi. Mula nang mag-kolehiyo ako bihira lang din akong umuwi ng probinsya.
It's been three years since I left the country. Miss na miss ko na ang Nanay at Tatay. Ang aking pamilya.
"Hello, baby girl..." Niyakap nito ang aking binti at si Kuya naman ay agad akong niyakap. Naging emosyonal ako.
"Hi, Kuya, kumusta?"
"Heto, maayos naman bunso." Inakbayan niya ako saka giniya sa sasakyan.
Nasa anim na oras ang biyahe hanggang sa aming probinsya. Kahit pagod, hindi ko nagawang matulog sa biyahe dahil ang daldal ng aking pamangkin. At isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay dahil kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko din maintindihan kung bakit, marahil excited lang talaga ako sa aking pag-uwi.
"May nobyo ka na ba bunso?" tanong ni Kuya. Nangingiti akong umiling.
"Walang nagkakamali sa akin, e."
"Oh, masyado ka lang pihikan."
Natawa na lang ako. Hindi naman ako pihikan. Sadyang busy lang ako sa work at wala akong matipuhan sa aking mga manliligaw doon. And hindi din siya kasama sa priority ko.
Bumuntong hininga ako at inabala na lang ang aking sarili sa pagtingin sa daan. Ilang taon na, ang dami ng nagbago dito.
Hindi gaano traffic kaya naging tuloy-tuloy ang aming biyahe. Past lunch na ng dumating kami. May handaan sa lumang bahay, ito ang bahay ng mga magulang ni Tatay na minana ni Tita. Naisanla ito noon ngunit tinubos ko, dahil nanghihinayang talaga tlaga ako.
Dito nakatira si Tita at dito din madalas magdaos ng mga okasyon at salo-salo ng aming pamilya.
Gusto ko munang maghilamos bago makihalubilo kaya dumiretso na muna kami sa bahay. Maging ang aming bahay ay nagbago na din. Mas matibay na ito ngayon. Hindi na matatakot sina Nanay kapag may malakas na bagyo.
"Tara na, Tita!" excited na aya sa akin ng aking pamangkin. Nagpunas lang ako ng aking mukha at hindi na ako nagpahid pa ng kahit na ano. Hindi pa naman ako ganoon ka-haggard kaya ayos lang.
Sa pintuan sa may kusina kami pumasok.
"'Nay..." Napatili si Nanay nang makita ako. Si Tatay ay lumapit din at mahigpit akong niyakap. Umiiyak sila kaya naiyak na din ako.
"Miss na miss ko po kayo." a
"Miss na miss ka din namin, Anak." Lumapit na din sa amin ang iba pa naming kamag-anak. Ilang minuto kaming nagkumustahan hanggang sa pinakawalan nila ako at hinayaang kumain. Nagugutom na din talaga ako.
"Si Tita po?" tanong ko.
"Nasa taas, nagbihis lang."
Kasusubo ko lang nang karne ng baka nang lumapit sa akin si si Tita.
"Kumusta, maganda kong pamangkin?"
"Tita!" Niyakap ko siya kahit punong-puno pa ang aking bunganga. Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Tita, samantalang ako naman ay walang lakas dahil sa nakita ko sa kaniyang likuran.
Kamuntik pa akong mabulunan nang makilala ko siya.
"Oo nga pala... I want you to meet my boyfriend, hija..."
Napaiwas ako ng tingin at napakurap.
"Benjamin, ang pamangkin ko."
Nag-abot ng kamay sa akin si Benjamin. Huminga ako nang malalim bago ko inabot ang kaniyang palad.
"Nice to finally meet you, Lynette..." Halos pumikit ako nang marinig ko ang kaniyang baritonong boses. His voice that keeps haunting me for the past years.
Alanganin akong ngumiti at halos manginig pa ang boses ko.
"Nice to meet you to... po..."
Takam na takam ako kanina sa pagkain pero ngayon, biglang napawi ang aking gutom. I feel uncomfortable because of his presence.
Yes, I know him. Hindi ko lang siya basta kilala. He used to be my sugar daddy. My first love. My lover. But now he's my aunt's lover.